Chapter 19

1 0 0
                                    

Chapter 19





Kinabukasan




"Ma pasok na ho ako." Paalam ko pa kay Mama.

"Napakaaga mo naman anak? Kumain kana ba?" Nagtatakang aniya. 5:00 pa lang kasi ng umaga.

"Opo ma ako na nagluto. Kumain na lang ho kayo dyan ni papa." Sabi ko pa rito.

Naupo naman ito sa sala at binuksan ang tv at nanood ng balita.

"O sya mag iingat ka lalo na sa pagdrive." Aniya nagpapaalala. Dinampot ko naman ang bag pack ko sa mesa saka lumapit rito at humalik sa pisngi.

"Bye!" Sigaw ko pa habang palabas. At mabilis na nagtungo sa motor ko pagkasuot ng helmet ko ay agad na sumakay ako rito at pinaandar ito.

Napakaganda ng umaga sana lang ay hindi ako mabadtrip.

Mas gugustuhin ko pa kasing hindi ako masyadong okay o wala sa mood tuwing umaga kasi pagdating ng hapon ay masaya na ako. Ewan ko ba kung bakit tuwing mag uumpisa sa masaya ang mood ko ay mauuwe na sa lungkot.

Kaya imbes na makipag debate sa utak ko ay nirelax ko na lang ang isip ko at hindi na nag isip pa ng kung ano ano.

Nang makarating ako sa school ay agad akong nag in! At iilan pa lang kaming teacher dito. Wala pang mga estudyante. Kaya naman nang makarating ako sa classroom ko ay wala pang tao rito.

At dahil sa naiinip ako ay nagpasya akong maglinis ng bintana namin dahil sa kita ko na rin ang alikabok nito. Tulong ko na rin ito sa janitor namin. My gosh! Mas gugustuhin ko na lang na ang dapat maglinis ng classroom ay mga estudyante at hindi na dapat pang ipaubaya ito sa mga janitor. Kaya umaasa na rin ngayon ang mga estudyante eh pagdating ng umaga uupo lang, palakad lakad samantalang kami noon nag aagawan pa ng walis ting ting, at tambo.

Yung kahit umaga pa lang pawisan na pero ang ganda sa katawan kasi dagdag bitamina iyon lalo na kapag nasisijatan na ng araw na tunay na nagpapalakas ng resistensya eh ngayon yung mga estudyante papasok, uupo, dahil nga hindi na obligado maglinis ay nakatunganga na lang sa paglaro ng online games sa mga cellphone nila kaya naman ang tatamlay iilan lang yung masigla tingnan.

If I will choose kung saan ako? Mas gugustuhin ko pang mag hirap kaming mag linis ng classroom atleast sama sama kaming tumatawa eh ngayon, may pare parehas na gadgets kapag gamit na ito wala ng pakialaaman pa.

Habang pinupunasan ko ang bubog na bintana bigla ay may alaalang sumagi sa isip ko na ikinangiti ko.

Flash back.

"Mg ako na dyan!" Wika pa ni Ethan.

"Maraming basahan doon sa broombox!" Mataray kong wika rito dahil sa naiinis ako rito inaagawan kasi ako ng gawain.

"Ayoko gusto ko yang gamit mo. Para pati hindi kana mahirapan." Aniya at todo ngiti pa saken.

"Psh." Inis kong singhal sa kaniya saka lumabas ng room at hinagis sa kaniya ang basahan.

Nagagalit ako kasi pasunod sunod siya saken na parang aso.

Grade 7 kami at ang bata pa namin. Pero sya mukhang inlove saken well ganun din naman ako love at first sight pa nga eh kaso naiinis ako sa kaniya lahat na lang kasi ng gagawin ko aakuin, kulang na nga lang eh sa kaniya ko pasagutan ang test paper ko tuwing may exam.

"Iloveyou!" Mabilis na aniya bago ko siya talikuran pero narinig ko naman iyon ng malinaw.

Ngunit hindi ko na iyon pinansin bagkus ay nakangiti akong pumasok sa room at naupo na lang at nagbasa ng libro.


End of flashback




Ganun sya kakulit nung grade 7 kami kaya kahit matagal na iyon ay fresh pa rin iyon sa alaala ko.

Nang matapos ako sa pagpunas sa bintana ay nagpunta ako sa unahan at tiningnan kung nakaayos ba ang mga upuan.

Ngunit muli ay may naalala ako rito.



Flashback.

Abala sa pagtuturo ang advisory teacher namin sa math kaya ganun na rin lang kami kaabala sa pakikinig sa kaniya.

Nang saglit na lumabas ito para mag Cr ay may sumipa sa upuan ko dahilan upang galit akong lumingon kayna Jericho.

"My gosh! Sinong sumipa?" Malakas kong sabi sa mga eto para matakot sila.

Kaniya kaniya naman silang turuan. Hanggang sa walang umamin sa kanila.

Gusto ko umiyak nung time na yun kasi ang ayoko sa lahat yung nagugulat ako. Kaso hindi ko na nagawa dahil sa dumating na ang advisory teacher namin.

Badtrip ako nung mga panahong iyon at halos lahat ng kaklase ko hindi ako magawang kausapin.

Hanggang sa mag uwian na at tahimik akong naglalakad mag isa palabas ng school nang may biglang sumabay saken.

"Isium!" Tawag pa neto sa pangalan ko mataray ko naman itong nilingon saglit at muling binaling sa daan ang paningin ko.

"Bakit? Mag so-sorry ka? Kasi Ikaw ang sumipa ng upuan?" Asik ko rito.

"Oo." Natatakot na aniya.

"Psh alam mo bang gusto ko umiyak kanina dahil sa gulat at lalo na nung muntik pang mahulog ako!" Mataray kong sabi rito. "Ang payatot ko na nga tapos gaganunin niyo pa ako!" Malakas kong sabi rito. Pero Ang loko tinawanan lang ako.

"Hahaha sorry Isium!" Aniya at nag peace sign pa.

"Hindi maganda yung ginawa niyo saken." May diin kong sabi na nakapagpatahimik sa kaniya.

"Alam ko. Kaya nga nag so-sorry ako eh." Aniya nang nakatungo.

"Pero hindi sincere!" Asik ko pa rito.

"Sorry." Seryosong aniya.

"Hindi kita bati!" Parang bata ko pang wika rito saka naglakad ng wala sa anuman.

"ISIUM!" hiyaw niya.

At doon ko lang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko ng mapadikit ako sa kaniya.

"Gusto mo ba mabangga?" Kabadong aniya naghahabol pa ng hininga.

Pero hindi ako nakapagsalita dahil sa kinabahan din ako.

Ang t*ng* mo Mg! Halos batukan ko pa ang sarili ko.

"Oyyy bawal yan!" Bigla ay saway samen ni Jericho dahilan upang kumalas kami sa isa't isa.

Wala namang sabi sabing nilayasan ko sila dahil sa nahihiya ako sa nangyari.


End of flashback.



"Good morni---

"Ay good morning!" Gulat kong sabi sa estudyante kong napakaaga pumasok.

"Ma'am parang nagulat ko pa yata kayo?" Natatawa nitong tanong saken.

"Hindi naman haha. Good morning din Ashira!" Bati ko rito.

Nahihiya ko naman itong tinalikuran at nagtungo na ako sa table ko.

My gosh ano kaya expression ko kanina doon? Nakangiti kaya ako na parang tanga? Hayst napaka mo talaga Magna napaka engot!








To be continued....













You and MeWhere stories live. Discover now