CHAPTER 28

2 1 0
                                    

CHAPTER 28 - UNCERTAINTIES

"Good morning, my princess." bungad sa akin ni Choy paglabas ko sa kwarto ko.

"Anong niluto mo? Ang bango." salubong ko sa kanya at dumiretso na sa kusina.

"Your favorite. Lasagna."

"Wow." bulalas ko. Sinisikap pasayahin ang tinig kahit wala ako sa kundisyon.

"Anong oras ka susunduin ni Kallum?" bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara.

"You okay?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Agad niya akong dinaluhan dahil sa natapong lasagna sa akin.

Tsk! Ano ka ba naman, Seffie? Ang aga aga.

"Sorry." sabi ko habang pinupunasan niya ang natapon sa sahig.

"Nah. It's fine." sabi niya nang matapos ang pagdakot sa duming gawa ko. "So, anong oras pupunta si Kallum?" pag-uulit niya sa tanong.

"Hindi ako nagpasundo ngayon." tipid kong sagot. Iniingatang hindi siya magtanong kung bakit kahit alam kong imposible iyon.

"Himala." mahihimigan ang paninibago sa boses niya. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung paano ko napapayag si Kallum. "So, I'm in charge, then?" dugtong niya.

I just gave him a slight smile. "Please?" malambing kong sagot.

"No problem." aniya at muling nilagyan ng lasagna ang plato ko. "Go eat your food."

Hindi ko naiwasang maging tahimik habang kumakain at kahit tutok ang paningin ko sa plato ko ay alam kong nasa akin ang buong atensyon ni Choy.

"Are you guys okay?" mayamaya ay tanong niya ng hindi na siguro nakatiis.

"Of course." agad kong tugon. Maayos naman talaga kami. Ako lang ang hindi.

"Okay. Pinakaba mo ako."

"Why?"

"Don't mind it. Finish your food." sinunod ko ang sinabi niya at nang matapos kami ay inihatid na niya ako. Buong byahe akong tahimik at laking pasasalamat kong hindi siya nag-usisa sa akin.

Nang silipin ko ang cellphone ko ay may text ako galing kay Kallum.

From: Sweetie

iloveyou

Nagreply ako sa kanya nang mabasa ito.

To: Sweetie

I know.

*sent*

And I know this is not fair. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naguluhan. Para akong bigla ulit nasaktan.

From: Sweetie

Cold as ice sweetie

To: Sweetie

Sorry. Just tired from last night. Loveyou.

*sent*

Mabigat ang pakiramdam kong sinalubong ang mga katrabaho ko. Kapansin-pansin naman ang pagiging seryoso ni Dianne.

"Morning." bati ko sa kanya nang makapwesto ako sa table ko.

"Not in the mood?" tanong niya. Hindi ko alam kung masyado na iyong halata sa mukha ko. "Mukha kang heartbroken. Anong nangyari?" tanong niya pa.

Sasabihin ko ba?

"Hindi naman." sagot ko. Nag-iisip pa rin kung tama bang sabihin ko.

"Your words don't match your face, girl." mataman niya akong tiningnan na para bang sinusubukang kalkalin ang kung anumang laman ng utak ko.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now