Chapter 62

0 0 0
                                    

Chapter 62






"Good night." Dagdag na wika ni Tita bago kami tinalikuran.

"Good night po." Saad ko. Ako lang ang nag response. Nang tingnan ko si EJ ay pinanliitan ko ito ng tingin. "Inaasar mo ako." Mataray kong wika sa kaniya.

Natawa lang naman ito sa sinabi ko saka tumayo at nakipagsiksikan sa upuan ko.

"Bakit hindi ba totoo iyon? Wag mo ng sagutin alam ko na sagot atsaka wala sya dito, hindi dapat sya ang ibida." Aniya saka sumimsim ng beer.

"Sus." Asar ko pa.

"Pinagseselos mo ako? Baka hindi mo magustuhan kapag nagselos talaga ako." May pagbabantang wika niya. Tuloy ay diko maiwasang matakot at kabahan.

"Bakit sasaktan mo ako?" Seryoso kong tanong sa kaniya.

Subukan niya lang.

"Hindi." Tipid na sagot niya saka kumain ng chichirya.

"Okay. Salamat naman kung ganun---

"Mabubuntis ka lang." Putol niya sa sinasabi ko na ikinalaki talaga ng mata ko sa gulat.

'Takteng yan! Ma uuwi na ako. Huhu. Hindi ko alam kung uuwi pa ba akong birhen dyan bukas.

"Sinasabi mo dyan?" Asik ko sa kaniya.

"Kinakabahan ka 'no?" Natatawa niyang tanong.

"Ewan ko sa iyo." Kunware ay inis kong tanong saka ko kinuha ang in can beer ko at diretsong ininom ang laman nito.

"Hahaha. Pero seriously gusto ko ng magkaanak tayo." Aniya dahilan ng pagbuga ko ng alak at dahil doon ay nabasa ang pajama ko.

"S-sorry." Paumanhin ko pa saka pinunasan ng damit ang bibig ko wala kasing tissue ayan tuloy basa na ang pantulog ko. "Wag ka ngang babanat ng gano'n!" Angil ko pa sa kaniya. Hindi naman sa hindi ako ready nadadalian lang ako sa mga nangyayari sa aming dalawa.

"Hindi naman ako bumabanat ah. I'm just trying to say what I really want." Sinserong wika niya.

Hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya.

'Gusto na ba niya talaga ng baby? Tanong ko pa sa isip ko. Pero alam kong walang sasagot niyon kung hindi si EJ ang tatanungin ko.

"Matulog na kita, tara na." Saad ko na lang, nililihis ang topic.

Wala naman siyang nagawa, bago kami umakyat ay niligpit naming dalawa ang mga kalat namin.

"Baka naman may mahaba kang damit diyan, EJ?" Nakasimangot kong tanong nang makapasok kami sa kwarto niya.

"Maghubad ka na lang." Aniya, tuloy ay nahampas ko ito ng malakas sa braso na ikinangiwi niya. "Napakabastos mo talagang lalaki ka!" Mahinang hiyaw ko dahil baka marinig ni Tita iyon.

"Hahahahaha. Hindi naman, masyado ka." Tumatawang wika niya. At talagang tuwang tuwa pa ah. "You're blushing." Dagdag niya pa ng lalagpasan ako patungong closet niya.

Sinapo ko naman ang pisngi ko, my gosh ang init pwede na ngang ilaga ang itlog niya eh para hindi na makapag sabi ng kung ano ano. Aish! Erase! Earse that thought!

"Oh." Aniya at iniabot saken ang long sleeve na purple.

'Wow purple, astig ng polo niya ha.

"Ganda naman ng kulay nito." Saad ko pa.

"Mas maganda ka." Aniya. Nang tingnan ko ito ay mataman itong nakatingin saken ng nakangiti tuloy ay parang may humaplos sa puso ko.

You and MeWhere stories live. Discover now