Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6








"Kamusta pagtuturo?" Baling saken ni Quenay ng maupo kami at nagpareserve ng table.

Gabi na rin kasi masyado at magsasarado na kami. Kaya kokonti na lang ang tao.

Kaya naman nag order kami ng coffee.

"Okay lang. Masaya at natututo pa rin ang mga estudyante ko hahaha." Natutuwa kong sagot rito.

"Haha sa sungit mo na ba yan kung magturo ewan ko na lang kung di matuto yung mga estudyante
mo sa'yo." Natatawa rin nitong tugon saken.

"Hahaha di naman masungit eh. Thank you Ken." Nakangiti kong pasalamat sa waiter namin na nag serve ng coffee namin.

"Always welcome Ma'am." Nakangiti rin nitong sagot saken at talagang kinindatan pa ako.

Pagkatapos niyon ay umalis na rin naman eto. Maswerte nga kami at mabait, make-kwela at tunay na mapapagkatiwalaan sila.

Sumimsim ako ng kape at lasap na lasap ko ang sarap neto.

"Ano nga bang nangyari nung nagpunta sina Ethan sa shop ng tita mo?" Tanong nito saken. Dahilan upang mapaso ang dila.

"My gosh quenay! Ang sakit!" Hiyaw ko pa. Tumawa lang naman ito habang pinapanooran ako sa naging reaction ko.

'Magsusugat 'to.

"Hahaha loka ka, tinanong lang kita napaso kana." Tumatawan pa nitong wika.

'Abnoy talaga.

Napahiran ko naman ng tissue ang dila ko na tila gagaling iyon.

"Sama mong best friend talaga! Nagtawa ka lang!" Singhal ko rito.

"Hahaha ano nga nangyari?" Usisa pa ulit nito.

Napacross arm naman ako sa harap nito.

"Wala. Malamang nagpasukat sila at namili ng susuotin para sa kasal!" Mataray kong wika rito.

"Makataray naman. Hindi ka pa move on ano?" Tanong neto saken.

Imbes na magpahalata ay pinilit kong magpanggap.

"Di move on? Almost 8 years na kaming di nagkita, walang connection my gosh! Dipa ba ako move nun?" Depensa ko pa rito. "Pero eto tanong ko bakit dimo sinabi sakeng ikakasal na pala siya? Taksil kang kaibigan!" Asik ko pa rito na siyang ikinahagalpak niya.

"Hahahaha baliw paano ko sasabihin sayo sasabihin mo lang naman eh 'wala akong pakialam, 'hindi ako interesado! Bakit ko sasabihin sa'yo?" Paliwanag niya. Tulad lang rin nung sinabi niya saken noong nakaraan.

"Oo na. Alam mo ba sabi saken ni Ethan kaya di niya ako kinuhang abay eh mas maganda pa daw ako sa fiance niya hahaha!" Tumatawa kong kwento rito.

"Ganun? Naniwala ka naman?" Asar pa neto saken na syang sinamaan ko ng tingin. "Hahaha joke lang!" Hirit niya pa with peace sign. "Baka nga ikaselos pa ng asawa. Sabi ko naman sa iyo Mg hindi ka pwedeng maging abay baka dipa matuloy hahaha!" Aniya, at seryoso pa. Ngumiti lang naman ako ng pilit.

Nasasaktan na kasi ako eh. Sana pala ay diko na inumpisahan magkwento talo ako eh.

"Pero Mg. May tanong ako sa iyo...." aniya saka bumuntong hininga pa. Tumingin naman ako kay Mayora.

"Ano yun?" Tanong ko rito.

"Yung totoo. Honest answer lang ha?" Seryoso nitong wika saken na siyang tinanguan ko. Tumango tango rin naman eto saka nagsalita. "May feelings kapa ba Kay Ethan? Kahit konti?" Tanong niya pa.

Napabuntong hininga naman ako saka sumandal sa inuupuan ko. At diretso akong tumingin rito.

"Wala. Kahit konti wala." Diretsa kong sagot na kahit puso ko ay hindi kumbinsido sa sinabi kong iyon.

"Ah okay! Mas mabuti na yung malinaw. Ayokong masaktan ka eh." Seryosong aniya. At naramdaman ko naman ang pagka concern niya saken.

"Yown paka sweet mo naman. Sana sa asawa mo rin hahaha!" Natatawa kong wika rito. Eh kasi samen sweet pero pagdating sa asawa niya hindi naku po! Parang aso't pusa! Wala ng matinong pag uusap silang mag asawa kapag bumibisita ako sa kanila.

Si Quenay kasi masyadong palaban. Kaya pati sa asawa matapang hahaha! Kawawa na nga eh. Taong bahay na lang si Egen.

"Hoy sweet kami nun kapag tulog hahaha tuwing gigising nga kami sa umaga magkayakap eh." Aniya at natawa naman ako roon. Ibang klaseng mag asawa 'to.

Matapos ang kwentuhan naming dalawa sa resto ay nagpasya na akong uuwe dahil dadaan pa ako kay tita. Hindi ko pa kasi natatapos desenyuhan ang gown ng isang debutant customer ni tita. Sumabay na rin naman si Mayora saken palabas ng resto uuwe na daw siya at napapaguran na.

"Mag ingat ka Mayora baka tambangan ka dyan." Biro ko pa sa kaniya nang makasakay ako sa motorsiklo ko.

At sya naman ay sa kotse niya.

"Haha takot na lang nila saken. Ikaw ang mag ingat Mg, wag mong bibilisan ng patakbo!" Paalala pa neto saken.

'Wew concern ha! Wika ko pa sa sarili ko at nasiyahan naman ako doon.

"Oh yes Mayora! Bye!" Nakangiti kong paalam rito saka pinaandar na ang motor ko.

Napakalamig ng simoy ng hangin na tumama sa balat ko. Wag naman sanang sipunin ako my gosh! Hindi pwedeng magkasakit ang tulad ko ang dami ko pang tatrabahuhin. Kelangan kong kumita ng malaking pera para may maibigay na allowance sa bunsong kapatid ko na nasa maynila na nag aaral ng fine arts sa Isang unibersidad doon. Pati na rin sa mga kuyahin ko na kani kanina lang ay nagtext at humihiram ng pera.

At isang malaking scam yun! Hingi na yun hingi at scam na yun!

Wala eh hindi na ako makapagsaya kasi puro trabaho na lang ang inaasikaso ko. Yes pinili kong magtiyaga at makaranas ng hirap kahit pwedeng pwede ko namang piliin yung maalwan na buhay. Pero kung pipiliin ko ang maalwan na buhay maghihirap ang mga kapatid ko.










To be continued....










You and MeWhere stories live. Discover now