Chapter 2

4 0 0
                                    

Chapter 2




"Isium andito ka pala?"  Nakangiting aniya saken.

Napalunok pa ako ng maramdaman kung gaano sya kakomportable saken. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko na magsalita rin ng ayos sa harap niya.

"Oo eh." Pilit ang ngiti kong aniya.

"Kamusta ka?" Tanong pa neto saken.

'Kamusta na nga ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Tumindig ako ng maayos sa harap niya at ngumiti.

"Okay lang ako, maganda pa rin. Ikaw ba?" Balik na tanong ko rito.

"Okay lang din, eto magpapakasal na." Diretso niyang aniya na syang nagpatigas ng damdamin ko.

"Wow congratulations!" Masaya kong wika rito.

"Tama na yan. Magna ubos na yung juice at sandwich, dalhan mo yang groom." Utos saken ni tita.

Agad naman akong sumunod rito at mabilis akong nagtungo sa kusina. At doon ay napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng pag agos ng luha ko.

'Akala ko wala na akong pakialam, pero bakit ako nasasaktan? Tanong ko sa sarili ko.

Almost 8 years na kaming di nagkita, nagmahal na nga ako ng iba eh. Bakit iba pa rin ang epekto niya saken? Bakit ngayong nalaman kong ikakasal na siya ay nasasaktan ako.

'Mahal ko pa rin ba sya?

'No way!

'Hindi dapat!

'Ayoko ng masaktan ulit.

Nang humupa ang nararamdaman ko ay ipinagtimpla ko na sya ng juice at ginawan na rin ng sandwich.

Matapos ko itong gawin ay inayos ko ang sarili ko. Nag inhale exhale pa ako para mapakalma ang sarili. Lakas loob akong nagtungo sa kanila dala ang juice at sandwich niya.

Hindi ko na talaga inintindi ang sinasabi ng tita ko ewan ko ba kahit anong daldal nila wala dun ang buong pagkatao ko kundi sa taong ngayon ay nakangiting nakatingin saken.

Buti pa sya nakamove on na ako muling tumitibok na naman ang puso para sa kaniya. Hindi ko na maiitanggi pa ito. Parang naulit lang ang noon. Na love at first sight na naman ako.

'Ano 'to? History repeats itself? Natatawa ko pang tanong sa sarili ko. My gosh!

First love nga talaga oo. Buhay at buhay pa rin. Talaga bang ang first love laging may puwang sa puso?

"Mg wag mo titigan baka magselos asawa niyan!" Biro pa ni Daniel. Kaya't natauhan naman ako dun.

"Ah haha may iniisip kasi ako, diko napansing sa kaniya pala ako nakatingin." Palusot ko pa sa mga eto.

"Hahaha sus ano ba iniisip mo? Sya?" Biro rin saken ni Nathan.

Agad naman akong umiling dito.

"Hindi yung lesson plan ko ang iniisip ko hindi pa tapos eh." Nasabi ko na lang.

Nag kaniya kaniya naman silang tanguan.

"Isium yung juice ko nauuhaw na 'ko pwede?" Nakangiting singit ni Ethan itinuturo ang dala kong juice. Agad naman akong lumapit sa kaniya pero ng iaabot ko na ang juice ay natisod ako sa kung kaninong paa iyon.

"Ay my gosh!" Hiyaw ko pa. Agad naman kumilos ang taong nasa harap ko para saluhin ako.

Naramdaman ko ang tibok ng puso niya ng tumama ang mukha ko sa dibdib niya.

'Kabilis naman ng tibok ng puso neto. Kinakabahan rin ba sya kagaya ko? Tanong ko pa sa sarili ko.

"Isium my gosh! Di kana nahiya sa bisita nataktakan mo na ng juice. Tumayo ka dyan at paltan mo ang damit niyan!" Malakas na ani tita.

Kaya naman agad akong tumayo at humingi ng paumanhin dito.

"My gosh! Sorry Ej... Ah este Ethan!" Taranta kong wika na ikinalaki ng mata niya. Pero hindi ko na iyon pinansin at tinalikuran ko na lang eto at pumunta ako sa labas upang lumasap ng hangin.

Peste this is really unexpected!

I need some air. Hindi ako makahinga sa kahihiyang iyon lalo pa at nagawa kong idikit ang katawan ko sa kaniya accidentally. My gosh!

Agad kong tinawagan si Mayora and after some ring ay sinagot niya rin ito.

"Quenay alam kong may alam ka!" Malakas kong sabi rito inunahan ko na siyang magsalita.

"Saan? I'm busy!" Natatawang wika pa neto.

"Busy for what? Eh natutuwa ka pa nga eh. Alam kong alam mo na pupunta si Ethan sa shop ni tita!" Gigil kong sabi rito. OA na kung OA eh kasi naman di man lang niya sinabi kaninang umaga na pupunta dito si Ethan.

"Oh nagkita kayo?" Usisa pa niya.

"Malamang magkikita at magkikita kami kung nasa isang place lang kami. Bakit dimo sinabi saken?" Pinipigil ang inis kong sabi rito.

"Hahaha remember what you said earlier. You said na 'di ka interesado kaya no need na. Kung 'di ka naman pala interesado eh kahit magkita kayo ni Puli (pertaining to Ethan's surname Fullido) wala lang yun sayo. Eh kaso eto ka at naiinis saken dahil hindi ko sinabi sayo eh parang nafe-feel ko na may feelings kapa rin sa kaniya." Mahabang aniya.

Napabuntong hininga naman ako. May punto naman siya hindi ko lang matanggap.

"No I don't have any feelings towards him!" Depensa ko pa rito.

"Taray nag english ang teacher. Buti naman ikakasal  na yan eh." Bigla ay malumanay niyang aniya.

"Great! Alam niyo pala tapos ako hindi." Sarcastic ko pang aniya kasi barkada ko rin naman sila dati bakit wala akong alam.

"Galit? Eh hindi mo naman na kinakausap si Puli since grade 10 tayo. Paano mo malalaman? Paano ka iinform nung tao. Baka nahihiya yun sayo o kaya magalit yung mapapangasawa sabihin ininform pa yung ex. Tapos baka pag sinabi ko sa iyo sabihin mo na naman dika interesado, wala akong pakialam ganun!" Mahabang aniya.

Oo nga naman bakit ba napaka OA ko ngayon.

"Sino mga abay?" Tanong ko rito.

"Ako abay di lang ako nakapunta kasi katatapos lang ng appointment ko tapos meron ulit mamaya after lunch." Madaya talaga 'tong mga to.

"Eh bakit ako hindi?" Parang bata ko pang tanong.

"Hello, gumising ka nga. Ex mo yung ikakasal tho magkaibigan kayo niyan dati dimo maiaalis na naging mag ex pa rin kayo. Ikaw nga tanungin ko gugustuhin mo bang makita yung ex ng magiging asawa mo sa kasal mo?" Tanong pa neto saken.

"Depende naman yun sa sitwasyon eh. Yung iba nga----"

"Naku naku kay Ethan mo sabihin yang hinanakit mo para may closure na kayo." Natatawang pagputol niya sa sinasabi ko.

"Naku sige na nga." Sabi ko na lang rito saka inend ang call.

Napa rolled na lang ang eyes ko dahil sa sama ng loob kay quenay feeling ko tuloy napag iwanan na ako dahil di ako updated.










You and MeWhere stories live. Discover now