Chapter 60

0 0 0
                                    

Chapter 60





"Totoo ba iyan?" Kahit papaano ay hindi ko makapaniwalang tanong.

"Ano yan?" Bulong saken ni Ethan.

Nginitian ko lang siya muna. Yung ngiting tagumpay na agad.

"Oo naman. Sabihan na lang kita kapag may updates na ulit." Aniya.

"Sige. Maraming salamat Nico Paulo." Masaya kong paalam sa kaniya saka pinatay ang call.

Napakapit naman ako sa braso ni Ethan saka pinisil iyon dahil sa tuwa.

"Alam na nila ang lugar kung saan nagtatago ang mga lalaking iyon." Masaya kong balita sa kaniya.

"Talaga? Saan daw?" Naeexcite niyang tanong.

Natahimik naman ako doon dahil hindi ko alam.

"Hindi ko na natanong." Kagat labi kong sambit.

"Ako na magtatanong." Aniya. Kukunin na niya sana ang cellphone niya nang pigilan ko ito.

"Huwag na EJ." Seryoso kong wika ngunit napangiti siya rito.

"EJ hahaha namimiss ko talaga iyan." Masaya niyang sambit at napangiti naman ako roon.

Hindi ko sinadyang banggitin iyon kusang lumabas na lang sa bibig ko.

'Kailangan ko na nga sigurong ibalik ang mga bagay na nakasanayan ko noon lalo na kung ito ang makakapagpasaya sa kaniya.

"Neknek mo. Hayaan na natin sila. Mas mabuti nang hindi natin alam kung nasan sila, kasi panigurado hahanapin mo sila. Hayaan mo na ang mga pulis ang umasikaso niyon, may tiwala ako sa kanila." Mahaba kong sambit.

'Ayokong madamay sya doon kasi baka maulit at sya naman ang puntiryahin.

"Tiwalang tiwala ka kay Nico Paulo ah." Aniya. May tinig na nagseselos.

Napabuntong hininga naman ako roon.

"Dati hindi ka naman seloso ah, eh bakit ngayon selos na selos kana?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Wala. Hindi ko alam. Iyon ang nararamdaman ko eh." Kakamot kamot na aniya.

"Wag na magselos okay. Ikaw laang yung mahal ko at pinakamamahal." Nakangiti kong sambit.

'I'm not fond on saying cheesy words but for him, sige go lang.

"Okay sige na okay na ako. At mahal din kita, ubod ng mahal!" Sagot pa niya saken.

Binatukan ko naman.

"Hahaha tara na." Aya ko sa kaniya saka kami muling naglakad habang masayang nagkukuwentuhan.

'Nakikiliti na ang puso ko sa sinasabi niya. Ang sarap talaga ma inlove eh.





***





Nico Paulo's POV



"Sir, kailangan na ho nating kumilos medyo matagal na rin ang kasong 'to." Suhestiyon ko pa sa hepe namin. Andito ako sa opisina niya. Tinutukoy ang kaso ni Mg.

"Oo naman kailangan na ng aksyon yan. Alam niyo na ba ang exact location?" Tanong niya pa.

"Opo sir." Agad na sagot ko.

Gusto ko na rin makulong ang mga lalaking ito dahil baka may iba pa silang gawing masama.

Iba kasi ang kutob ko sa presintong ito.

You and MeWhere stories live. Discover now