CHAPTER 27

1 0 0
                                    

CHAPTER 27 - TEST OF FATE

Maaga kaming umalis para mamasyal. Hindi na sumama si Choy dahil may mahalaga raw silang pag-uusapan ni papa.

"Nakatulog ka ba?" tanong ko sa kanya dahil napansin ko ang eyebags niya.

"Hindi."

"Bakit?" pagtataka ko. "Hindi ka ba kumportable sa kwarto?" tanong ko. Sa guest room silang dalawa ni Choy natulog at sa pagkakatanda ko ay maayos pa naman doon.

"Dahil sa 'yo."

"Huh? Bakit ako?"

"Iniisip kasi kita." gusto kong kiligin sa sinabi niya.

"Ayie. Ang aga naman magpakilig ng sweetie ko."

"Syempre. Gusto kong kinikilig ka eh." natawa na lang ako.

Nandito kami ngayon sa plaza. Katulad sa Quezon ay may mga nagjo jogging rin dito. Marami ring kainan na puwedeng pagpilian.

"Ate Seff?"

"Uy, Kenji!" mukhang nagjo jogging rin siya tulad ng iba dahil sa itsura niyang pawisan. Nakasuot siya ng tshirt at jersey short.

"Kailan ka pa dumating?"

"Kahapon lang." napansin kong napunta kay Kallum ang tingin niya kaya ipinakilala ko ito. "Si Kuya Kallum mo nga pala. Boyfriend ko." hindi ko alam kung bakit pero ngumiti siya nang sabihin kong boyfriend ko si Kallum. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may boyfriend na ako.

"Hello po." sabi niya at inilad ang kamay niya rito. "Kenji po." pagpapakilala niya sa sarili.

"Kapatid siya ng kaibigan kong si Cleah." sabi ko naman kay Kallum.

"Sige ate. Baka nakakaabala na ako sa date niyo. Kumusta na lang po kay Kuya Choy."

"Ikaw talaga. Sige. Ingat ka. Ikumusta mo rin ako kita Tita Daphne at Tito Louie."

"Famous, huh?" pagbibiro niya sa akin nang umalis si Kenji.

"Isa pa lang 'yon." natatawa kong sabi. "Baka magulat ka kapag dinumog ang artistahin mong girlfriend."

"Yabang! Haha." ipinulupot niya sa akin ang braso niya. "Kung ganoon, handa akong maging bodyguard mo." pinisil ko ang ilong niya at tulad ng ginawa niya ay yumakap rin ako sa bewang niya.

"Thanks for coming into my life, sweetie." malambing kong sabi sa kanya. Pinisil niya ang bewang ko at hinalikan ang pisngi ko. PDA.

"You're the love of my life, my queen, my sweetie."

Hindi ko inakala na ganito siya ka clingy at ka showy. Buong akala ko ay puro yabang lang alam niya, at aaminin kong madalas niya akong masurpresa sa mga bagay na hindi ko naisip na kaya niyang gawin para sa akin.

Nang makabalik kami sa bahay ay handa na ang almusal.

"Mag-ingat kayo sa byahe niyo, anak." paalala ni mama. Halos puro bilin ang bukang bibig niya habang kumakain kami.

"Yes, ma."

"I'll drive this time." ani Kallum.

"Mabuti naman." sagot ni Choy nang malunok ang hotdog na isinubo niya. "Para naman hindi ako magmukhang driver niyong dalawa." pagbibiro niya. Natawa naman sila mama sa kanya.

"Ikaw ba iho, wala ka pa bang balak magkanobya?" tanong ni mama sa kanya.

"Wala pa pong makita Tita Carol." nahihiya niyang sagot rito.

"Paano ka may makikita eh puro ka trabaho at bahay." ani papa na ni hindi man lang iniaalis ang paningin sa plato niya habang abala sa paghiwa sa bacon niya.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now