Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7










"Hi tita!" Bati ko rito ng makapasok ako sa shop niya.

"Oh Magna akala ko hindi kana pupunta eh, nine na. Magdedesenyo kapa rin ba?" Malumanay na tanong neto saken.

Wew mabait ang tita ko ngayon ah. Hahaha himala yuon pakiware ko'y nakausap nito ang mga anak na nasa ibang bansa.

"Opo tita." Nakangiting kong sagot rito.

"Bukas na lang Magna. Wag mong pagurin masyado sarili mo. Diba seven ang time mo rito?" Masungit na ulit niyang aniya.

'Manang mana talaga ako dito ang bilis bilis magbago ng mood.

"Ah talaga tita? O sya sige po. Bye!" Hindi na ako nagadalawang isip pa sa sinabi niyang iyon dahil nakaramdam na ako ng pagod at antok.

"Mag iingat ka!" Paalala neto saken. Lumapit naman ako dito at bumeso.

"Opo tita salamat." Nakangiti kong wika Saka umalis na.






BAHAY







Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si papa sa terrace kaya naman ng maipark ko na ng ayos ang motor ko ay lumapit ako rito ng nakangiti. Nginitian rin naman ako neto na may kasamang pagtango ngunit mababasa mo ang pagkaseryoso neto.

"Oh 'Pa Hindi pa kayo natutulog?" Tanong ko rito saka ako sumandal sa sampaan ng terrace.

"Hinihintay kasi kita." Nakangiting aniya.

"Sus napakaseryoso niyo naman ho pa?" Natatawa ko pang tanong rito.

"Iniisip ko lang kapag nag asawa kana ba hindi mo na ba kami iintindihin?" Seryosong tanong nito.

Napangiti naman ako sa tanong na iyon ni papa.

"Pa. Ke mag asawa ako o hindi hinding hindi ko kayo pababayaan." Sinsero kong sagot rito.

"Talaga?" Masaya pa nitong tanong saken.

Lumapit naman ako rito at niyakap siya.

"Hindi ko po gagawin yun sa inyo Pa. Atsaka wala akong boyfriend paano ako mag aasawa?" Natatawa kong wika rito saka kami naghiwalay.

Hinawakan niya naman ako sa magkabilang braso.

"Kung sakali lang naman eh." Nakangiti nitong wika saken.

"Hahaha tara na nga sa loob Pa. Kung ano ano iniisip mo eh. Hanapan mo muna ako ng boyfriend." Tatawa tawa ko pang suggestion dito habang papasok kami ng bahay.

"Mamaya hahanapan kita." Natatawang aniya.

"Ang Papa palabiro hahaha." Tugon ko rito saka kami nagtawanan.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako sa kaniya na pupunta na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko roon ay agad akong naglinis at nagpalit ng damit pantulog. Saka ako pumunta sa working area ko upang ireview at ituro ko rin sa sarili ko ang ituturo ko bukas para sa mga estudyante ko.

Hindi na ako nakaramdam ng grabeng pagod dahil nakasanayan ko na ito. Ito na ang routine ko.

Dumaan ang Martes, myerkules, at huwebes nang ganun lang ang ginagawa ko. Sa araw ay nagtuturo at sa gabi ay nagtatarabaho.

Byernes na sa ngayon at tinatahak ko ang daan pauwe sa bahay. Ngayon kasi ay lumiban muna ako sa trabaho dahil sinisinat ako. Inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga baka kasi pag nagtrabaho pa ako eh lagnatin na ako. Ginising ko ang sarili ko baka kasi maaksidente ako dahil sa antok ko.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto at nahiga.







-------






Nagising lang ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cp ko. Nakapikit ko naman itong kinapa sa kama ko at saka mumungaw mungaw na pinindot na lang basta ang answer key at nilagay iyon sa tenga ko.

"Hmmmm." Antok na antok kong wika. Nanatiling nakahiga at nakapikit sa kama.

"Mg! Magready ka ng pang beach. Mag a outing tayong magbabarkada! Wala daw dapat absent sa 'tin. Uuwe si Erika mamaya at may kasamang manliligaw!" Tuloy tuloy na aniya.

"Ah okay." Sagot ko na lang rito saka pinatay ang tawag niya hindi inintindi ang sinabi niya at natulog na lang ulit.




KINABUKASAN....





Pipip pipip!!!!!






"Ate! Ate!" Gising pa saken ng kapatid ko.

"Hmmm?" Naiinis ko pang sagot sa kapatid ko. Inaantok pa ako eh.

"Si Mayor Quennie andyan!" Malakas na sabi nito saken.

"Bakit daw ba?" Tamad kong sagot.

"May outing daw kayo!" Aniya. Na siyang nakapagpabangon saken sa higaan.

"Outing?" Takha kong tanong rito.

"Oo daw po." Takha rin nitong sagot saken.

"Hoy mg! Kanina pa kami dito ni Erika ano hindi ka sasama?" Aniya saka hinigit ako sa kamay.

"Teka teka may sinat ako di ako pwede." Pigil ko pa rito. Agad niya namang sinamdam ang noo ko pero kasabay niyon ang mahinang hampas nito saken. Na syang nginiwian ko.

"Sinat? Yang utak mo ang may sinat! Halika na!" Muling aya nito saken.

"Saglit yung mga damit ko dipa ready." Pigil ko ulit rito ng hihilahin niya ulit ako palabas ng kwarto.

"Things packed up!" Ani Erika na siyang nasa likod ko.

Wala akong takas sa dalawang 'to eh.

"Halika na! Hinihintay na tayo nina Puli!" Aniya at hinila na ako ng tuluyan at nagpatianod naman Ako rito.

"Tita lakad na ho kami, dala ko ho yung batang anak niyo!" Malakas na paalam ni Quenay kay mama.

"Ma! Magpapasalubong na lang ako sa inyo!" Sigaw ko rin sa mga eto.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niya itong pinaandar.

"Hindi pa ako ready!" Sigaw ko sa mga eto.
Dahil hindi pa ako naghihilamos at nag to toothbrush!

"Sus wala ka namang boyfriend kahit hindi na!" Sagot nito saken habang nag da drive.

"Di ka man lang ba na surprise sa pagdating ko kapatid?" Nakangiting tanong pa saken ni Erika na siyang nasa unahan ko kasi solo ko ang backseat ng kotse ni Quenay.

"Paano pa ba ako masusurprise eh kinaladkad niyo na ako!" Angil ko sa mga eto na siyang tinawanan nila. "Mga luka luka!" Dagdag ko pang aniya.

Gusto ko umiyak huhu. Eh kasi naman ayoko sumama masasaktan lang ako dun eh.

Andun si Ethan at ang fiance niya.










To be continued.....








You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon