CHAPTER 18

2 1 0
                                    

CHAPTER 18 - OUTBURSTS

Lumipas ang mga oras kong puno nang sakit at panghihinayang. Ang inasahan kong masaya at magandang bakasyon ko ay pulos luha pala ang dala.

And in the end, isn't that the most important thing in life? To be truly known and loved by someone you've chosen?"

Muling tumulo ang mga luha ko. Ano ba namang klaseng libro 'to!

Pagka-alis ni Choy kaninang umaga ay nagpaalam ako kay Cijz na maglalakad-lakad muna at nakita ko na lang ang sarili kong dinadala ng mga paa ko rito sa lugar kung saan kami unang kumain.

Dala ang librong ibinigay niya ay emosyonal ko itong binasa at sa kauna-unahang pagkakataon, natapos ko ito nang isang upuan lang at himalang malinaw kong naunawaan ang nilalaman nito.

Muling napako ang paningin ko sa sulat niya.

I wish to spend the rest of my days and years with you. Seffie, allow me to court you.

Paano na ngayon? Ni hindi ko na alam kung paano siya kakausapin. Kinuha ko ang cellphone ko ay binalikan ang mga text niya.

I hope you're okay, Seffie. I'm worried.

Seffie, please talk to me. :(

Damn, Seffie. I miss you!

I don't know what I did wrong. I don't know if you're trying to avoid me because of what I have confessed to you. But seeing you happy with him now, I'm at peace. I don't care if you don't have the same feelings for me, Seffie. Okay lang. Naiintindihan kong hindi lahat mutual. I just want you to know that I support you. This may be the last message that I'm going to send you, but always remember that you gave me one of the realest smiles on my face. I'm setting my heart free. May you always be safe and happy. Goodbye, Seffie.

Para akong tangang mahinang humahagulgol dito sa café. Mabuti na lang at walang masyadong tao. Hindi rin ako nilalapitan ng crew kahit kanina pa ubos ang inumin ko. Ilang oras na akong nandito at kanina pa tumatawag ang kaibigan ko pero hindi ko ito sinasagot. Gusto ko munang mapag-isa.

Sigurado akong sobra ko siyang nasaktan. Kahit hindi niya sabihin, kahit hindi niya aminin. Ramdam ko sa bawat mensahe niya ang pangungulila niya, ang pag-aalala, ang lungkot, ang sakit.

God! Why does it have to be this way?

Naging mabuti siya sa akin pero anong ginawa ko? Sinaktan ko siya! Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. I'm sorry, Renz. I'm really really sorry.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na talaga ako. Wala na akong pakialam kung naririnig nila ako. Walang kahit na sinong makakaintindi sa sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko. Ipupusta ko ang lahat ng lamok na isa ito sa mga crew at paalisin na niya ako kaya sinubukan kong ikalma ang sarili ko.

Dahil nakatungo ay hindi ko pa siya nakikita. Nagulat na lang ako nang biglang may lumitaw na panyo sa harap ng mukha ko. Agad akong nag-angat ng ulo at nabigla nang makita ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Take this." aniya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Let's just say that the universe came to me and told me to rescue you." nangunot ang noo ko. "Come on, take this."

Kinuha ko ang panyo at ipinunas sa mukha ko. Ang bango nito pero hindi katulad ng amoy na nakasanayan ko.

Nakita kong umupo siya sa harap ko at tinawag ang isang crew. Mayamaya ay umoorder na siya.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now