Chapter 53

0 0 0
                                    

Chapter 53






"Miss na miss laang." Malungkot kong wika.

I really need him right now.

"Sorry hindi pa ako kakapunta dyan eh." Seryoso niyang wika.

Namuo naman ang luha ko nun. Gusto ko siyang nandito ngayon.

"Sige na mamaya naman may client na ako." Wika ko na lang kahit wala naman.

Hindi ko hinintay pa ang sasabihin niya bagkus ay pinatay ko na lang agad. Saka ko napahid ang luha kong nagbabadyang pumatak pa lang.

"Ang daya naman." Hinanakit ko pang wika.







Ethan's POV





"Ingat." Malambing kong wika habang inaalalayan sya pababa ng sasakyan.

Kararating lang namin sa bahay nila galing hospital.

"Thank you." Malambing ding aniya na ikinangiti ko.

Hindi ko alam pero noon pa man ay mahal ko na siya pero iba ang epekto kapag kapiling talaga ang mahal mo eh.

Nakakanerbyos hahaha pero iyon yung takot na positibo hindi nakakasakit bagkus nakakapagpasarap ng damdamin.

"Huy!" Malakas na aniya.

"A-ano?" Wala sa anumang sagot ko.

"Anong iniisip mo? Babae?" Mataray na niyang wika habang naglalakad kami papasok sa bahay.

Natawa naman ako.

"Oo." Masaya kong wika.

"Maganda?" Seryoso na.

"Oo." Desidido kong sagot na may kasamang pagtango pa.

"Bitawan mo ako." Mariin niyang utos.

Gusto kong tumawa pero nag eenjoy pa ako hahaha.

'Selosa pa rin. Yun nga lang sa sarili niya. Hahaha.

"Bakit? Matumba ka pa eh." Hindi ko pag sang-ayon.

"Eh ako kasama mo iba iniisip mo. Sana'y hindi mo na lang ako sinundo!" Angil niya saken saka pilit na bumibitaw. Pero mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kaniya at pinigilan siya sa paglakad saka bahagyang inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Ikaw yung iniisip ko." Nakangiti kong bulong sa kaniya na nakapagpalambot ng kamay niyang gustong umalis sa palad ko.

Nakita ko ang bahagyang paglunok niya marahil ay naiilang sa ginawa ko kaya napatighim na lang ako para di maging awkward ang paligid.

"Siguraduhin mo lang sasapakin talaga kita kapag hindi ako yan." Matapang na aniya.

"Hahaha wa epek yang sapak mo." Biro ko pa sa kaniya saka kami pumasok na sa loob ng bahay.

"Ewan ko sa iyo!" Mataray niyang wika.

'Magaling na talaga eh 'no? Nananaray na eh.

"O-oy Magna ano ba yang sa inyong yan?" Saway samen ni Tita.

"Wala ho. Nag aasaran lang ho." Sagot ni Isium saka tumingin saken at tinarayan ako muli.

Nginitian ko lang naman siya.

"Dito kana mag lunch iho." Aya pa saken ni Tita.

"A-e w-wag na ho----

"Dito ka kakain 'no. Sasapakin talaga kita!" Angil na naman niya. Natawa na lang naman ulit ako.

You and MeWhere stories live. Discover now