Chapter 22

1 0 0
                                    

Chapter 22





Tila na estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat ko. Hindi ko man lang nalaman na magtuturo siya rito. Wala eh wala akong ka ide-ideya.

Ni pagtanong kung ano o saan sya pupunta ay diko na nagawa dahil sa hindi ako makapag isip ng ayos dahil kasama ko ito.

"Hi. Good morning again. I'm Ethan Jay Fullido Sir Ethan na lang itawag niyo saken. I'm a temporary teacher. And I'm hoping to have a best bonding and experience with you. Thank you." Nakangiting aniya. "Ah Ms. Isium nasurprise ba kita?" Baling pa neto saken.

At iyon ang dahilan kung bakit nagkaingay ang lahat pati mga teachers ay nakihiyaw sa pangunguna ni Mrs. Llave bukod kasi sa kaniya ay half of the teachers here ay naging teacher ko rin dati.

Ngumiti na lang naman ako ng pilit rito dahil sa kaba at hiyang nararamdaman ko.

Nang ibaling niya muli sa karamihan ang paningin niya ay di na ako nag aksaya ng panahon at mabilis na nagtungo sa opisina upang mag in.

Nabungaran ko naman rito si Ma'am. Annie.

"Oh good morning Ms. Isium. Hahaha." Tumatawang asar neto saken.

Matapos ko mag in ay hinarap ko ito.

"Hay naku Ma'am Annie mag aasawa na yan." Kunot noo kong wika rito ngunit ay tinawanan lang ako.

"Hahaha napaka defensive naman, Ms. Isium pa lang sinasabi ko." Natatawang aniya muli. Nag rolled naman ako ng eyes rito.

"Asos eh inaasar mo ako. Past is past Ma'am. Sige na punta na ako sa klase ko." Paalam ko pa rito ng marinig si Sir Fidelino na pinapabalik na sa kaniya kaniyang room ang mga estudyante.

"Hahaha ayaw ma hot seat. O sya sa break time ha?" Pangungulit niya pa.

"Loka ka!" Natatawa kong angil rito saka ito tinalikuran napakinggan ko pa ang halinghing neto.

"Sabay na ako Ma'am!" Malakas na aniya saka ako hinabol.

Sakto namang makakasalubong namin si Ethan at si Sir Fidelino.

"Oh Ms. Sales." Ani Principal na siyang nakapagpatigil samen sa paglalakad.

"Hi Sir good morning po." Magalang kong bati rito.

"Pwede bang ikaw na lang maghatid sa kaniya sa room ni Mr. Montero tutal magkakilala naman pala kayo eh." Nakangiting aniya.

Siniko naman ako ni Ma'am Mallo tiningnan ko naman ito ng wag syang magulo look.

"Ah okay po Sir." Ani ko rito hindi makatanggi.

"Go Ma'am!" Bulong pa saken ni Ma'am Mallo. Na siyang nginiwian ko lang dahil sa hindi ako makapagsalita.

"Si Ms. Sales na lang ang sasama sa iyo Mr. Fullido may aattendan pa akong meeting eh." Wika neto rito saka ito tinapik. "Good luck Sir. Feel at home at your new field Sir don't shy to ask and talk to everyone." Nakangiti nitong wika.

"Opo Sir thank you po." Nakangiting aniya.

"Okay sige na mauna na ako. Ms. Sales Ikaw na bahala, Ma'am Mallo?" Wika pa neto samen.

"Opo Sir si Ms. Magnesium na ang bahala." Nang aasar na ani Ma'am Annie takteng babaeng 'to.

"O sya sige na wag niyong I a out of place si Mr. Fullido ha?" Paalala pa nito samen na siyang sinang ayunan namin.

Nang makaalis si Mr. Fidelino ay nagkatinginan pa kami ni Ethan.

"Ehem pupunta na ako sa klase naalala ko may long quiz pa akong ibibigay sa mga estudyante ko eh." Excuse pa ni Ma'am Mallo pero ang ngiti ay hindi mo maaabot dahil sa lawak nito.

'Tsk.

Hindi na ako umimik pa dahil sa umalis na rin naman agad itong si Ma'am Annie kaya ang ending kami na namang dalawa ang magkasama.

Palabasin niyo na nga author ang jowa nito ayoko na kasing masaktan pa dahil sa pilit kaming pinaglalapit ngayon ng tadhana. Please lang I'm begging you I want to live without him. I want peace!

"Isium!" Malakas na aniya saka pumitik pa sa harap ko.

"Ano?" Malakas ko ring naisatinig dahil sa gulat ko.

"Tulala ka eh, tara na." Aya pa neto saken.

"Ay oo nga pala. Tara." Aya ko rin rito saka nangunang maglakad sa kaniya.

"Hindi mo sinabi na mag tuturo ka pala rito?" Tanong ko pa rito.

Sumabay naman ito sa paglalakad ko.

"Hindi ka naman nagtanong haha." Natatawang wika pa neto.

"Kahit na atleast di ako magmumukhang tanga kanina." Angil ko pa rito.

"Hahaha sorry." Tumatawa nitong paumanhin.

Naiirita ako sa totoo lang di man lang kasi sinabi.

"Oh dito na room mo. At yan ang mga estudyante mo habaan mo pasensya mo dyan at Ang teacher na nagtuto dyan ay udong udong kaya maiingay at makukulit yan." Seryoso kong wika rito. Siniraan pa si Montero. Joke lang yun hanga nga ako dun eh kahit lalaki ang haba haba ng pasensya sa mga advisory class niya. Ang kukulit kasi.

"Hahaha grabe ka kay Mr. Montero." Tumatawang sambit nito. 

"Halika na ipapakilala kita sa kanila." Wika ko rito saka ito hinila papasok.

Agad naman silang nagtahimikan at umupo sa upuan.

"Good morning class!" Malakas kong wika rito na may pagkamataray. "Baguhin niyo na ugali niyo, wag ng maingay masyado at magkulit mga highschool na kayo." Pangangaral ko pa sa mga eto.

"Opo Ma'am!" Sagot nila saken.

I admit mataray talaga ako kapag ang nakakaharap kong estudyante ay maiingay, ayoko kasi ng maingay feeling ko hindi sila marunong makinig.

Nang tumahimik sila ay pinakilala ko na si Ethan.

"This is your temporary advisory teacher Mr. Ethan Jay Fullido. Class wag kayong mahihiyang magtanong sa kaniya mabait naman yan pero please lang alam kong maiingay kayong klase please discipline yourself. Please again makinig din kayo." Pakiusap ko pa sa mga ito.

Nag sipag tanguan naman ang iba at ang iba ay sumang ayon sa sinabi ko. Tiningnan ko naman si Ethan.

"Ikaw na dyan Ethan. Pupunta na ako sa klase ko. Good luck!" Wika ko pa rito saka tinapik ito sa balikat.

"Salamat Isium." Aniya na nginitian ko lang saka ako lumabas sa classroom niya at tinahak ang daan papunta sa klase ko.






To be continued...

You and MeWhere stories live. Discover now