Chapter 65

0 0 0
                                    

Chapter 65

"Ohhhh." Ung*l kong muli nang marahan nitong masahihin ang medyo may kalakihan kong d*bdib.

"Moan my name baby."  Ung*l niyang saad.

At tuluyan na nga akong bumigay sa nangyayari sa aming dalawa at ibinigay ang kayamanang iniingatan ko.

-

Pagkatapos nang may mangyari samen ay halos wala kaming imik na nakahiga sa kama ng walang saplot na kumot lang ang tanging tumatabon sa katawan namin.

"Papanagutan ko kung ano man ang kalalabasan, baby." Sinserong wika ni Daniel saka lumapit saken at niyakap ako at hinalikan ako sa noo.

"Hindi pa alam 'to nina Mama." Nakokonsensya kong wika.

Hindi ko pa kasi siya naipapakilala kayna Mama. Tapos eto may nangyari na samen.

"Mahal mo naman ako diba?" Tanong pa niya saken, na siyang nakapag paangat saken ng tingin upang tingnan siya.

"Ano bang pinagsasabi mo. Natural!" Saad ko pa.

"Yun naman pala, anong pinag-alala mo pa. Kaya naman kitang buhayin." Seryoso niyang wika.

Alam kong seryoso siya saken. Kaya lang eh nakokonsensya lang ako kayna Mama kasi ni hindi ko man lang muna sila binigyan ng pagkatataon na makilala si Daniel. Alam kong kilala na nila si Daniel pero bilang kaibigan lang iyon. Iba na kasi ngayon may namamagitan na samen at higit sa lahat may nangyari na.

"Hindi naman iyon ang ipinag-aalala ko eh. Ang saken lang pinakilala muna sana kita." Pilit ang ngiti kong wika sa kaniya.

"Psh. Hindi pa naman huli ang lahat eh, pwedeng pwede mo pa naman ako ipakilala." Aniya at pinisil pa ang ilong ko. Na ikinasama ng mukha ko.

"Nanggigil ka na naman. Oo na." Pag sang ayong ko sa kaniya. Saka yumakap na rin sa kaniya.

"Isang round pa? Mukhang nabubuhay eh sa pagdikit mo--- naggslagyakanv hagagsl vagaka"

Hindi ko na siya pinatapos ng pagsalita. Tinakpan ko na lang ito.

"Magtigil ka nga, umagang umaga eh." Wika ko pa saka tinanggal ang mga kamay ko sa kaniya.

"Hahaha bakit, nagawa nga ang natin kanina eh." Mapanuksong aniya.

"Ewan ko sa iyo, hahaha." Tumatawa kong sambit.

Riiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiiing!

Iniabot naman saken ni Daniel ang cellphone ko, nang kunin ko at tingnan kung sino ang tumatawag at si Mayora ito.

"Hello, Quenay." Bungad ko sa kaniya.

"Tinawagan na ba kayo ni Ethan?" Tanong pa niya.

Tinakpan ko naman muna ang speaker ng cellphone ko upang tanungin si Daniel.

"Tumawag sa iyo si Ethan?" Mahina kong tanong na agad niyang inilingan, saka nagnakaw saken ng halik na talaga namang pinanlakihan ko ng mata. Napakapilyo eh.

"Hindi pa eh. Bakit daw?" Balik kong tanong kay Mayora.

"Ah tuloy daw sa sabado, makauwi ba kayo? Kung hindi ayos lang. Magkasama pa rin ba kayo ni Daniel hanggang ngayon?" Sunod sunod ang tanong niya.

'Oo katatapos nga lang namin gumawa ng milagro eh. Wika ko pa sa isip ko.

"O-oo. Hindi ko pa sure. Tingnan ko pa sched ko , Mayora." Mahinahon kong sambit.

"Ah sige sige, sabihin ko sa kaniya." Aniya saka nagpaalam na.

"Ano daw yun?" Usisa ni Daniel.

"Tinatanong ni Mayora kung tumawag na daw sa atin si Ethan kasj tuloy daw yung gagawin sa sabado." Paliwanag ko sa kaniya.

You and MeOnde histórias criam vida. Descubra agora