Chapter 47: The Revelation

1 0 0
                                    

Chapter 47






The Revelation





Napamaang ako sa nangyari. Pakiramdam ko ay huminto ang lahat. Ang tangi ko lang nadarama ay ang malamig na metal na sumakop sa mainit kong dugo sa likuran ko.

"I-isium!" Rinig kong tinig.

Nagawa ko siyang lingunin kasabay ang pagtulo ng luha ko at ang pagblangko ng lahat.

Ethan's POV

"I-isium!" Tawag ko pa nang makapasok ako sa loob ng kusina.

Pero huli na ang lahat dahil nang lumingon sya ay kasabay na niyon ang pagbagsak niya pataob.

Naiinis ako dahil letseng traffic na hindi na maayos ayos. Dis oras na ng gabi traffic pa rin kung hindi lang nga iyon ang hadlang patungo rito ay baka wala pang nangyaring masama sa kaniya.

Napunasan ko ang luhang tumulo sa mga magaganda kong mata habang yakap yakap siya.

'Ang bading mo Puli! Wika ko pa sa sarili ko.

"Isium pasensya kana nahuli ako." Nagsisisi kong wika saka pinunasan ang nakitang luha na tumulo sa mga mata niya.

Lalo lang akong naiyak ng makita ang tubig na iyon.

'Nasaktan ko na naman siya.

"Ambulansya tawagan niyo!" Bigla ay sigaw ni Nico Paulo nang makarating rito. "Mg!" Gising niya rito. Ngunit nang walang makuhang sagot ay tumingin na lang ito saken.

"Ang bagal niyo kasi. Kanina ko pa kayo tinawagan!" Paninisi ko pa rito.

"Psh. Akala mo naman hindi magkasabay." Masungit na wika nito.

Dahil totoo naman iyon. Totoong magkasabay kami paparito.

"Wag kana mag aalala. Nasa buto lang for sure ang tama niyan. Payat yan eh." Natatawang wika niya.

Natawa rin naman ako sa tinuran nito.

"Loko. Mahal mo ba talaga 'tong babaeng 'to?" Tanong ko pa sa kaniya.

Tinitigan naman niya si Isium saka bumuntong hininga animong pinag iisipan pa ang isasagot saken.

Nang muli akong tingnan nito ay saka pa lang ito nagsalita.

"Oo naman matagal na. Kaso mas matagal ka eh. Atsaka ikaw ang mahal. Wala akong laban." Malungkot na aniya, nasasaktan.

"Tama na hindi ito ang tamang oras para pag usapan iyan." Muling sambit niya nang marinig ang tunog ng ambulansya.

Matapos kuhain ng mga rescuers si Isium ay napaupo ako sa hagdan sa labas ng entrada ng resto nila. Habang magkadaop ang mga kamay.

Pinagdarasal na sana magiging okay agad sya.

'Kasalanan ko 'to eh. Iniwan ko siya.

Peste kasing plano. Hindi ko naman alam na may mangyayaring ganito.

"Wag kana mag-isip. Kilala ko si Mg lahat kaya niyang lagpasan. Kung mahina siya hindi na siguro natin syang naabutan ng buhay." Wika ni Nico Paulo at saglit na tinapped ang balikat ko.

Hindi na lang ako umimik bagkus ay tumango na lang ako.


Sa Bahay

Alas tres na ng madaling araw ng makauwi ako. Sinigurado ko munang nasa stable condition na si Isium. Tinawagan ko na lang muna sina Erika at Daniel para bantayan siya. Nagulat pa nga ang dalawa kasi kaiiwan pa lang pala nila kay Isium nun nang mangyari ang panggugulo sa resto.

You and MeWhere stories live. Discover now