Chapter 14

0 0 0
                                    

Chapter 14







"Deserve ko ang chance." Wika ko sa kaniya. Na siyang nakapagpatahimik sa amin pareho.

Naghintay kami ng iimik sa aming dalawa pero ni isa walang kumibo.

Gusto kong hampasin ang sarili dahil sa katang*h*n  na ginawa ko. My gosh!

"Bili na tayo ng ice cream Ethan. Baka hinihintay na nila iyon." Basag ko pa sa katahimikan.

Umiwas naman siya saken ng tingin saglit animong nailang sa sinabi ko.

"Kung anuman ang sinabi ko wag mong iisipin." Bawi ko pa. "Tara na." Aya ko rito saka ko hinawakan ang ang braso nito at hinila. Hindi naman na siya tumanggi.

Matapos naming bumili ng ice cream ay tahimik kaming bumalik sa cottage. Hindi ko na rin kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko matapos ang nangyari samen kanina.

"Kala ko nag date pa kayo eh. Napakatagal niyo naman!" Wika pa ni Mayora samen.

"Oh eto. Pampatanggal lasing." Ani Ethan saka binaba ang ice cream sa mesa. "Inenjoy namin yung view doon eh masyadong maganda." Aniya at nginuso pa ang dagat.

Nagpalusot pa.

"Ah. O siya hala nag enjoy pala kayo buti naman." Nakangising ani Quenay.

Psh bakit ba kailangan nilang ngisihan ako pagdating kay Ethan? Mga baliw!

"Ano?" Mataray ngunit mahina kong tanong kay Quenay.

"Wala maupo kana uminom kana ulit." Natatawang aniya saka inabutan ako ng beer naman, aabutin ko pa lang iyon ng kinuha iyon ni Ethan.

"Pumunta kana dun sa upuan susunod ako. Wag kana uminom pati Isium baka di kana makainom mamaya." Malumanay na aniya.

Ayaw ko man sundin dahil hindi dapat ganun ang pakikitungo niya saken. Pero sinunod ko na lang.

Nang makaupo ako sa pwesto namin kanina ay nag open ako ng email ko. At doon ay nabasa ko ang email ni Ma'am Annie. Na kaninang tanghali pa.

To Ms. Magnesium Sales.
From: Annie Mallo

Miss. Magnesium we have an urgent meeting. At ************* resort.*

Aniya. My gosh lasing pa naman ako pupunta pa ba ako?

Dinial ko naman ang number ni Ma'am Annie saken pagkaraan ng ilang ring ay sinagot na rin niya ito.

"Hello? Ma'am Annie bakit daw?" Tanong ko rito. Napatawa naman ito.

"It's a prank hahaha." Aniya at tumawa pa ng malakas. Napangiwi naman ako rito.

"Ano nga ma'am? Nasa same na resort tayo kung andito nga kayo." Kinakabahang wika ko.

"Hahaha wala it's a prank nga lang. Na cancel sa Monday na daw." Tumatawa pa ring aniya.

"Kaloka ka. My gosh! O sya sige babye." Paalam ko pa rito.

Matapos kong ibaba ang cp ko ay humarap na muli ako sa kanila at kumain ng ice cream na dala namin.

"Masarap?" Tanong pa saken ni Ethan na hindi ko namalayan na katabi ko na pala ito.

"Oo ice cream eh." Tipid kong sagot rito.

"Huy yung barbecue dyan luto na ba?" Sigaw pa ni Edward kayna Daniel na abalang nag iihaw ng barbecue at footlongs.

"Bakit footlong yun?" Tanong ko kay Ethan.

"Alam ko naman kasing dika kumakain ng hotdog eh." Nakangiting aniya.

"Bakit ako. Paano sila?" Usisa ko pa.

"Eh ikaw naisip ko nung bumibili ako eh. Kawawa ka naman kasi namamayat kana. Kain kain din pag may time Isium!" Aniya at nang aasar pa.

"Nge kumakain naman ako sadyang sexy lang talaga." Angil ko rito.

"Hahaha oo at wag na wag kang magsusuot ng two piece." Tumatawang aniya pero mahihimigan mo ang pagkaseryoso.

"Daya bakit ba?" Mataray kong tanong rito.

"Eh sa maraming lalaki dyan okay hindi sa pag iisip ng kung ano ay baka bastusin ka ng mga lalaki." Malumanay niyang saad.

Mahina lang naman ang usapan namin na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Sus sipain ko lang sila eh." Mayabang kong aniya.

"Ah basta maligo ka ng nakaganyan okay naman yun." Aniya.

"Nang nakadress?" Bulong ko pa.

"Oo." Bulong din niya saken.

"Bakit ba parang pinoprotektahan mo ako. Babaero kaba?" Hindi ko na ito napigilang tanungin.

Natawa naman siya ng mahina at muling bumulong saken.

"Hindi. Pero sayo gusto kong protektahan ka." Seryosong aniya.

At doon ako nakaramdam ng ibang pakiramdam yung tipong nakikiliti ang puso ko dahil sa kilig. Gusto ko ngumiti pero pinigilan ko.

Pero agad ay napalayo ako dahil sa lapit namin.
My gosh!

Matapos ang usapan naming iyon ay kumain lang kami ng kumain hanggang sa masaksihan na namin ang papalubog na araw.

Napakaganda niyon nakakapag pangiti ng maraming tao. Sa bawat paglubog kasi niyon it's a sign na nagtagumpay ka at bukas sa muling pagsikat nito ay panibagong buhay at pag asa na sana hindi na makaramdam pa muli ng pasakit at hirap at manatili na lang nakatawa at nakangiti yung walang iniinda.

"I wish bukas wala na yung sakit!" Hiyaw pa ni Erika.

"Sana bukas tayo na hahahaha!" Hiyaw din naman ni Daniel.

"Loko!" Natatawang ani kapatid.

Natuwa naman kami doon sa dalawa na naghampasan pa. Sila kasi ang nag iihaw ng barbecue. 

Bagay na bagay sila para sa isa't isa.

"The one and only I love the most." Natatawa pang kanta ni Daniel.

Marahil ay na composed niya ito dahil isa itong composer.

"Anong title nun? Parang maganda kasi may pakulot kulot kapa!" Tanong ko pa.

"Ah secret para lang kay Sore yun. Sore my loves hahaha." Biro niya pa tuloy ay nahampas na naman siya ng kasama hahaha.

"The one and only my inspiration." Muling hirit nito.

Takte ang ganda, ang galing kasi ng pagkanta niya.

Daniel has a unique voice at hindi namin maitatangging maganda ang boses niya. Nung highschool nga kami eh puro kantahan ang klase kaya masaya talaga ang batch namin. Kahit kasi yung ibang section ka jamming namin kung minsan.

Kami yung batch na pepetiks petiks lang pero kami rin yung batch na walang masasabi ang teacher kapag tungkol sa acads.


To be continued.....













You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon