Prologue

7 0 0
                                    

Prologue




Busy ako sa pagsulat ng lesson plan ng katukin ng kapatid ko ang pinto ng kwarto ko.

"Yes? Bukas yan!" Wika ko rito, narinig ko naman ang pagbukas niyang iyon.

"Ate nagtext si tita hindi ka daw niya matawagan eh." Aniya habang palapit saken.

Tiningnan ko naman ang cp ko at nakita ang mga missed calls ni tita.

"Nakasilent eh. Bakit daw?"

"Punta ka daw sa shop niya at may bagong customer na pupunta. Kelangan ka daw niya dun!" Nakanguso pang aniya.

"O siya at mag aayos lang ako ng sarili ko." Tugon ko rito.

"Atsaka 'te..." Kumakamot niyang aniya tila may gustong hingin saken at alam ko na yun pera.

"Pera?" Nakangiwi kong tanong rito.

Ngumiti naman ito saken na parang nahihiya.

"Laki laki mo na Jude, college kana oh dapat marunong kana kung paano kumita ng pera." Pangangaral ko pa rito habang nakuha ako ng pera sa wallet ko. "Para saan?" Tanong ko pa muli.

"May lakad lang ho kaming magbarkada ngayon eh kulang pera ko pakidagdagan naman te kahit two hundred lang. Punta lang ho kami sa GT." Kumakamot pa ring aniya. Binigyan ko naman eto ng two hundred pesos.

"Yung matinong lakad Jude ha? Wag kang gagawa ng kung anong kalokohan at masasapak kita!" Paalala ko pa rito.

"Opo te. Thank you." Nakangiting aniya. Di naman na ako umimik dahil sa tinalikuran na rin ako neto.

Pagkatapos kong panoorang lumabas ang kapatid ko ay napabuntong hininga pa ako at napailing.

'Ako lang talaga sa ngayon ang maaasahan ng magulang ko.

Nagkuha naman na akong susuotin ko papunta kayna tita buti na lang nga at nakapagligo na ako kanina pa no need to rush. Nagsuot ako ng simpleng shirt at tokong kung saan ako komportable. Saka humarap sa salamin at naglagay ng powder sa makinis kong mukha at light na lipstick sa manipis at maganda kong labi na pinatneran pa ng matangos kong ilong kaya ang resulta maganda ako, yun nga lang may kasiraan pa rin dahil sa eyebag ko na hindi bagay sa tantalizing eyes ko charot hahaha.

By the way, anyways nauna na ang description ko sa sarili ko ganun kasi kapag magaganda nauunang tingnan ang panlabas bago makilala ang sarili. May hugot dba?

Para yan sa tumitingin sa physical appearance kaya naloloko at nagpapaloko dahil sa hindi nila kinikilala ang sarili at ang taong nakikilala nila kaya nasasaktan.

I'm Magnesium Sales a secondary teacher, one of the owner of the Tres Maria's restaurant, and a designer to my tita's shop. Oh diba napakahardworking ko charot kelangan kasi dipa namin nabibigay ng mga kapatid ko ang ginhawa para sa mga magulang ko kaya tripleng kayod ako para tuparin ang bahay na ipinangako ng mga kuya ko na napako nila dahil sa mga nagsipag asawahan na sila. At saken pa ngayon nakadepende. May trabaho naman sila yun nga lang kulang at kulang pa rin sa kanila kaya di maiwasang humingi saken. Okay lang nung nag aaral pa naman ako ay sila ang tumutulong saken di rin kasi sapat yung kinikita ni mama sa pagtinda ng kakanin noon. Natigil na lang nung pinagawan ko sila ng sari sari store ng magkatrabaho na ako.

Mahirap kapag maraming nakadepende sayo halos dimo na magawang isipin ang sarili mo hanggat dimo sila napapasaya.

Nang kukunin ko na ang cellphone ko ay saktong umilaw eto tumatawag si Mayora. Ang best friend ko.

"Yes?" Bungad ko pa rito. Hindi na ako naghello hindi na uso samen yun.

"Uuwe si Ethan!" Bungad niyang aniya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Ahh." Sagot ko na lang sa kaniya. Dahil di naman ako interasado.

"No reaction?" Natatawang tanong niya.

"Ano ba dapat? Kung uuwe siya aydi umuwe siya." Kibit balikat ko pang sabi.

"Di ka interesado?" Tanong niya pa.

"Hindi." Mabilis kong sagot rito.

"Okay. Wag ka sana masurprise." Aniya may bahid na nagpapaalala saken.

"Eh bakit ba?" Usisa ko pa.

"Oh akala ko ba hindi ka interesado?" Natatawa naman netong tanong.

"Hindi nga. Eh ano ba ang ibig sabihin mo dun sa wag ako masurprise?" Naguguluhan kong tanong rito.

"Ah baka kasi ma encounter mo si Ethan kung saan ka man magpunta." Sagot niya pa.

"Masu surprise na ba ako doon?" Natatawa ko pang wika rito.

"Oo masurprise ka talaga." Seryoso niyong wika.

"Paka seryoso mo naman Mayora hahaha si Ethan lang yun. Ex ko lang yun. Kung makita ko sya edi makita." Kibit balikat ko pang wika rito.

"Okay. Good luck! I love you. Mwaaaaah!" Aniya nandiri naman ako sa tinuran nito. My gosh kahit kelan ang Mayora oo nakadiri. Yuck!

"Mandiri ka nga. Sa asawa mo na lang sabihin iyan wag saken kadiri." Nandidiring wika ko rito narinig ko naman ang halinghing nito.

"Pinapasaya lang kita baka mamaya eh malungkot ka kaso nandiri ka pa talaga sa best friend mo wow ha?" Singhal nito saken.

"Wow ha! Bakit ako malulungkot? I have a positive mind set." Confident ko pang wika rito.

"Okay sabi mo eh." Aniya.

"Sige na sige na pupunta pa ako sa shop ni tita." Paalam ko pa rito.

"O sya hala. Expect the unexpected." Aniya saka mabilis na pinatay ang tawag.

'My gosh! Ano daw?









You and MeWhere stories live. Discover now