Chapter 69

0 0 0
                                    

Chapter 69

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Nakailang lunok ako ng sarili kong laway bago nagawang sumagot.

"A-ah s-sumasakit po talaga ang ulo eh." Sagot ko.

Napaka mausisa din ni mama eh.

Tumango tango lang naman siya. Iniba ko na lang ang topic habang kumakain kami.

"Ma, pupuntahan ko po si Isium." Paalam ko pa sa kaniya matapos naming kumain.

Malelate na naman kami nito alas otso pa naman ang laban namin sa De Luna High at best of two na yun.

Masyado ko ba siyang napagod? Masaya ako kasi pinagkatiwala na niya ang lahat saken. Kaya wala ng atrasan talaga 'to.

Nang makarating ako sa kwarto ay mahimbing pa rin ang tulog nito. Nilapitan ko ito saka hinalikan sa noo.

"Good morning, Isium." Bati ko pa kahit alam kong hindi niya maririnig iyon.

Tinitigan ko muna ang napakaganda niyang mukha saka nagtungo sa CR at naligo na.

Nang matapos ako sa pagligo ay nakaboxer short lang akong lumabas ng banyo habang ang towel na hawak ko ay pinupunas sa buhok ko.

Saktong namang nagising na si Isium.

"Good morning, Isium." Muling bati ko ng nakangiti saka ako humarap sa cabinet ko at binuksan iyon at kumuha ng susuotin.

"Good morning, Ethan." Balik na bati niya ng may lambing sa boses. "A-a-araaaay!" Impit na wika niya kaya naman agad akong napalingon rito saka tumakbo palapit sa kaniya. Nabitawan ko na ang hawak kong damit na susuotin ko na sana.

"B-bakit Isium?" Alala kong tanong.

"Ang sakit ng katawan ko..huhu...." Ngiwi niya saka umiyak.

'Nagulpi ko nga siguro.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko.

"A-anong gagawin ko?" Natataranta kong tanong.

"W-wala gusto ko lang magpahinga. Hindi lang katawan ko ang masakit pati yung...yung....." Aniya at hindi matuloy tuloy ang sinasabi dahil sa bahagya niyang pagkailang.

"Yung ano?" Tanong ko pa. Hindi ko alam eh. Wala akong alam kung ano pa ang masakit.

"Wag kana magtanong alam mo na yun! Kasalanan mo!" Asik niya saken.

"A-ako bakit inano kita?" Maang kong tanong.

"Inano? Inano mo talaga, inamo!" Inis na niyang wika, manangis nangis pa.

Natawa naman ako hahaha. Now I knew it.

Niyakap ko naman siya.

"Ahhh. Wag ka naman umiyak. Parehas naman natin ginusto iyon diba?" Tanong ko pa na tinanguan niya. Napabuntong hininga naman ako. "Sa una lang yan masakit. Gusto mo sundan natin?" Dagdag ko pa. "Araaaaaay!" Hiyaw ko sa sakit ng kurutin ako nito sa magkabilang tagiliran.

"Magtigil ka masakit na nga eh. Pumasok kana mamaya na lang ako papasok." Pagtataboy na niya saken matapos naming maghiwalay sa pagkakayakap.

"Pero Isium..." Wika ko saka tumitig sa kaniya. "Thank you, for giving yourself for me. Alam kong ipinagkatiwala mo na saken ang lahat kahit hindi pa tayo nakakasal. Isa lang ang maipapangako ko sa iyo hindi ko man masabi na hindi kita masasaktan sisiguraduhin ko naman sa iyo na palagi kitang mamahalin, habang buhay. Ikaw lang at ako." Sinsero kong wika kasabay ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Ang drama mo naman." Natatawa niyang sagot pero suminghot pa, pinipigilan ang luha niya. Pero sumeryoso rin siya at tumingin saken diretso sa mata ko.

You and MeWhere stories live. Discover now