CHAPTER 7

4 0 0
                                    

CHAPTER 7 - GUY THINGS

Engine, fuel system, exhaust system, cooling system, lubrication system, electrical system, transmission, and the chassis. Dash covers, seat covers, mirrors, shifter knobs, steering wheel covers, fuel consumption meters, window tint, stereo system, DVD players, floor mats and even air fresheners.

Haaaaaaays!

Halos magpaulit-ulit na sa utak ko ang mga iyon. Ilang oras na ako rito at hindi ko pa rin makabisado ang mga itsura at pangalan ng parts and accessories ng sasakyan. Sabi ni Renz ay hindi ko naman daw kailangang kabisaduhin, familiarization lang daw para may enough knowledge ako pero kasi. Ewan ko ba. Ayoko lang mapahiya sa boss namin kapag nagkataon.

"Okay ka lang diyan?" tanong niya na halos ikagulat ko pa dahil hindi ko napansing pumasok siya. "Hahaha. Relax. You look tense. Walang quiz okay?" pagbibiro niya.

Inirapan ko lang siya at ibinalik ang mata sa binabasa. "Here." inabot niya sa akin ang isang supot.

"Ano 'yan?" tanong ko nang ipatong niya ito sa center table dahil hindi ko kinuha. Nandito ako sa couch kahit ang sabi niya ay puwede akong pumwesto sa work station ng boss namin. Ayoko nga.

"Snacks. Baka gutom ka na eh." tiningnan ko siya nang masama kahit ang totoo ay nagsusumigaw sa kilig ang puso ko. Oh my gosh! Oh my gosh!

Binuksan ko ang supot at tiningnan ang laman. May mainit na kape, sandwich, at pasta. Bigla tuloy kumulo ang tiyan ko.

"Kumain ka muna. Ipapakilala kita sa kanila mamaya." aniya at akmang lalabas na nang tumigil siya at nagsalita uli, "No pressure, Seffie. Take your time." bago ay nginitian niya ako at tsaka lumabas na.

Shocks! Ang gwapo niya kapag ganyang sweet siya. Alam ko namang wala lang 'yon pero hindi ko talaga maiwasang kiligin. Marupok na nilalang.

"Ma'am, girlfriend po ba kayo ni sir Renz?" tanong sa akin nitong isang lalaki na mukhang nasa 20's pa lang. Inaayos niya ang pagkakasalansan ng mga gulong sa lagayan nito.

"Naku, hindi 'no!" pero okay lang kung oo. Hahaha!

"Ah. Ganoon po ba. Hehe." halatang nailang siya kaya nginitian ko siya at nagtanong ako.

"Bakit mo natanong?" sabi ko sa kanya habang pinapanood si Renz na ngayon ay may kausap na customer. Kahit plain black shirt lang ang suot niya ay ang kisig niya pa ring tingnan.

"Wala naman po. Ngayon lang po kasi siya nagdala ng babae rito bukod kay Trixie." tinutukoy niya ang nakababatang kapatid nitong babae.

"Ganoon ba?" ibig sabihin, wala pa silang nagiging katrabaho na babae? "Naku, eh nandito ako para magtrabaho. Tsaka huwag mo na akong tawaging ma'am. Seffie na lang." pagtatama ko sa kanya.

Nakakahiya naman na pare-pareho kaming empleyado pero parang special ako rito.

"Baka po magalit si sir Renz." aniya. Bakit naman magagalit?

"Bakit naman?" tanong ko. "Tsaka, ano ngang pangalan mo uli? Sorry, hindi ko kayo matandaan lahat." nasa mga sampu siguro sila rito kaya hindi ko sila matandaan. Idagdag pang magkakamukha sila sa paningin ko dahil pare-pareho sila ng suot.

"Kaloy na lang po."

"Naku, ito naman. Huwag mo na akong i-po. Ang lakas makatanda eh." sabi ko kaya natawa kaming pareho. Napansin kong nakatingin na si Renz sa direksyon namin kaya naalala ko ang tanong ko kay Kaloy kung bakit siya magagalit kapag tinawag niya ako sa pangalan lang.

"Nga pala, bakit mo nasabing baka magalit si Renz kapag Seffie lang ang itinawag mo sa akin?" nawala sa akin ang atensyon niya kaya sinundan ko kung saan ito nakatingin. Kay Renz.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon