CHAPTER 48

1 0 0
                                    

CHAPTER 48 - BEHIND THOSE WHYS

"Miss na kita, Joseffinah. Kailan ka ba babalik?" tanong sa akin ni Dianne mula sa kabilang linya. Sabado ngayon at naisipan kong pumunta sa mall.

Dahil gising na siya ay uumpisahan ko na ang pagbawi ko sa kanya. Wala akong pakialam kung hindi niya pa ako maalala. Kung hindi niya matandaan kung sino ako sa buhay niya, ipapaalala ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam, Di. Kumusta kayo riyan?"

"Maayos naman. Nakakapanibago lang."

"Pasensya ka na sa mga naiwan kong trabaho."

"Ano ka ba? Ayos lang. Pero sana bumalik ka na."

"Sasabihan kita agad kapag maayos na ang lahat."

Hanggang ngayon kasi ay naka leave pa rin ako. Napahugot ako nang malalim na hininga. "Sige na, Di. Ingat ka." sabi ko at pinutol na ang linya.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang, masaya pa ako dahil nandito si Cijz, pero ngayon, isang linggo pa lang ang nakalilipas pero iyong mga nangyari, parang pang isang taon na.

Dumiretso ako sa pagawaan ng bulakbulak.

"Hi, iha." bati sa akin ng may edad ng babae. Nasa mga mahigit singkwenta na siguro siya. "Tuloy ka." aniya.

"May white Tulips po kayo, nay?" ngumiti siya.

"Meron iha." sinundan ko siyang tuntunin ang direksyon kung saan nakapwesto ang mga bulaklak. "Anong okasyon?"

Napangiti ako nang makita ko ang naggagandahang puting Tulip. "Wala naman ho. May pagbibigyan lang po ako."

Alam kong hindi sapat ang bulaklak na ito para sa lahat ng nagawa ko at sa kapatawaran mo, Kallum. Pero gusto ko pa ring bigyan ka.

"Espesyal ba ang taong pagbibigyan mo nito?" tanong niya.

Tumango ako. "Sobra po."

"Mukhang manunuyo ka." ngumiti rin siya. "Ang ibig sabihin ng white tulip ay kapag hihingi ng kapatawaran sa isang tao. Nagpaparating din ito na labis na pagmamahal." pagpapaliwanag niya habang inaayos na ito. "Mukhang ayaw mo siyang mawala."

"Tama po kayo." pinanood ko siyang gawin itong bouquet. Excited na akong ibigay ito sa kanya. "Puwede po bang balikan ko na lang? May dadaanan pa po kasi ako eh. Mabilis lang po."

Nang tumango siya ay dumiretso na agad ako sa bake shop kung saan ako nag pre-booking ng Black Velvet. Paborito iyon ni Kallum kaya alam kong matutuwa siya kapag nakita iyon.

Ako naman Kallum. Ako naman ang babawi sa 'yo.

Muli kong kinapa ang kahon ng kwintas sa bulsa ko.

Masaya akong pumunta sa ospital. Hindi ko na inabala pa si Choy dahil alam kong pagod na rin siya. Ilang araw na kaming walang matinong tulog at pahinga, lalo na siya.

Kay Kallum na ako dumiretso. Nakasalubong ko pa ang kapatid ko at natawa ako sa reaksyon niya. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita akong may dalang cake at bulaklak. Gusto ko sana siyang kawayan pero parehong may hawak ang mga kamay ko.

"Seffie..." aniya.

"Good morning." nakangiting bati ko sa kanya nang makalapit kami sa isa't-isa. "Gising na ba siya?" tanong ko, tinutukoy si Kallum.

"Ano kasi..." sabi niya na para bang hindi mapakali.

"Why?" akmang maglalakad na ako at lalampasan siya nang tawagin niya uli ako.

"Seff."

Naghahanap ng sagot ang mga mata kong tiningnan siya? "Bakit?"

"Dito ka na lang muna." seryosong sabi niya pero hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now