Chapter 46

2 0 0
                                    

Chapter 46







Isium's POV






"Mg!"

Nagising ako sa tinig na iyon kasabay ang iilang katok mula sa labas. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagulat pa ako dahil sa hindi pa pala ako nakauwe. Nakatulugan ko na pala ang pag iyak.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tiningnan ang oras ay pasado alas dose na.

"Mg!" Muling tawag at sa tingin ko ay boses iyon ni Erika.

Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa pintuan ng opisina at binuksan iyon.

"Uuwi na kami ni Daniel, uuwi kaba? Sabay kana samen kapatid. Nagtext si Ethan na nandito pa daw hindi kana inabala pa nung dalawa. Akala ko nga paggising ko iniwan mo na kami eh." Mahabang aniya nang nakangiti ngunit napawi iyon nang titigan niya ako at pag aralan ang mukha ko.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa naiilang ako sa tingin niyang iyon.

"B-bakit?" Nautal ko pang tanong.

"U-umiyak ka ba?" Tanong din niya.

"A-ah eh....

"I O U!" Putol niya sa sinasabi ko. "Utot mo! O sya alam ko na. Ano sasabay kaba?" Muling aniya.

Ngunit muli lang akong napangunot dahil sa tinuran niya.

'A-anong alam na daw niya. Psh! For sure tsinismis na yun ni Ethan.

"Huy!" Tawag pansin niya pa dahilan upang tingnan ko siya muli.

"A-ano yun?" Tanong ko pa.

Ngumiwi lang naman ito at umirap saken.

"Naku po. Tinatanong ko kung sasabay kaba samen pauwi?" Nakapamewang niyang aniya.

"Ah hahaha." Pilit ko pang tawa na ginantihan rin niya ng isang pilit na ngiti saka ako tinarayan. Naiinis na ito sa akin ang hirap ko makausap yata haha. "H-hindi na. Dito na ako matutulog." Tanggi ko sa kaniya.

"Pero kaya mo ba?" Tanong niya pa ng nag aalala.

"Kaya ko, atsaka ilang beses na rin naman ako natulog ng walang kasama dito eh." Nakangiti kong wika dahil totoo naman iyon.

"O siya sige, magpapaalam na kami ha? Ingat ka dito." Malambing na aniya saka ako hinawakan sa braso.

"Sila ang mag ingat saken." Confident kong wika.

"Lakas ah!" Natatawa na niyang wika.

"Psh. Lumakad na kayo. Daniel!" Sigaw ko pa. Nang tingnan ko naman si Daniel ay nilingon naman ako nito. Napailing na lang akong tumatawa dahil sa katakawan nito. Inuubos niya kasi ang mga pagkain sa lamesa. "May katakawan ka talaga eh no!" Asar ko rito, dagli naman itong tumayo at lumakad papunta saken ng tumatawa.

"Sayang mga niluto namin eh. Hahaha sarap pa naman." Aniya at sinubo pa ang hinlalaki animong doon nanunuot ang sarap ng kinain.

"Psh. Mag ingat kayo pauwi ha?" Sabi ko pa sa kaniya.

"Oo ba, ikaw hindi ka uuwe? Baka may.... Ah wala... Sya sige ingat ka dyan ha?" Aniya. Ano ba itong mga ito parang may mga gustong sabihin na ewan. Pero binalewala ko na lang iyon at hindi na nagtanong pa.

Matapos niyang magpaalam ay sinara ko na ang entrada ng pinto at niligpit ang mga pinagkainan.

Buti na lang at konti na lang ito, for sure hinugasan na at niligpit na nina Ronnel at Jericho ito. Sa aming magbabarkada kasi kapag may kainan na nagagananap sila yung tagaligpit at tagahugas namin magmula pa noon. Mga prinsesa kami kung ituring nila eh. Pero pag sa asaran wala kaming takas. Actually apat sana kaming may ari ng restong ito eh kaso pinaubaya na lang niya samen nagbibigay lang siya ng share niya. Siya si Florence Nicole Morong pinsan ni Daniel and guess what? She is an international model, that's why hindi namin nakakasama. Tho bihirang bihira namin makausap kapag nagbabakasyon naman siya ay isa isa niya kaming pinupuntahan and again another reunion yun para sa barkada.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon