Chapter 16

0 0 0
                                    

Chapter 16







"Hello good morning!" Nakadungaw na sulpot ni ma'am Annie sa room ko.

"Yes ma'am, good morning!" Nakangiting bati ko rin rito.

"Pinapatawag na tayo ni Mr. Fidileno." Aniya.

"Ah ngayon na?" Tanong ko pa tinanguan naman niya ako.

"Sya sige bibigyan ko muna sila ma'am ng activity." Wika ko pa rito.

"Ge ma'am intayin na lang namin Ikaw dun!" Nakangiting aniya.

"Sige ma'am." Wika ko pa rito, pagkatapos niyon ay umalis na rin naman siya.

"Class turn the page on page 32 and do the activity." Sabi ko pa sa mga eto.

"Saan ho ma'am gagawin?" Tanong saken ni Sharmaine.

"Sa Intermediate pad iha. Pakibantayan na rin pati mga kaklase mo ha? Bawal lumabas." Nakangiti kong paalala sa mga eto na siyang sinang ayunan nila.

Matapos niyon ay nagtungo ako sa table ko. At naglagay ng konting powder sa mukha ko. Pagkatapos ko gawin iyon ay lumabas na ako ng room at nagtungo na sa Principal's office.

"Good morning po." Bati ko pa sa mga eto saka naupo sa tabi ni Mrs. Beltran.

Nagsipag balikan naman ng bati ang mga ito. Pagkatapos niyon ay nagdatingan na rin ang ibang teachers.

"Okay good morning! We have a problem. Di na ako magpapaligoy ligoy pa. Mr. Montero request a leave because his wife will giving birth to their first baby on this month. So we need a Mathematics teacher temporarily." Tuloy tuloy na ani Principal.

Napatango tango lang naman ako.

"Pero ako na bahala gusto ko lang kayo iupdate dito. Pinatawag ko lang talaga kayo para I congratulate natin si Mr. Montero." Aniya at itinuro pa si Danreb.

Tumayo naman si Danreb at napaluha pa.

'Bakla ang Montero hahaha. Tawa ko pa sa isip ko. Since senior high kasi magkaklase kami tapos nung college same department kami kaya madalas kaming magkasama niyan at dahil doon naging kaasaran at kabiruan ko na yan.

Nang matapos ang pang congratulate namin ay humirit pa ako ng makalabas kami. Hinabol ko pa ito at inakbayan.

"Naks Montero tatay kana! Ninang ako kapag bading yun ha?" Asar ko pa rito.

"Gagi di yun bading 'no!" Asik niya na tinawanan ko lang.

"Umiiyak ka kasi ang bading mo naman!" Saway ko pa rito.

Nagpunas naman siya ng luha.

"Naku anong masama doon? Masaya lang ako dahil sa wakas may anak na ako." Sinsero nitong wika pero mahihimigan mo dito ang tuwang nararamdaman.

"Hahaha. Wag kana nga umiyak. Congrats ulit ha?" Muling bati ko rito.

"Thank you Element!" Tumatawang aniya.

Binatukan ko naman ito at sinimangutan parehas sila ng anak ni Mayora ang tawag saken element. My gosh! Napasimangot naman ako rito.

"Ninang ka kahit kuripot ka!" Bawi niya pa.

"Talaga ha? Walang bawian sasapakin kita!" Masayang wika ko rito.

"Yun ay kung pagbalik ko rito ay may jowa kana!" Aniya nang aasar.

"Wow ha? Naku tapos pag meron na sasabihan mo akong mag be break din kami." Mataray kong wika rito.

Eh kasi naman po may gusto 'to saken nung grade 11 kami at kapag nagkakaboyfriend ako ay sinasabi niya saken 'mag be break din kayo ganun. Kaya ayun iniwan nga ako nung dalawang minahal ko.

"Hahaha hindi na, sure na yung magiging boyfriend mo ngayon. Forever na kayo nun!" Confident na aniya.

"Wow ha? Sure na sure?" Natatawa ko pang tanong rito.

"Oo naman sure na yun!" Aniya.

"Ewan ko sa'yo. Sige na punta na ako sa room ko. Mag iingat ka ha?" Paalala ko pa rito.

"Opo Element mag iingat. Ikaw Rin wag kana ring magpalipas ng gutom ang payat mo na." Pangungutya pa neto saken.

"Loko ka ah! Payat na ba talaga ako?" Tanong ko rin naman sa kaniya.

"Hahaha oo nga, kaya nga pinag bo-boyprend ka eh baka tumaba kapa. May mag aalaga na eh." Natutuwang aniya.

"Naku wag mo ako asarin. Umuwe kana sa inyo!" Pagtataboy ko rito.

"Saglit naman yung gamit ko pa!" Nakangising aniya animong Bata hahaha.

"Para kang bata! Halika na nga tulungan na kita, samahan na pati kita palabas sa school." Kunot noo ko pang wika saka hinila ito patungo sa room niya.

"Sasamahan mo pa ba talaga ako?" Tanong niya saken.

"Oo naman bakit ayaw mo? May dyosa na ngang maghahatid sa iyo ayaw mo pa?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Gusto syempre Ikaw pa! Sya hala tara!" Aniya kaya naman matapos kunin ang gamit niya ay sabay kaming bumaba ng building at tinungo ang gate palabas ng school.

"Nag outing pala kayo nina Mayora nung nakaraan?" Usisa niya pa.

"Oo eh." Tipid kong sagot dahil naalala ko ang nangyari.

Matapos kong mag walk out ay hindi na ako umimik pa sa kung sino. Nag shower lang ako at natulog na.

Simula rin nun ay tahimik lang ako sa byahe at kahit nag me message saken si Ethan ay diko yun pinansin.

Dahil simula ngayon diko na sya dapat pang papasukin sa buhay ko. At kung hahayaan ko naman iyon ay bilang kaibigan na lang.

"Huy dito na ako!" Malakas niyang sabi dahilan upang sa kaniya ko ituon ang atensyon ko.

"Ah sya hala sige mag iingat ka Montero ha?" Paalala ko rito.

Tinanguan naman ako nito saka sumakay na ng tricycle.

Kumunot naman ang noo ko rito. Bakit di niya dinala ang sasakyan niya.
Pero di na ako nag usisa pa dahil huli na.

Kaya naman pagkatapos umalis ng sasakyan ay tumalikod na rin ako at bumalik sa campus.

Napatawa pa ako sa sarili ko dahil mukhang pinag iiwanan na ako/kami ni Sore.

Sila may mga anak na at sariling pamilya.







To be continued....













You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon