CHAPTER 50

2 0 0
                                    

CHAPTER 50 - TWISTS AND TURNS

"I'm gonna miss you. Be safe there, okay?" aniya at ikinulong ako sa yakap niya.

"Sir, yes sir!" sabi ko at nag salute na siyang nagpabuntong hininga sa kanya.

Natawa ako. Alam kong seryoso siya sa sinabi niyang mamimiss niya ako. Mahigit isang taon ko na rin kasing ginugulo ang tahimik niyang bahay at buhay. "Sige na. Mag-ingat ka pag-uwi." sabi ko at umalis na.

Kulang-kulang labing-limang oras ang byahe ko. Para lang akong nagbyahe mula Norte papuntang Quezon.

Ang totoo ay unang beses ko sa ibang bansa. Hindi naman kasi kami matravel at tanging si papa lang ang palaging umaalis ng bansa para sa trabaho niya. Isa pa, takot akong sumakay sa eroplano.

Bigla akong natawa sa sarili ko. Takot ako sa eroplano pero ito ako at halos malapit na sa pupuntahan ko.

Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

"Kuya Rull!" tawag ko rito. Siya agad ang una kong tinawagan nang makapaglanding ang eroplano namin dito sa Los Angeles International Airport, California. Hindi ko alam kung ilang oras na niya akong hinihintay ngayon dito sa arrival area.

"Glad you came safe, Seffie." mahigpit ko siyang niyakap at malugod naman niya itong sinuklian.

"Namiss kita, Kuya Rull." sabi ko. Hindi makapaniwalang nandito na siya ngayon sa harap ko. Tinampal-tampal ko ang sarili ko. Baka kasi nananaginip lang ako. Nakita kong natawa siya. At nang nasaktan ako sa sarili kong samapal, "Oh my gosh! It's really not a dream!" parang baliw na bulalas ko.

"Hahaha. We missed you too." aniya. We? "And yeah, you are not dreaming. It's all real. I'm real. Hahaha."

Muli ko siyang niyakap. Sobrang saya ko talaga! Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil hindi magiging posible ang pagsunod ko rito kung hindi dahil sa tulong niya.

Naging madali para sa akin na asikasuhin ang lahat dahil tinulungan niya ako sa lahat ng impormasyong kailangan ko. Siya ang nagsabi sa akin kung saan sila tumuloy noong umalis sila. Kung saan nila ipinapagamot si Kallum, at kung kumusta na siya. Siya ang nagsilbi kong mata kay Kallum tuwing gusto ko itong makita. Palihim niya akong tinulungan kahit alam naming dalawa na magagalit si Tio Marcus kapag nalaman ang ginagawa niyang pagtulong sa akin. At pati itong pagsunod ko ay katulong ko siya. Dahil unang beses ko ito sa bansang ito ay siya ang nag-ayos ng matutuluyan ko. Sobrang laki talaga ng naitulong niya.

"Hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan, kuya." nagpipigil nang luha kong sabi.

"Ano ka ba? Wala iyon 'no? Tsaka alam ko namang matutuwa rin si Kallum kapag nalaman niya. Sayang lang at hindi ka pa niya maalala."

"Thank you talaga, kuya!"

"Hahaha. You're welcome." aniya. "And please, don't cry. Baka mayari ako." natatawa niyang saway sa akin.

"Nino?"

"Wala." sabi niya. Kinuha niya ang maleta ko at naglakad na papunta sa kung saan. Sa takot kong maiwan at mawala ay agad akong sumunod sa kanya.

"Hindi ko lang talaga maiwasang maging emosyonal kuya. Ang tagal kong hinintay ito eh. Ang tagal kong hinintay na magkita kami uli."

"Ganoon din naman siya."

"P-po?" gulat kong tanong. Hindi alam kung nabingi lang ba dahil sa jet lag.

"I mean, sigurado akong miss ka na rin niya kung nakakaalala na siya." akala ko pa naman... hmmm.

Hindi na talaga ako makapaghintay. Sobrang gusto ko na siyang makita kahit hindi ko alam kung paano at saan mag-uumpisa.

Oh my gosh, Cijz! Nasa California ang kaibigan mong maganda! Chasing the love of her life. Please pray for her dying heart and soul.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon