Chapter 45

1 0 0
                                    

Chapter 45







"Oo nga naman baka hindi pa kayo makapag pigil eh. Tingnan mo nga suot ni Nicole..." Saglit pang tumigil si Jericho saka ngumiwi. "Parang isang hiklas lang hubad na!" Asar nito.

Palihim naman akong natawa dahil totoo iyon pang escort girl ba.

"Talaga pre, haha sige na pre uuwi na kami, Mg!" Tawag pansin niya pa sa atensyon ko kaya naman nilingon ko na ito nang sapilitan at plastikadang ngumiti. "Uuwi na kami." Nakangiting wika nito.

"Ipagda drive ko pa ba kayo?" Pamimilosopo ko pa.

'Nananakit na nga, magpapaalam pa!

"Nagpapaalam lang eh." Nakanguso nitong wika.

Ngumiwi naman ako saka ito tinarayan.

"Hala uwi, ingat!" Kibit balikat kong wika kasabay ang pag buntong hininga.

Matapos akong tingnan ng umiiling na animong hindi magets ang pagkatao ko ay nilingon nito ang dalawa.

"Ronnel, Jericho uwi na kami, gagawa pa kami ng baby eh." Malanding wika ni Patricia.

Pero ang hindi ko inaasahan ay sa akin lahat nakatingin ang tatlong lalaki.

"Bakit ganyan tingin niyo sa akin?" Nagtataka kong tanong. Parang mga nag-aalala kasi sa akin eh.

"Wala baka gusto mo lang mag ninang." Mabilis na tugon ni Ethan.

'Takte! Hindi ako ginawang abay sa kasal yun pala gagawin akong ninang. Oo niyo, mga utot kayo! Bente pesos lang ibibigay ko. Kung abay sana ako at ninang baka libuhin pa ibigay ko. Psh! Inis na wika ko pero sa sarili ko lang.

"Oo ba, masama tanggihan yan eh. Galingan niyo paggawa ha? Mas malakas sana dugo mo Ethan!" Tumatawa kong wika.

"Inaasar mo ba ako?" Tanong saken ni Patricia at talagang lumapit pa.

"Bakit naasar ka? Gandang ganda ka nga sa sarili eh, wag kana kabahan kung tingin mo naman ay maganda ka."  Peke kong wika rito.

Pero ang hindi ko inaasahan bukod sa dalawa ay tumatawa din si Ethan.

'Haha pati fiance di kumbinsido na maganda siya.

"Ikaw!" Duro niya pa saken napataas naman kilay ko doon dahil sa inakto niyang iyon.

'Trying to belittling me? No way!

"Hoy! Wag mo 'kong maduro duro ha!" Asik ko sa kaniya.

At sa time na yun pumagitna na sa amin si Ethan!

"Hindi kita duduruin kung hindi mo nilalait ang kagandahan ko! Sa mga mata ko maganda ako!" Asik rin niya.

Napacross arm naman akong natatawa.

"Okay." Saad ko ng walang gana. Nakita ko naman ang pag ismid nito at pagbulong kay Ethan pero hindi ko iyon narinig.

'Takte wag mong ahasin yan. Inis kong wika pero sa sarili ko lang.

"Alam mo teacher kapa mandin ang lakas lakas mong mang asar!" Mataray nitong wika. Natatawa naman akong umiiling.

"Haaaay." Buntong hininga ko pa saka tumingin dito ng seryoso.  "Puro stress na nga kami kailangan pa rin ba lagi kaming nasa serious mode?" Tanong ko pa pero natameme lamang ito. "Ano wala kaming joke sa buhay at kahit papaano wala kaming karapatan na mang asar? Na kahit ultimong bakasyon gagawin naming trabaho? Ganun? Walang pahinga?" Sunod sunod kong tanong dahil naiinis na ako. Kasi kaming mga teacher kasi sobrang hassle na nga sa buhay siguro naman kailangan din naming maglibang diba?

You and MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя