Chapter 57

0 0 0
                                    

Chapter 57



"Itataas ko 'to hindi mo 'ko kayang ipagmalaki eh." Mariin kong bulong kay Ethan. Hindi ko na ito hinintay pa na sumagot bagkus ay lumapit ako sa players namin at talagang pinakita sa kanila iyon.

"Naks. Congrats po sa inyo!" Masayang bati samen ni Kristoff.

"Congrats Ma'am." Paul

"Congrats po sa inyo." Steve

At halos lahat sila ay nagsabi ng congrats.

Buti pa 'tong mga 'to alam na si Ethan ang fiancee ko samantalang si Ma'am Llave hindi.

Naramdaman ko naman ang pag akbay saken ni Ethan.

"Sabi ko naman sa inyo sya talaga ang pakakasalan ko." Nakangiting aniya.

"Tiwala naman kami Sir, inlove na inlove pa sa iyo yan si Coach Ma'am." Confident na wika ni Kristoff.

"Sabi ko na nga ba eh. Hindi lang pala ako ang nakakahalata na inlove kapa rin saken hahaha." Tumatawa pa niyang wika.

Siniko ko naman ito sa tagiliran niya dahilan upang ngumiwi sya at humiwalay saken.

"Inlove na brutal! Aray!" Asik pa niya.

"Okay na start na practice na guys!" Sigaw ko pa.

"Wag ka nga sumigaw sabi ng manood eh ako na dito." Muling lapit niya saken at sinabi niya iyon.

"Psh. Ayoko nga." Angal ko pa sa kaniya.

"Isium." Mahinang aniya, nagmamakaawa.

"Oo na po." Sagot ko na lang ng nakapout saka tumalikod na at naupo na.

Nang mag umpisa muli ang laban ay seryoso lang akong nanood sa kanila upang makita ko ang lahat ng kilos at galaw nila.

Si Ethan ang nag re-referee busy nga eh ni hindi man lang ako tapunan ng tingin psh.

Nang muli kong tapunan ng tingin ang mga players saktong na kay Drake ito.

"Oh my gosh!" Sambit ko pa ng makita ang galing nito. Ang liksi niya kasi. Bantay siya ni Kristoff at ni Paul tumayo ako at medyo lumapit. Naiwan niya yung dalawa nung pinalusot ni Drake ang bola sa pagitan ng dalawa saka ito mabilis na tumakbo sa gilid nila at agad na kinuha ang bola saka nag jumpshot.

"Wooooooh!" Hiyaw ko pa dahilan upang tingnan ako ni Ethan nang balingan ko naman ito ng tingin ay natatawa ito marahil ay sa reaksyon ko.

Umiling iling ito ng natatawa saken saka muling nag focus sa naglalaro na.

Napangiti naman ako dun este kinilig hahaha.

Hindi na ako umupo sa buong laro nila, sumisigaw lang ako ng sumisigaw. Tatalon pero may death glare kapag ginagawa ko iyon.

"O ano kamusta laro nila?" Tanong niya saken nang tabihan ako nito. Break kasi nila.

"Ang galing nga, tama yung sinabi mo magaling nga si Drake." Humahanga kong wika.

"Sabi ko sa iyo eh. Ayaw mo maniwala sakin eh." Aniya. Hinawakan ko naman sya sa braso saka iginaya patungong bleachers sa mga gamit niya saka ko kinuha ang lalagyan niya ng tubig saka iniabot sa kaniya iyon nakangisi naman itong nakatingin saken animong may ibig sabihin ang mga tingin siniringan ko laang naman ito ng tingin saka ko kinuha ang towel niya at pinunas iyon sa mukha niya saka ko ito nilipat sa likod niya at pinunasan din iyon.

You and MeOnde histórias criam vida. Descubra agora