CHAPTER 16

2 0 0
                                    

CHAPTER 16 - MOST AWAITED MOMENT

"Merry Christmas, darling."

"Merry Christmas, ma." iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. Sa balot nito na may nakaimprentang Happy Holidays ay alam kong regalo niya ito sa akin. "Ano ito, ma?"

"Buksan mo." nakangiti ko siya sinunod.

"Ma? Ang ganda po!" sabi ko nang makita ang dalawang kwintas na may tig isang palawit; buwan at araw.

"Nagustuhan mo ba? Yin Yang inspired na sun and moon necklace iyan." sa ganda nang pagkakangiti niya ay alam kong alam niya na nagustuhan ko ito.

"Bakit po dalawa?" takang tanong ko.

Ngumiti siya at hinawi ang buhok na tumatakip sa pisngi ko. "Isa para sa 'yo, at isa para sa magiging boyfriend mo, anak."

Pinagmasdan ko uli ang kwintas. Buwan at araw.

Ako ang buwan, ikaw ang araw. Minsan lang tayong pinagtagpo at pagkatapos ay pinaglayo. Ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim kong nakaraan, subalit isinukli ko sa iyo ay biglaang paglisan.

Renz... I really miss you.

"You're doing great in our company, Seffie." mayamaya ay biglang dating ni papa.

Tatlong buwan na rin simula noong bumalik ako at ang dapat sana na paghalili lang namin ni Choy sa kumpanya ay nagtuloy-tuloy na.

Noong una ay hindi pa makapaniwala si papa noong sabihin kong handa na akong hawakan ang isa sa mga ito. Simula't-sapul ay alam nilang dalawa ni mama kung gaano ko kaayaw ang bagay na iyon. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa akin noon. Pero kung sasagutin ko ito ngayon? Isa lang ang alam ko.

Para makalimot. Pero nakalimot nga ba?

"Thanks pa." sabi ko at tinanggap ang nakaalok na yakap niya. Pagkahiwalay ko sa kanya, katulad ni mama ay may regalo rin siyang iniabot. Gusto kong mahiya dahil ni hindi ko man lang naisip na bilhan sila ng kahit ano. Masyado akong naging abala sa opisina at hindi ko na namalayan ang araw. Maski nga ang birthday ko noon ay nakalimutan ko.

"Ipinagawa ko pa 'yan sa New York." binuksan ko ito at nakita ang isang magandang bar bracelet kung saan nakaukit ang pangalan ko, Joseffinah. Kinuha niya ito sa akin at siya mismo ang nagsuot nito sa kanang pulsuhan ko. Tuloy ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak. Kung susuotin ko ito araw-araw, ibig sabihin ay araw-araw ko ring makikita ang sinauna kong pangalan. "I also gave Choyen his."

Kung may pangalan rin niya ang bracelet niya, mukhang pinagkaitan na naman ako ng tadhana sa pagiging patas niya.

"Ikumusta mo kami kay Cleah, anak." paalala sa akin ni mama na ngayon ay nakayakap na kay papa. "Mamimiss kita." aniya.

"Choyen will drive you there back and forth, so you have nothing to worry about commuting, okay?"

"Yes pa."

Bukas na ang alis ko at aaminin kong bukod sa naging abala ako sa trabaho ay wala ring paglagyan ang saya ko sa muling pagbalik ko sa Quezon.

Dahil maayos ang pamamalakad ko sa kumpanya ay pinagbigyan ako ni papa na magbakasyon doon kasama si Cleah. Literal na halu-halo ang nararamdaman ko. Pananabik, kaba, at pag-asa. Pag-asa na may babalikan pa ako sa puso niya, kung meron akong naging lugar, at kung meron mang dapat balikan.

"Good morning!" bati sa akin ni Choy na nakasandal sa kotse niya. Kanina pa niya ako hinihintay at kanina pa rin ako paikot-ikot sa loob ng bahay sa takot na baka may makalimutan na naman.

"Sorry. Ang tagal ko." agad siyang tuminag at tinulungan ako sa mga bitbit ko.

"One year ka ba do'n? Bakit ang dami mong dala?" alam kong nang-aasar lang siya at bihira ito sa kanya kaya imbis na mapikon ako ay natutuwa pa ako.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon