Chapter 9

0 0 0
                                    

Chapter 9



"Oh bakit?" Tanong pa saken ni Erika nang makalapit ako sa kaniya.

"Ayaw ako pag inumin ni Ethan. Tsk wala na ngang akong boyfriend may nagbabawal pa rin." Nagtatampong wika ko kay Erika.

"Hahaha concern lang sayo siguro yaan mo na." Natatawang aniya.

Imbes na sumagot ay sumsisid na lang ako. Para maalis ang epekto ng alak saken. Nahihilo na rin kasi ako eh.

"Kapatid ahon na muna ako magsho-shower na ako nilalamig ako eh." Wika ko pa rito pagkautlaw ko.

"Daya bakit naman pakabilis mo naman?" Takha nitong tanong saken.

"Eh mamaya na lang, nilalamig talaga ako eh."  Wika ko pa rito ng nakahalukipkip.

"O sya bababa ka ha?" Dagdag na aniya. Nakanguso pa sigurado ako ayaw ako nito paalisin.

"Nge tawagan mo kasi boyfriend mo." Asar ko pa rito. "Para may kasama ka syempre." Dagdag na sabi ko.

"Andito na yun maya maya." Nakangiting aniya animong nabuhayan.

"O sya kinilig pa. Sige na." Paalam ko rito.

"Sige." Nakangiting aniya.

Pagkatabi ko ay lumapit ako sa pwesto nina Ethan upang suotin ang tsinelas ko na tinabi ko doon.

"Isium isuot mo 'to." Ani Ethan at iniabot saken ang asul na malong.

Inabot ko naman eto. Napakabait naman nito saken ngayon.

Wag mo naman sobrahan lalo akong mahuhulog sa iyo.

"Salamat. Sige mauna na ako sa inyo." Nakangiti kong wika sa mga eto.

"Bilis mo naman umahon Mg. Kaliligo mo lang sa dagat ah?" Tanong pa saken ni Daniel.

"Nilalamig na ako eh." Sagot ko rito.

"Nilalamig? Eh mainit naman ah." Takhang aniya.

"Ewan ko malamig ang pakiramdam ko eh." Sagot ko ulit rito.

"Hahatid pa ba kita?" Tanong pa saken ni Ethan.

"Hindi na kabisado ko naman na kung asan ang room namin eh." Pigil ko rito. "Sige na guys enjoy!" Paalam ko muli rito saka ko sila tinalikuran na at nagtungo sa hotel.




Nang malapit na ako sa entrada ng hotel ay may nakasabay akong lalaking diko na dapat nakasabay pa.

"Yes honey. Andito ako sa opisina eh. Mag overnight ako rito. Marami akong gagawin." Sinungaling niyang aniya.

Nilingon ko naman eto at kinabisado ang mukha.

"Bye honey. Iloveyou. Take care." Malambing niyang aniya.

Saka nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan naman ako dahil binagalan ko ang lakad ko.

Muli naman niyang nilagay sa tapat ng tenga niya ang cellphone nito ngunit maya maya din ay ibinaba na niya ito.

Sabay rin kaming sumakay sa elevator nagtama pa ang paningin naming dalawa pero inirapan ko laang ito.

"Bakit?" Takha pa netong tanong saken.

Talagang magtatanong 'to saken kung bakit ko siya inirapan parehas kaming stranger sa isa't isa eh.

"Ah wala, may naalala lang ako sorry." Plastik na paumanhin ko rito.

Nang makalabas ako ay nagulat rin ako ng sumunod ito.

Hanggang sa matapat na ako sa room namin.

"Room mo?" Tanong niya inunahan na ako sa pagtanong.

Hinarap ko naman ito at nginitian ng peke.

"Oo eh. Bakit?" Taas kilay kong tanong rito.

Pero sa totoo lang eh nakaramdam na ako ng kaba kasi baka....

"Si Erika dito rin ba?" Aniya.

And nasaktan ako dun para sa kapatid ko.

"Erika?" Tanong ko pa kinukumbinsi ang sarili at baka hindi yun si Erika.

"Sore." Sagot nito.

Bagsak ang balikat kong bumuntong hininga.

"Saglit lang ha?" Wika ko pa rito. Saka ako kumatok sa kaharap na kwarto namin.

"Mayora!" Tawag ko pa rito.

Nang buksan ito ni Quenay ay tinuro ko dito ang lalaki. At tiningnan naman niya ito.

"Sino yan?" Kunot noo netong tanong saken.

Napa rolled naman ang eyes ko sa kaniya. At bumulong rito.

"Manliligaw ni kapatid. Dyan mo na muna patuluyin mag sho-shower pa ako eh." Request ko dito.

Tumango tango naman eto.

Nang patuluyin ni Quenay ang lalaking sinungaling na yun ay pumasok na ako sa room namin. Gustuhin ko mang sapakin na agad ang lalaking iyon ay hindi ko magawa. Paano ko ba sasabihin kay Erika ang narinig ko kanina kung wala naman akong pruweba.

Imbes na mag isip ng husto at magalit at pumasok na ako sa banyo at naligo.

Matapos kong maligo ay nagpalit na Ako. Buti na lang at maraming damit ang binigay saken ni Ethan yun nga lang puro dress pero no choice ako ito Ang andito eh.

Yes designer ako pero simpleng pajama,shirt at shorts lang okay na ako doon. Diko kasi hilig ang mag dress.

Pero imbes na bumaba ako ay natulog na lang ako buti na lang at hindi na ako nilalamig.



----





"Mg lunch na." Gising pa saken ni Erika.

"Hmmm. Sige susunod ako." Sagot ko rito.

"O sige baba kana ha? Kanina kapa hinihintay dun." Aniya tinanguan ko lang naman ito.

"Oh sya. Aki tara na." Malambing na aniya sa kasama niya. Dahilan para imulat ko ang mga mata ko.

Nang marinig kong magsara ang pinto ay napabangon agad ako.

'Paano ko ito sasabihin kay kapatid. My gosh! Lord help me. Ayokong masaktan po ang kapatid ko.
Dasal ko pa. Bakit ba kasi nalagay ako sa ganitong sitwasyon.

Matapos kong ligpitin at ayusin ang kama ko ay nagtungo ako sa harap ng salamin saka nagpulbos ng mukha. At naglagay ng pabango.

Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng kwarto namin at nagtungo sa baba.

Nakita ko naman agad sila na masayang kumakain. Nang tingnan ko ang lalaking katabi ni Erika ay nakikisabay pa ito sa tawanan.

"Mg halika na!" Ani Ronnel dahilan upang sa kaniya ko ibaling ang mga mata ko. Nginitian ko naman ito saka nagtungo na ng tuluyan sa kanila.

"Dito kana maupo Mg!" Offer pa ni Daniel sa bakanteng upuan na pinaggigitnaan nila ni Ethan.

Nang tingnan ko sila ay no choice ako kasi yun na lang talaga ang bakante at ako na lang ang kulang.

"Ano gusto mo?" Tanong agad saken ni Ethan pagkaupo ko.

Pataray ko naman itong tiningnan.

"Bakit ba ang bait mo?" Masungit kong tanong rito.

"Eh kaibigan mo ako eh." Agad naman niyang sagot.

Oo nga kaibigan nga pala niya ako.







To be continued.


























You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon