Chapter 38

1 0 0
                                    

Chapter 38






Isium's POV




"Guys it's lunch time!" Sigaw ko sa mga ito.

Pagkatapos kasi ng break time kanina ay muli na naman silang naglaro at kasali pa rin doon si Ethan. Admitted or not ang gwapo niya lalo na kapag napapawisan.

How I wish na may dala akong towel upang ihagis sa kaniya. Hahaha sandamakmak kasi na towel ang kailangan niya once na naglaro yan ng basketball.

Hayst! Erase the memory Isium! Hindi mo kailangang alalahanin ang nakaraan niyo nakakasakit lang ng puso iyon.

"Ganun na ba talaga kagwapo ang kaibigan mo Isium?" Wika pa nito na ikinagulat ko. Isa isa namang nagsipag paalaman ang players sa amin at nagsilabasan na rin.

Ayan sa pag iisip ko ng kung ano ano patungkol sa kaniya ay hindi ko na namalayan na nakatitig na lang ako sa kaniya.

At ayan tuloy ilang beses na ba? Ilang beses niya na ba sinabi yung word na kaibigan? Thus the first time he called me friend wasn't enough for him. Hindi naman niya kasi kailangang ipangalandakan sa akin na kaibigan niya nga ako.

Siguro sa kaniya ay wala lang iyon pero sa akin takte! Tama na kasi yung puso ko yung sumasakit, yung mga mata ko ang nag iipon ng tubig at yung dibdib ko ang bumibigat kahit wala namang laman ito.

Kaya naman mataray akong bumuntong hininga sa kaniya.

"In your dreams!" Asik ko sa kaniya dahil hindi na talaga siya nakakatuwa.

"Hahaha kahit hindi ko naman pangarapin legit yung kagwapuhan ko." Nakangising aniya at kinindatan pa ako.

"Hoy legit ka dyan. Eh kelan ka lang naman gumwapo. Pinagtiisan lang kita noon!" Asik ko pa rin sa kaniya dahil naiinis na talaga ako sa kayabangan na ipinapakita niya.

"Hahaha kaya pala." Nang aasar at tumatawang aniya.

"Kaya pala ano?" Matapang kong tanong sa kaniya.

Pero hindi ko akalain na lalapit siya sa akin kaya bahagya akong napaatras dahilan upang mapaupo ako sa bleachers at sumunod naman siya sa paraang ginawa niya.

Dahil nga sa matangkad siya ay nagawa niyang isunod ang katawan niya sa akin at itukod ang kaliwang kamay sa bleachers sa may kanang hita ko. Napalunok ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko at nakakakiliti iyon.

Gusto ko siyang itulak pero parang may pumipigil sa akin.  

'At iyon ang puso ko.

"Kaya halos saktan mo na ang sarili mo kapag nagseselos ka." Bulong niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ang naiisip ko lang sa ngayon ay kung paano ako makakaalis sa pagkakakulong niya sa akin.

"Tara lunch na. Gusto mo ba sumabay sa akin?" Aniya at umayos na ng tayo.

Napabuga naman ako hangin.

"Hindi na ayoko makasabay ang mayabang na katulad mo!" Asik ko sa kaniya saka dagling tumayo at kinuha ang bag pack ko!

Naramdaman ko naman ang pagtakbo niya kaya napatakbo na rin ako.

"Isium wait for me!" Rinig ko pang sigaw niya. Napangiti naman ako doon at mas ginanahan pa sa pagtakbo. Ang ibang estudyante ay mga nakangiting nanonood sa amin.

Imbes na dumiretso ako sa school canteen ay sa classroom ko ako nagpunta!

"Oh Ma'am! Tumatakbo ka?" Takhang tanong ni Askreen isa sa estudyante ko.

You and MeWhere stories live. Discover now