Chapter 64

0 0 0
                                    

Chapter 64

Nanliliit ang mga mata kong tiningnan siya at ang loko kinindatan pa ako with matching ngiti na abot langit pa.

"Tigilan mo yang kakaganyan mo!" Angil ko sa kaniya saka mabilis na lumakad. Ramdam ko naman ang paghabol niya saken.

"Good morning Coach Ma'am and Coach Sir, mukhang late po kayo?" Tanong samen ni Steve na siyang nagsosolo dito sa designated room namin.

"A-ah medyo nga, may dinaanan eh." Medyo nautal ko pang wika. Late nga kami. "Nasan sila?" Tanong ko pa matapos ilibot ang paningin sa buong kwarto.

"Yung iba wala pa po, yung iba nanonood na po ng laro. Iniintay ko pa po si Kristoff, na traffic daw eh. Yang traffic na yan kagabi pa eh, ang daming pulis." Aniya na may kasamang pagrereklamo.

Nagkatinginan naman kami ni Ethan.

"Baka may checkpoint." Wika ni Ethan, saka kinuha ang bag pack ko at pinatong iyon sa mesa kasama ng kaniya. 

"Oo nga po eh, pero grabe naman naglipana ang mga pulis kagabi kahit saang daan, ke sa sulok o hindi. Parang may hinuhuli." Kunot noo pa niyang wika.

Mausisa din pala 'tong lalaki 'to.

"Hay naku wag mo na isipin yun, ang mahalaga ligtas tayo." Nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Sa bagay po." Kibit balikat niyang wika. Nananatili pa rin ang pagtatakha sa mukha.




Ronnel's POV

"Pre sa sabado daw, uuwi ulit kita." Wika pa saken ni Edward pagkapasok ng opisina ko saka iniabot saken ang folder na naglalaman ng  tungkol sa bagong app na gagawin namin.

Yes magkasama kami sa trabaho, and we creating apps that can help everyone in this world.

Kung ano ang makakatulong para sa tao yun ang nililikha namin.

"Sure. Hindi ba 'to masyadong boring?" Saad ko pa. Isa itong app actually a game applications which can lessen the stress or the anxiety of a person. To avoid his/her being pessimistic in life and to do not overthink.

"Yun na nga eh ang problema, baka may gusto ka idagdag, Mas expert ka dyan." Kumamot na wika niya.

"Psh. Mas daig mo kaya ako dito. May pinoproblema ka yata eh." Asar ko pa sa kaniya. Saka naupo gayundin naman sya sa harap ng mesa ko.

"Wala naman. Wala lang talaga akong maisip na matino. Mukhang na i-stress ako sa paggawa ng app para sa mga na i-stress haduy hahaha. Mukhang kakailanganin ko din yata yan eh." Tumatawa pa niyang wika.

"Mismo hahaha." Sang ayon ko sa kaniya.



Jericho's POV

"Hello Konsi?" Bungad ko pa ng tawagan ako ni Nathan.

"Uwi kayo rito sa sabado, alam niyo na. Tuloy daw eh." Aniya.

"Ah sige sige. No problem saken. Friday ako uuwi para makatulong sa pag prepare." Agad kong sambit.

"Oo nga eh, kaso baka busy yung iba. Sabihin ko na lang kay Ethan mamaya." Sagot niya. "Sige pre, tawagan ko muna si Arvin." Dagdag na wika niya. "Ay saka pre pwede ikaw na magsabi kay Kierbie? Nasabihan ko naman na si Edward sya na lang magsasabi kay Ronnel tutal magkasama lang naman sila sa trabaho." Pakiusap pa niya.

"Sige pre." Sang ayon ko pagkatapos ay nagpaalaman na rin saka ko ibinaba na ang tawag.

Wala naman akong pagtutol doon dahil wala namang boss na magagalit saken dahil ako ang boss sa sarili kong negosyo.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon