CHAPTER 37

3 0 0
                                    

CHAPTER 37 - JUST THE WAY YOU ARE

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayang nakatulog ako pag-uwi ko. Sobrang sakit ng ulo at mata ko.

"Seff?" tawag ni Choy at muling kumatok. Nakauwi na pala siya.

Tiningnan ko ang wall clock at nakitang pasado alas dies na ng gabi. Ang tagal ko rin pa lang tulog?

Bumangon ako at pinagbuksan siya. Walang sabi-sabi ko siyang niyakap. Nasasaktan talaga ako para sa kanya at hindi ko alam kung paano siya kapag nalaman niya ang tungkol doon.

"You okay?" tanong niya sa akin.

Nanatili akong nakayakap sa kanya. "I'm sorry." sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. "I'm really sorry."

"For what?" kalmado niyang tanong. How can this man take all the pain alone?

"Wala. Basta." sabi ko at pinunasan ang pisngi ko bago humiwalay sa kanya. "Kumain ka na?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hindi pa. Sorry ngayon lang ako."

"Okay lang. Nakatulog ako. Kagigising ko lang."

"May dala ako. Kain tayo."

Kinuha ko ang dala niya at dumiretso sa kusina. Naramdaman kong sumunod siya pero hindi niya ako pinigilan ng kumuha ako ng mga plato at kubyertos. Ako naman Choy. Ako naman ang mag-aasikaso sa 'yo.

Inilipat ko sa hawong ang dala niyang ramen at mga sea foods. Nakita ko siyang umupo sa harap ng lamesa habang pinapanood ako sa ginawa ko.

"Relax ka lang dyan." sabi ko at pekeng ngumiti. "My turn." bahagya siyang ngumiti pero parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang pagod at lungkot sa mga mata niya. Kung pagod ako, mas pagod siya.

Nang matapos ako ay tsaka pa lang ako umupo. Ginaya ko ang ginagawa niya. Nilagyan ko ng pagkain ang mangkok at pinggan niya pero dahil nanginginig ang kamay ko ay natapos ang sabaw ng ramen. Shoots! Mabuti na lang at hindi natapunan si Choy. "Sorry." sabi ko at akmang tatayo ng hawakan niya ang kamay ko at pigilan ako.

"It's okay. Calm down." naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. "Let's eat." para akong maamong tupa na sumunod sa kanya.

Nakakapanibago ang paraan ng pagkain namin. Pareho kaming tahimik at walang kibo. Gusto kong mag-umpisa sa pagsasalita pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko. Gusto kong malaman kung ano ang itinatakbo ng isip niya. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya. Gusto kong sabihin niya sa akin. Gusto kong ako naman ang dumamay sa kanya dahil buong buhay niya, mag-isa niyang dinala ang lahat.

"Seffie." halos malaglag ang kutsarang hawak ko nang magsalita siya. "You're crying." aniya. Gulat akong napahawak sa pisngi ko at nahipo ang basa rito. Shoots! Hindi ko alam na umiiyak ako.

Ano ba naman ito. Napakahina ko. Gusto ko siyang damayan pero mukhang ako na naman ang dadamayan niya dahil sa kahinaan ko.

"Finish your food. Let's go out."

Sinunod ko ang sinabi niya. Tinapos ko ang pagkain at akmang ililigpit na ang pinagkainan nang pigilan niya na naman ako.

"You're shaking." gusto kong sapukin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala na akong nagawang matino. "Drink this." sabi niya na inaabot ang baso ng tubig.

Hindi mapakali ko siyang hinihintay ngayon dito sa sala. Saan kaya kami pupunta?

"Let's go?" napaigtad pa ako sa gulat. Hindi ko napansing nandito na pala siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil naka short at tank top lang ako.

"Dyan lang." nakangiti niyang sabi. Hindi na ako kumontra at sumunod sa kanya.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon