Part 01 - The City

1.7K 44 0
                                    

Isang tahimik na umaga para sa isang mundo na nababalot ng kadiliman. kadiliman na syang nagpabago sa mga mamamayan. Ang paligid ay nababalot ng makapal na hamog nagpapahirap sa mga nasa kalsada.

It's 7:24 AM. Unti-unti nang umaangat ang haring araw at sinasabayan ito ng tunog ng mga ibon na tila ba kinakantahan ka ng mga ito. Isa itong magandang umaga para kay Chixie at kanyang anak na si Sophie upang pumasok sa trabaho at eskwelahan. Malapit lang ang school ni Sophie kaya naman hinahatid niya ito papasok. Bata pa rin ito kaya niya ito hinahatid.

Habang nasa daan sila ay biglang nag-iba ang pinapakinggan nila sa radyo. Mula sa magandang kanta ay napalitan ito ng isang balita kahit na sa FM sila nakikinig.

*Magandang umaga, mamamayan ng Arkadia City, ako si Dianne na nag-uulat live mula sa Metro Manila. *

Nagtaka si Chixie kung bakit balita ang nasa FM station. Sinubukan niyang ilipat sa ibang station ngunit wala siyang nasasagap na ibang station maliban lamang dito kaya hinayaan nya na lamang ito.

*Kasalukuyang nagkakaroon ng kaguluhan dito sa isang parte ng Manila kung saan may grupo ng mga tao ang nanghaharas sa mga mamamayan. Nagsimula ito kanina lamang at patuloy silang nanggugulo sa lungsod. May mga naiulat nang mga nasawi sa kaguluhan na hindi pa tukoy kung ano ang sanhi.*

Medyo nabahala naman si Chixie. Iniisip niya kung ano ang nangyayari sa Manila. Lumiko siya sa kanan at hininto ang sasakyan sa parking lot. Bumaba sila sa sasakyan ni Sophie at naglakad papasok sa school nito.

As usual, binabati siya ng mga guro na makakasalubong niya. Normal na ito sa kanya dahil ganto ang laging bungad sa kanya ng mga guro dahil lagi siyang maaga maghatid ng anak. Huling bumati sa kanya ang Guro ng kanyang anak na si Ms. Kaye na may malaking ngiti pagpasok niya sa silid.

"Good morning, Miss Kaye!" bati ni Chixie dito.

Lumapit sa kanya si Ms. Kaye at kinuha si Sophie upang dalhin sa upuan nito. Kinausap siya nito pagkahatid kay Sophie. "Have you heard the news, Ms. Alvarez?"

Umiling si Chixie. "Why? Anong meron?"

Inabot ni Ms. Kaye ang tablet niya at pinakita ito kay Chixie. "This just happened today. Sabi sa news terrorist attack daw."

Ito siguro ang balitang narinig kanina ni Chixie sa sasakyan. Hindi niya kasi ito natapos dahil hinatid niya na si Sophie. Binasa niya ito at nabasa niya na madami ang apektado sa Manila.

Nagpaalam na siya kay Ms. Kaye at kay Sophie upang pumasok sa trabaho. Pagpasok niya sa kotse ay agad niyang tinignan ang phone niya para sa news. Binuksan niya din ang radyo upang marinig ang news.

She just scrolled down hanggang sa may nabasa na siyang news na pinaka-latest. Tungkol ito sa kung gaano na kalaki ang casualty ng riots at hindi na ito sa Manila lang kundi kung saan-saan na. Hindi niya maintindihan yung part na nabasa niya na may kakaibang kilos ang mga nagr-riot. She just turned off her phone at nag observe sa paligid. Matiwasay naman ang paligid. Walang gulo. Malayo ito sa news na nabasa niya.

She shook her head dahil mukha namang malayo sila sa gulo although an hour lang ang layo ng Manila sa kanila. Sinimulan niya na ang pagdrive papunta sa trabaho.

------------

Tanghili na at tahimik na nagtatrabaho si Chixie sa office. Tinatapos niya ang report na hindi niya nagawa last night dahil inasikaso niya pa si Sophie. Hindi niya na inisip ang kung ano ang narinig niya sa balita.

Ang bilis niya mag type. May hinahabol kasi siyang submission dahil kung hindi siya makakapagpasa on time ay mapapagalitan siya. Ganoon ang buhay niya. Single mom siya at mag-isa lang niyang pinapalaki si Sophie.

"What do you think Chixie? Terrorism ba or hindi?"

Hindi niya alam na kanina pa nasa likod niya ang mga malalapit niyang officemate na nagk-kwentuhan tungkol sa balita kanina. Bumalik siya sa desktop niya at kin-lick ang enter para ma-send ang report niya. Humarap siya ulit sa mga officemate niya. "Ha?"

"Yung news sa Manila? Hello?" sabi nung babae na may soot na salamin. Humalakhak sila maliban lang kay Chixie.

Ngayon niya lang naalala yung balita kanina. Ano nga ba ang nangyari? She just shrugged. "I don't know. Ano na bang balita doon?"

Lumapit sa kanya ang isang lalaki na may soot na white collared shirt at ipinakita ang isang video sa phone niya. "This was sent to me by my friend mula sa condo niya sa manila."

Pinanood nila ang video. Pinapakita sa video ang ilang mga tao na marahas na inaatake ang isang sasakyan sa kalsada. Magulo ang video dahil gumagalaw ang nagv-video pero kitang kita nila kung paano pagkaguluhan ng mga tao ang isang matanda na nasa gilid ng kalsada. Sa isang saglit lang ay kumalat na ang dugo sa lupa kung nasaan ang matanda.

Doon nagtapos ang video at hindi makapagsalita si Chixie. Hindi niya alam kung ano ang nakita niya. Tao ba iyon? Totoo ba ang nakita niya? Madaming tanong ang tinatanong niya sa sarili ngayon.

She was about to get her phone para sana tawagan ang School ni Sophie kung kamusta doon nang biglang tumunog ang emergency sound alarm ng office nila.

"Anong nangyayari, Max?" tanong ni Chixie.

Umiling lang ang lalaking tinawag niyang Max. "I don't know..." Max is their team leader.

*Speakers: Announcement, the whole building is now on lock down due to an uprising riots outside. Employees are not allowed to go out for safety purposes. Please remain calm and wait for further announcements, thank you.*

Naging maingay ang paligid ni Chixie. They were worried sa kung ano ang nangyayari sa labas ng building nila. Ang iba ay hindi makapaniwala na nangyayari ito ngayon kabilang na si Chixie. She dialed the phone number of Ms. Kaye pero walang sumasagot. Ring lang ito ng ring.

Lumapit siya kay Max at balisa niya itong tinanong pabulong. "Max... Ang anak ko. I can't be here."

Naiiyak na si Chixie. Umiling lamang si Max na may awa sa kanyang mukha habang nakatingin kay Chixie. "I'm sorry, Chixie."

---
Author's Note:

Revised na po ang story and there are some changes para sa ikagaganda ng story. I also changed the cover. Sana magustuhan ninyo!

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now