Chapter 32

1 0 0
                                    

Chapter 32








"Napaka direct to the point mo naman Mg! Sinasaktan mo na ang puso ko masyado!" Umaarteng aniya at humahawak pa sa dibdib nito animong nasasaktan.

"Loko! Pero seryoso Nico Paulo gabi na talaga. Bukas na lang tayo magk---"

"Magkikita tayo bukas?" Excited at masaya nitong tanong sa akin. Dahilan kung bakit pinutol ang sinasabi ko kanina.

Nakangiti ko naman itong tinanguan.

"Yey! Okay goodnight my love of my life!" Aniya at kumindat pa saken saka nakangiting sumakay sa motor niya.

Pagkatapos magpalitan ng babyes ay pumasok na rin ako sa loob. Nabungaran ko naman doon sina mama at papa sa sala.

'Naghihintay sa akin itong mga ito. Wika ko pa sa sarili ko.

"Ma." Wika ko pa sa mga ito at nginitian sila.

"Alam mo yung pinasok mo?" Seryosong tanong sa akin ni Papa tuloy ay nakaramdam ako ng kaba doon.

"O-opo. Tumulong lang ho naman po ako Ma, Pa eh." Nakangiti kong sagot sa mga ito.

"Alam namin pero baka mapahamak ikaw anak." Nag aalalang wika ni Mama.

Lumapit naman ako sa mga ito at umupo sa gitna nila. At hinawakan ang mga kamay nila.

"Ma, Pa alam ko kung anong ginagawa ko. At alam ko rin hong nasa tama ako. Wala kayong dapat ipag alala sa akin dahil nasa tama ako!" Wika ko sa kanila at bahagya pang natawa.

"O sya pero sa sunod kapag may mabigat na problema pwede bang iwasan mo na lang ma involve dun!" Pakiusap pa ni Papa.

Napabuntong hininga naman ako.

'Hindi ko maipapangako.

"Opo Pa!" Nakangiti kong wika sa mga ito pero ang totoo ay gusto kong tumulong sa kahit anong sitwasyon basta't alam kong tama.

Matapos ang usapan namin ay nagtungo na ako sa kwarto ko nadatnan ko naman si Shea na payapang natutulog.

Agad akong umupo sa tabi niya at inayos ang kumot.

"I'm willing to be your ate kapag wala tayo sa school." Nakangiti at mahina kong sambit rito.

Ngunit gumalaw ang malalantik nitong pilik mata saka nagmulat ng mga mata. Nakangiti itong tumingin sa akin. 

"And I'm willing to be your baby sister Ma'am." Sagot nito sa akin.

Niyakap ko naman ito at gumanti naman ito sa akin.

"Kung wala ka Ma'am siguro ay wala na ako sa mundong ito." Mahina at seryoso nitong wika.

Hinagod ko naman ang likod nito.

"Shhh. No matter what happen to our life always put god first on our hearts. Malayo pa ang mararating mo Shea." Malambing kong wika sa kaniya.

"Thank you so much Ma'am for always being there for me. Hindi mo ako pinabayaan." Aniya at napakinggan ko ang mahinang pag singhot nito.

"Masakit pa ba? Iiyak mo lang Shea hanggang maging okay kana." Malambing kong wika sa kaniya.

----

Kinabukasan.

"Isium." Tawag pansin pa sa akin ni Ethan habang papasok ako ng campus.

Si Shea hindi ko na muna pinapasok makapagpahinga man lang siya ng maayos. Nakausap ko na rin ang papa niya and as soon as possible ay uuwe na ito upang sunduin siya.

You and MeOnde histórias criam vida. Descubra agora