Chapter 59

0 0 0
                                    

Chapter 59





"Asar talo eh." Mahinang wika niya ngunit pakinig ko naman.

"Hindi kaya." Apila ko pa saka sabay kaming tumawa na dalawa. 

Nagpatuloy lang ang laban at lamang na lamang nga kami. Hindi pa nangangalahati ang oras sa first quarter ay sampu na agad ang lamang namin. Kaya naman nagpatawag na ng time out ang coach nang Deluna Highschool.

"Prrrrrrrrrrrrrrrt!'" pito pa ng referee saka sumenyas ng time out.

"Time out! Deluna High!" Sigaw ng announcer.

"Ano mga coach ayos?" Tanong pa samen ni Kristoff na naka thumbs up pa.

"Ayos na ayos guys!" Masayang wika ni Ethan saka nakipag apiran sa lahat.

"Ano Coach Ma'am?" Baling niya saken.

"Psh. Cheerer niyo pa nga eh. Ang galiiiiiing!" Kunware ay masungit ko pang wika nung una pero agad ay pinawi ko iyon ng kasiyahan at paghanga sa kanila.

Saka isa isa ko silang pinag aapiran.

"Oo nga po eh, kaso wag ka po masyado magtitili Coach Ma'am  baka yung tahi mo sa likod mabanat eh, matanggal." Aniya pa.

"Sobra naman kayo sa pag aalaga saken eh." Naka pout ko pang wika.

'Ang ko concern kasi nilang lahat feeling ko dahil sa sinasabi nila eh bibitaw talaga ang tahi ko sa likod.

"Hayaan niyo na Ma'am niyo. Sige na uminom na muna kayo ng tubig saka magpunas ng pawis. May taga punas ba kayo ng pawis niyo? Kasi yung ibang girls sa likod namin nag a-I love you pa  sa inyo eh." Wika pa ni Ethan natawa naman ako dun.

Ang iba naman ay sumunod sa kaniya nag inuman at nagpunasan na ng pawis nila.

"Hahaha sir naman, maghihiyaw lang yan pero hindi bababa para punasan ang pawis ko." Ani Kristoff saka tumingin sa likod namin ng nakangiti.

Nang sundan ko naman ang tingin nito ay kumaway lang sa kaniya yung girl.

"Aha kilala ko na! Si Ms. Sol!" Wika ko kay Kristoff na ikinalaki ng mata niya.

"Ma'am Coach! Hahaha tama." Aniya nang kumakamot kamot sa ulo.

"Okay guys lumapit kayo dito. Walang abaguhin sa techniques niyo ha? Ganun lang ulit. Kainakabahan ang Coach Ma'am niyo eh." Wika ni Ethan saka tumingin saken.

Inirapan ko lang naman ito sinabi pa talaga eh.

"Ma'am wag kayo kabahan, panghihinaan kami niyan eh. Magtiwala ka po mananalo tayo." Wika pa ni Paul.

"Paul, mag pa sub ka muna." Bigla ay wika ni Ethan na ikinagulat at ikinakamot niya hahaha natawa naman kami doon nang comfort pa ha? Hahaha.

"Hahaha nagpalakas loob ka pa." Asar pa ni Steve na siyang ginatungan ng ibang players.

"Brian sub ka." Wika ko pa.

Ako na namili. Magagaling naman na sila lahat eh.

"Lahat kayo ngayon maglalaro okay?" Dagdag pa ni Ethan.

Nagsipagtanguan naman sila.

"Basta ba'y wag niyo hahayaang malamangan. Okay lang maagawan, okay lang blocked at okay lang ring malusutan basta sa huli ipanalo niyo." Advice pa sa kanila ni Ethan.

"Parang babae Sir ah." Sambit pa ni Rex.

"Oo isipin niyo mga nililigawan niyo yung bola at kailangan niyong ipaglaban at ipanalo." Gatong pa niya.

You and MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang