Chapter 49

1 0 0
                                    

Chapter 49







"Salamat. Ano sadya niyo?" Tanong niya samen.

Hindi naman na ako nagpapigil pa.

"Yung tungkol sa nangyari kagabi. Nabanggit kasi ni Isium yung mga tauhan nung taong kabit daw ng nanay nung Shea. Sila ba ang may gawa?" Tanong ko pa.

"Sinabi niya iyon? Kailangan kasi namin ng permiso para makuha ang nilalaman ng CCTV footage ng resto nina Mg. Kanina pa sana namin iyon iimbestigahan kaso may operasyon pa kaming isinagawa pagkatapos mahatid si Mg sa hospital. Kaya pasensya na kayo kung ngayon pa lang namin mauumpisahan ang imbestigasyon. Isa na rin sa dahilan kung bakit pupuntahan ko si Mg sa hospital once na magising siya. Eh kaso wala pa akong balita eh buti na lang at nagsadya kayo rito." Mahabang aniya.

"Ayos lang. Basta magbayad lang ang may gawa sa kaniya. Solve na yun." Nakangiti kong wika.

"Wag kayong mag alala hindi ko pababayaan na walang mangyayaring hustisya para kay Mg." Nakangiti rin niyang sambit.

'Nagseselos talaga ako pero kailangan kong isantabi iyon . Matatanda na kami kailangan siguro naming intindihin ang sitwasyon ng isa't isa.

Bilang siya na mahal si Mg pero alam niyang wala siyang pag-asa at bilang ako na mahal din si Mg at alam niya na talo ko siya kasi alam niyang ako ang mahal.

"Sige aalis na kami. Balik na kami sa hospital." Paalam ko pa.

"Sige, susunod agad kami." Aniya.

Sumaludo pa kami ni Daniel bago umalis.


At Hospital

Isium's POV

"Alam mo bang ikaw talaga ang pakakasalan ng anak ko." Wika pa ni Tita Ellaine ang Mama ni EJ Este Ethan.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Tita o ano. Hindi ko alam.

"P-po? Akala ko po si Patricia Nicole?" Naguguluhan kong tanong.

'Bakit ako? Akala ko si Patricia Nicole.

"Totoo ang sinasabi ni Balae. Nagpanggap lang sila. Si Patricia Nicole ang Wedding planner niyo." Sambit pa ni Mama.

Naiiyak naman ako sa nalaman ko. Dahil kanina pa nila ako sinasabihan na ako ang pakakasalan ni Ethan.

Nang lingunin ko si Erika ay nakangiti itong napatango.

"Alam naming lahat kapatid. Totoo ang lahat ng nalaman mo ngayon." Sambit din naman niya.

Kaya naman hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

"Eh nasan si Ethan? Bakit umalis siya paggising ko?" Umiiyak kong sambit. Dahil hindi man lang ito nagpaalam samen kanina at basta na lang itong umalis.

"Nagpunta silang presinto ni Daniel. Babalik din yun. Yieeee excited kana na makita siya 'no?" Nakangiti niyang aniya saka pinahid ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Nakangiti ko lang naman siyang tinanguan.

"Naniniwala kana ba, anak?" Tanong ni Tita Ellaine.

"Opo pero gusto ko sya mismo magsabi saken." Umiiyak pa rin ngunit nakangiti kong wika.

"Okay sige mag ayos ka, pagbalik nila mag acting ka na wala ka pa ring alam." Aniya saka inayos ang buhok ko na nagkalat na sa mukha ko at pinunas ang luha ko.

At maya maya nga ay dumating na rin ang dalawa.

"Saan kayo galing?" Kunware ay tanong pa ni Tita Ellaine kay Ethan.

You and MeWhere stories live. Discover now