Chapter 70

0 0 0
                                    

Chapter 70

Last quarter na at lamang ang kalaban ng sampu.

"Last four minutes and thirty five seconds. Ball of Elendel High! 101-94 in favor of De Luna High! " Wika ng announcer.

"Okay ganito ha? Kristoff bantayan mo si Gutierrez pero iwas ka sa pagsasalita na, kanina pa kayo nag iinit eh, umpisa pa lang." Pangangaral ko pa sa kaniya.

Kulang na lang kasi magsuntukan eh.

"Eh Sir, nilalait ang team natin eh. Gaya ng sabi ko sa inyo kanina na kesyo tsamba lang daw ang pagkakapanalo namin." Kakamot kamot na aniya.

"Hayaan mo na nga, huwag ka ng magpadala dun. Isipin mo mananalo tayo at huwag kang mag init baka mamaya mamalay na lang kami, bago matapos ang laro nagsusuntukan na kayo dyan." Seryoso kong saad.

"Oo nga Kristoff tama ang Coach Ethan niyo, advantage ni Gutierrez ang asarin ka para maka score." Dagdag ni Mr. Montero sa sinabi ko.

Prrrrrrrrrrrrrrt!

Nang pumito ang referee ay pinagpatong patong namin ang mga kamay namin.

"ONE TEAM! ONE HEART! ROAD TO CHAMPION!" Hiyaw naming lahat.

Nang makabalik na ang limang player namin sa gitna ay namamawis ang mga kamay ko sa kaba.

"Tiwala lang, kami nga noon ni Mg kahit alam na naming talo nagtitiwala pa rin kaming mananalo eh. Well in every disappointments and failure we got the more we think positively no matter what. Laban lang." Nakangiti niyang saad ng lingunin ko ito.

Ngumiti naman ako rito pabalik.

"Gusto ko sila manalo eh." Saad ko.

"Mananalo sila, tinuruan mo ng husay eh. Pero kung ano man ang kalabasan ng laban ngayon tanggapin natin." Aniya at tinapik ako sa balikat.

Napangiti na lang naman ulit ako at tumango sa kaniya. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin sa huling linya na binitawan niya. Yun ay matatalo kami.

Nakadalawang tawag pa ako ng time out bago matapos ang laro. Bumaba na sa tatlo ang ang lamang ng kalaban at segundo na lang ang natitira.

"Last ten seconds!" Sigaw ng announcer. "Ball of Elendel High!" Dagdag na aniya.

Nilabas muna ni Steve ang bola. Nang pumito na ang referee ay naghanap na siya ng papasahan. Ngunit mukhang walang sumalo niyon dahil nasa ilalim ng depensa ang mga players namin, walang makatakas sa bantay ng De Luna High!

"DRAKE LABAS!" Sigaw ko ng makitang may malulusutan si Drake.

Nang marinig niya iyon ay agad siyang sumunod saken at kumawala sa depensa ng kalaban. Nang makatakas ay agad na ibinato ni Steve ang bola papunta sa kaniya.

Saktong nasa three point line ito nakapwesto.

Idrinible niya muna ito saka pumwesto upang ishoot ang bola. Tila nag slow mo ang lahat sa paligid ko. Dumadagundong ang lakas ng tibok ng puso ko, mas lamang ang ingay niyon sa mga babaeng naghihiyawan.

"Last five seconds!" Saad ng announcer.

Nang handa ng ibato ni Drake ang bola ay walang alinlangan niya itong pinakawalan sa mga kamay niya.

Pati ang takbo ng bola tila minuto ang ginugugol bago umalis sa pwesto nito.

Hindi mawaglit ang titig ko sa bolang iyon hanggang makarating sa ring, umulpok ulpok pa ito... Napipigi ko na ang hininga ko.... Nang matapos sa pag ulpok ay umikot pa ito sa ibabaw ng ring...

"Last twoooooo secoooooooooonds!" Tila slow mo din sa pandinig ko ang sinambit ng announcer.

"Ooooooooone!" Dagdag niya matapos ang isang segundo.

You and MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang