CHAPTER 12

4 0 0
                                    

CHAPTER 12 - LESS THAN A LOVER

"Ngayon daw ang uwi ni Cijz, Renz." masayang balita ko sa kanya nang pumasok siya sa opisina.

"Talaga? Gusto mo sunduin natin?" alok niya. Napangiti ako dahil sa pagiging matulungin niya.

"Okay lang?" tanong ko. Medyo busy kasi kami ngayon dito sa shop.

"Oo naman. Kayo pa ba ni Cleah?"

"Yie! Thank you!" sa sobrang tuwa ko ay sinalubong ko siya nang yakap. Nang mapagtanto ko ang ginawa ay agad rin akong kumalas sa kanya. "Sorry." shocks! Nakakahiya!

"Ayos lang. Hehe." pakiramdam ko ay sing pula na nang hinog na kamatis ang pagmumukha ko. "Kape pala." sabi niya sabay abot sa isang cup ng kape. Hindi ko napansin na may dala pala siya. OMG! Ang puso ko!

"Thank you." malambing kong sabi. Shocks! Nagiging pabebe na ata akong masyado.

Bakit ba ang galing niyang magpakilig? Kahit hindi naman talaga siya nagpapakilig ay kinikilig pa rin ako.

Buong panahon na wala si Cleah ay sa kanya lang umikot ang bawat araw ko. Kung hindi sa shop ay sa ospital kami palaging nakatambay. Inalok niya rin akong sa bahay nila nanang matulog kasama si Trixie para raw hindi ako mag-isa pero tumanggi ako dahil nahihiya ako.

Wala siyang nagawa pero ipinilit niyang susunduin at ihahatid niya ako palagi. Hindi raw siya mapapanatag kung hindi niya ako makikitang nakauwi nang maayos.

Minsan ang sarap isiping boyfriend ko na siya pero hindi. Paano mangyayari iyon gayong hindi ko nga alam kung gusto niya rin ba ako. Mukha kasing likas na sa kanya ang pagiging mabait pero hindi ko maikumpara nang maayos sa iba dahil bukod sa akin, kay Nanang Cely, kay Trixie, at kay Cleah ko lang siya nakikitang ganoon makitungo. Tuloy ay hindi ko masabi kung espesyal ba ako sa kanya o ganoon lang talaga siya makitungo sa iba.

Masaya naming sinalubong ang kaibigan ko sa terminal. Nagulat pa nga siya dahil hindi niya alam na susunduin namin siya. Nagyaya si Renz na kumain muna sa labas kaya gabi na rin kami nakauwi. Masaya akong kasama ko na ngayon ang dalawang taong malapit sa puso ko. Hindi na ako makapaghintay magkwento kay Cijz.

"Ano?!" Bakit?" bulalas ko sa kanya nang malamang tumigil na si Luk sa panliligaw sa kanya. Kailan pa? Hindi ako makapaniwala. Simula't sapul ay magaan na ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang makita sa katauhan niya si Choy. May mga similarities kasi sila. Kapag nga nakikita ko siya ay naaalala ko ang kapatid ko. "Anong nangyari? Kailan pa?"

Ikinuwento niya sa akin ang lahat. Parang ako ang nanghihinayang sa nangyari sa kanila. Hindi ko alam pero boto talaga ako kay Luk para sa kanya. Idagdag pang sinabi niya sa akin na narealized niyang mahal niya na si Luk. Akala ko pa naman ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Plano ko kasi sanang sumunod sa kanya. Hahaha. Hays.

Ilang araw pa ang lumipas at wala pa ring magandang kwento ang kaibigan ko. Umaasa akong magkakaayos pa rin sila dahil gusto ko na ring jumowa talaga. Pauunahin ko lang sana talaga siya. Hahaha.

"Hi, Seffie." bati sa akin ni Renz na siyang nagpaganda sa umaga ko.

Nandito kami ngayon sa park at nagjo jogging. Namiss kong buo kami kahit madalas ay puro away lang kami ni Renz noon.

Naunang tumakbo si Cleah kaya naiwan kami ni Renz, pero dahil nakaramdam ako ng kilig ay nakaramdam din ako ng ihiin kaya nagpaalam muna ako kay Renz. Hehe.

Kailan kaya magiging maayos ang puso ng kaibigan ko? Hindi ko pa tuloy naikukwento sa kanya ang mga moment namin ni Renz. Sigurado akong matutuwa 'yon dahil katulad ni mama ay boto rin siya rito.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now