CHAPTER 33

2 0 0
                                    

CHAPTER 33 - BLINDED BY PAIN

Ilang araw ng nasa ospital si papa. Medyo maayos na ang lagay niya pero hindi pa raw siya puwedeng ilabas sabi ng doktor niya.

"Carol, hindi kaya mas makabubuti kung ang mga anak muna natin ang pumalit sa kanya?" tanong ni Tita Criselda kay mama.

Nandito sila ngayon sa unit at kasabay naming nag-aalmusal. Minabuti ni Choy na dumito muna si mama habang nagpapagaling si papa. Dumating din si tita kanina para mangumusta.

"Mom, can we not talk about it now?" sabi ni Choy nang hindi agad kumibo si mama.

"Pasensya na." sabi nito. "Hindi ko lang maiwasang mag-alala dahil alam ko kung gaano kahalaga kay Joseph ang kumpanya."

Talaga pa lang kahit siya ay alam iyon? Akala ko ay ako lang ang nakapansin kung gaano katutok si papa sa kumpanya sa puntong kaya niyang isakripisyo ang kahit ano.

Naisip ko kung anong nararamdaman ngayon ni mama. Siguradong sobra siyang nag-aalala pero hindi niya lang sinasabi. Isa pa, hindi naman ganoon kadali ang suhestiyon niya. Ano? Magreresign na naman kami ni Choy sa kanya-kanya naming trabaho para lang doon?

Natapos kaming mag-almusal na halos walang kibo si mama. Hindi ko alam kung anong itinatakbo ng isip niya pero hinayaan ko na lang muna.

Ihinatid kami ni Choy. Ako sa trabaho, at sila mama sa ospital.

"Good morning, Ms. Seffie." bati sa akin ng guard.

"Good morning, manong."

"Seffie."

"Kallum?" gulat kong tanong nang makita siya sa lobby ng building.

"Hi." aniya. Agad siyang tumayo nang makita ako. Mukhang kanina pa siya.

"Anong ginagawa mo rito?" bahagya siyang tumungo at hinimas ang batok niya.

"Can we talk?" aniya na puno nang pagbabakasakali ang mga mata.

"Nakainom ka ba?" tanong ko nang may maamoy na alak pero hindi siya kumibo.

Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. "Seffie, please." ramdam kong nasa amin ang mga mata ng mga taong nakakakita sa amin at aaminin kong hindi ako komportable.

"Umuwi ka na, Kallum." mahinahon kong pakiusap sa kanya. Akmang lalapit siya sa akin nang pigilan ko siya. "Please, huwag dito."

"Kahit ten minutes lang."

"No."

"Five minutes." pagtawad niya.

"Hindi puwede."

"Please, sweetie." napapikit ako sa itinawag niya sa akin. Parang hinaplos ang puso ko pero hindi ako puwedeng magpadala rito.

"May trabaho pa ako." pormal kong tugon at labag man sa loob ko ay iniwan ko siyang nakatayo roon. Tinawag niya ako pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Ayoko. Ayoko dahil baka makita ko lang ang sarili kong bumabalik papunta sa kanya.

Pinilit kong maging abala sa buong araw. Ginawa ko ang lahat ng mga reports at kung anu-ano pang paper works kahit hindi pa naman ito kailangan. Ayokong magkaroon ng oras para isipin ang mga bagay na walang kinalaman sa trabaho ko. Hindi ko rin sinilip ang cellphone ko kahit panay ang vibrate nito. Alam kong si Kallum ang laman ng text at tawag nito kaya hindi ko na lang pinansin. Sa wakas ay natapos rin ang araw ko.

"Uuwi ka na?" tanong ni Dianne. Laking pasasalamat kong hindi siya nagalit sa akin pagkatapos ko siyang sigawan. Hindi ko naramdaman na sumama ang loob niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay ang sama-sama kong kaibigan.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon