Chapter 15

0 0 0
                                    

Chapter 15









Lumalalim na ang gabi at nanatili pa rin kaming nagkakasiyahan.

Si Quenay umalis pansamantala tinawag kasi ni Egen, ang mag asawang Arvin at Karylle naman ay andun na rin sa room nila.

Si Kierbie umalis na rin pinagbawalan na ni MM (Merie Mae).

Si Kierbie siya yung pinaka charming sa lahat. Kaya naman bagay talaga sa kaniya yung pangalang Prince Kierbie.

Sya yung papasok pa lang ng campus ay abot tenga na ang ngiti ng mga babae mapa grade 7 man yan and above. Sya yung tipong artista na kulang na lang ay magpa autograph sa kaniya ang lahat.

Si Edward siya yung matangkad na payat pero gwapo. Matalino. Adik nga lang sa online games.

Si Ronnel. Sya yung galante sa lahat. Mayaman. May pag ka chubby pero cute yan. Hindi nga lang magka jowa kasi pihikan. Oo siya talaga ang choosy. Hahaha. Pero sobrang bait as in.

Si Karylle, naman siya yung maganda, mabait at matalinong kaklase. Kapag hihilingin mong tumulad dyan hahayaan ka lang niyan. Ang maganda pa doon ilalantad niya talaga ang papel niya.

Si Arvin yan ang lalaking gusto maging jowa ng mga babae. Liban saken di ako nagkagusto dyan eh hahaha. Napaka gwapo niyan. Hindi sya nakakasawang tingnan.

Si Erika sya yung babaeng napakakulit, immature pero napaka sweet. Sya rin yung maka girls generation. Mahilig kasi yan sa Korean eh. Siya rin yung babaeng gugustuhin mong asarin kasi ang cute magalit.

Si Mayora, sya yung wag na wag mong aasarin kasi nga ikaw yung mapipikon kapag gumanti yan. Pero sya yung unang magtatanggol sa'yo pag inaapi ka ng iba. Kaya nga humangad ng mayor yan eh napakatibay niyan! Kapag nasa tama ilalaban niyan.  Siya yung rason kung bakit umunlad ang bayan namin, ganun rin ang buong lalawigan. Nagbigay inspirasyon sa lahat. Naging modelo ng ibang lider kaya ayun nagkaisa at nagkasundo sa layuning gusto ni Mayora kaya ang kinalabasan maganda. Kaya't diko maitatangging sikat yan dito, maging sa ibang lugar.

Si Ethan siya yung lalaking mahal ko. Yun lang yun. Na ngayon ay mag aasawa na at

Ako?

Eto magiging matandang dalaga siguro.

"Huy babae!" Ani Erika at kinurot pa ako sa tagiliran.

"Aray ko kapatid bakit?" Nasasaktan kong sagot.

"Takte ka Mg kanina kapa namin kinakausap lutang ka, Isa isa mo pa kaming tiningnan tapos ngingiti pa lalo na nung tumingin kay Ethan." Mahabang aniya na ikinalaki ng mata ko.

Napakuha naman ako ng beer at straight na ininom yun.

"Hoooo. Naisip ko lang tatandang dalaga ata ako." Lasing kong sabi.

"Bakit naman?" Natatawang aniya.

"Eh kasi kayo lahat may chance..." Sabi ko pa nasinok pa ako dahilan upang diko matuloy sinasabi ko.

"Chance?" Naguguluhan nitong wika.

"Chance na magkaroon kayo ng makakasama sa buhay."  Malungkot kong saad. "Ang tanga ko kasi noon, napaka immature ko. And I made a decision na hindi tama." Naiiyak kong sabi. "Huhu ang daya ng tadhana." Nagtatampo ko pang wika saka umiyak na.

"Ano ba yung pagkakamali mo noon?" Tanong ni Ethan na siyang nasa tabi ko.

"Ikaw..." Turo ko sa kaniya. "Ikaw pa rin..." Wika ko pa.

"A-ang ano?" Nag aasam na aniya.

"Ikaw pa rin si Ethan." Natatawa kong wika rito dahilan upang ang lahat ay mapabuntong hininga.

Alam kong lasing ako pero hindi ito ang tama para sabihin kong may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. 

"Mg! Kung si Ethan hindi pa ikakasal. May chance pa rin bang magkabalikan kayo?" Tanong ni Daniel na siyang tinanguan ko agad.

"Yown eh ngayong ikakasal na siya may feelings kapa rin ba sa kaniya?" Tanong naman ni Ronnel.

"Wala na." Pagtanggi ko pa.

Magiging komplikado kasi ang lahat kapag sinunod ko ang puso ko.

"Naka move on na nga." Aniya saka uminom ng beer.

"Oo naman. 8 years na ang nakalipas. Atsaka nagmahal na rin naman ako ng iba hindi lang siya." Sagot ko pa.

Napansin ko namang natahimik ang katabi ko.

"Wew. Akala ko great love yung first love." Nakangiting aniya na ikinabuntong hininga ko.

'Yeah he was my first love and absolutely my great love.

"Ah hahaha wala. Nilimot ko na iyon. Ano ba kayo bakit niyo ako nilalagay sa hotseat. Maliligo na nga lang ako nalalasing ako sa inyo eh." Wika ko pa sa mga eto saka tumayo.

Inalalayan naman ako ni Ethan.

"Bitaw na Ethan maliligo ako sa dagat." Natatawa ko pang wika rito. Ngunit nang tingnan ko ito ay bakas ang kalungkutan sa mga mata niya.

'May mali ba sa sinabi ko? Takhang tanong ko sa sarili ko. Ngunit wala akong mahagilap na sagot roon.

Nang pakawalan niya ako ay lumapit na ako sa tubig saka hinubad ang dress ko at nag two piece na lang.

Magalit siya kung gusto niya hindi ko naman siya boyfriend para pag bawalan niya. Lalo naman ng hindi niya ako asawa.

Nang makatubog ako sa tubig ay doon ko pinakawalan ang luha kong kanina pa gustong lumabas.

Nag enjoy ako oo. Pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Ethan. Muli ko siyang minahal sa muli naming pagkikita.

Pero ikakasal na siya kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya.

Sumsisid ako nagbabakasakaling pag ahon ko ay wala na siya sa isip ko.

Pero laking gulat ko ng pag utlaw ko sa tubig ay may humawak sa bewang ko.

"E-ethan?" Nagtataka ko pang tanong.

Ang puso ko naman ay sobrang bilis ng tibok. Inches na lang kasi ang pagitan naming dalawa.

"Bakit dika nakinig saken?" Seryoso nitong wika mababasa mo ang galit sa mata niya.

"Eh bakit ba, kaibigan lang naman kita. Hindi kita boyfriend!" May diin kong sabi saka nagpumiglas sa kaniya ngunit hindi niya ako hinayaang makawala sa bisig niya.

"Kahit ngayon lang makinig ka naman saken." Pagmamakaawa pa neto.

"Bakit ba? Over protective ka naman saken masyado!" Nagagalit ko ng sabi.

"Dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, nung makita kita sa shop ng tita mo gustuhin man kitang yakapin ay diko ginawa kasi alam kong mali. Pero ngayong andito ka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na protektahan ka kahit alam kong mali!" Sinserong aniya.

"Magiging komplikado lang ang lahat Ethan! Mas mabuti nang tapusin na natin ito ngayon kesa ipagpatuloy pa." May diin kong wika rito saka malakas na umalis sa bisig niya.

Nang makatabi ako ay pinulot ko ang damit ko saka  mabilis na umalis sa lugar na iyon. Hindi ko na pinansin ang mga kaibigan kong tumatawag sa pangalan ko.

Pinakawalan ko ang mga luha ko.

Hindi kita pwedeng mahalin at lalong lalo ng ayokong manakit ng iba para lang sa pagmamahal na ito.

I better choose to be hurt than hurting someone's feeling and putting them in pain.


To be continued....











You and MeWhere stories live. Discover now