Chapter 17

0 0 0
                                    

Chapter 17








"Tita kapag ba bagong kasal eh kelangan pang pumunta sa ibang bansa o sa kung saan mang magandang place para sa mag asawa?" Tanong ko sa tita ko habang nilalagyan ng beads ang gown.

"Oo bakit?" Sagot niya habang nagtatahi naman ito ng mga suits.

"Wala lang. Gastos pa ho yun eh." Dismayado kong wika.

"Bakit ikakasal kana ba?" Tanong ni tita dahilan para mapahiyaw ako.

"Araaaaay tita hindi ha!" Depensa ko.

"Bakit ka sumisigaw?" Usisa niya pa.

"Eh sa nabigla po ako sa tanong niyo hehe." Nahihiya ko pang sagot rito.

"Nge kala ko naman magpapakasal kana eh. Mag boyfriend ka muna! Hanapan pa ba kita?" Natatawang suggestion pa nito saken.

"Naku tita tatapusin ko muna ang bahay na pinapagawa ko para kayna Mama." Seryoso kong sagot rito.

Si tita lang kasi ang nakaalam ng bahay na regalo ko kayna Mama. Na pati mga kapatid ko ay hindi nila alam.

"Oo nga patapusin mo na muna yung bahay na pinapagawa mo. Para kahit may boyfriend kana wala ka ng poproblemahin pa." Mahabang advice nito saken.

"Opo tita. Saka wala ng nanliligaw saken hahaha." Biro ko pa rito.

"Hahaha putik kang bata ka. Magpaligaw kana." Natatawang aniya.

"My gosh tita! Wala ng nag balak simula nung sapakin ko yung huling nanligaw saken. Ang bastos naman kasi." Natatawa kong kwento sa kaniya.

"Nananapak ka? Teacher kapa naman." Bigla ay seryosong aniya.

"Opo eh sa ang bastos bastos! Binobosohan po Ako!" Depensa ko naman dahil totoo naman iyon. Yung huling nanligaw kasi saken inentertain ko pero yun nga lang palagi kong napapansing nakatingin sa dibdib ko at sa tuwing tatalikod ako at haharap ay nahuhuli ko itong nakatingin sa baba ko. Kaya naman nung time na napuno na ako sa kaniya ay walang sabi sabing sinapak ko ito sa Mukha. Malas nga niya eh nag maga ang mukha niya. Pero kahit papaano naman ay nagpaliwanag ako sa magulang niya at inamin naman niyang katawan ko lang ang habol niya. Ako na rin naman ang nagpagamot dun. Ibang klase akong mang reject 'no? Rejection plus pay later hahaha.

"Tumatawa ka dyan?" Usisa ni tita nang mapakinggang tumatawa ako dahil sa naalala ko last two years.

"Hahaha wala lang po, Ang brutal ko pala." Natatawa ko pang sambit.

"Oo nga manang mana ka saken eh." Proud pa niyang aniya habang patuloy pa ring nagtatahi.

"Hahaha sabi nga ho nila!" Pag sang ayon ko rito.

"Lalo na yung ganda ko namana mo!" Pagamamalaking aniya natawa naman ako rito.

Mas maganda pa kasi ako sa kaniya haha.

"Tita talo kita. Mas maganda ako sa iyo!" Pagmamalaki ko rin sa kaniya.

"Talaga lang ha?" Nakangiti niyang aniya tinanguan ko naman ito at natatawa pa.

"Hahaha yes na yes tita." Masaya kong wika rito.

"Ewan ko sayong Magna ka!" Iiling iling na aniya pero nakangiti naman. "Ah nga pala may contact ka ba nina Mr. Fullido?" Tanong naman nito na siyang nakapagpawala ng ngiti ko.

"O-opo bakit tita?" Tanong ko rito. .

"Ah ikaw na lang mag sabi sa kaniya by next month mag I start na nating tahiin ang mga damit nila. Para naman updated sila." Aniya.

"Ah okay tita sasabihin ko po." Sagot ko na lang rito.

Ang ayoko sa ngayon ay ang magkaroon ng connection sa kaniya. Pero mukhang imposible dahil ang liit liit lang ng space naming dalawa upang hindi magkausap at magkita.

"At saka need ko na pati ang opinion ng bride niya para sa wedding gown." Dagdag na aniya.

"Hindi mo pa po ba nako contact tita?" Tanong ko pa rito dahil isang linggo na ang dumaan ay hindi pa pala nag su submit ng ideal wedding gown ito.

"Hindi eh kaya ikaw na kumontak sa kaibigan mo ha? We need it as soon as possible." Sagot niya tinanguan ko lang naman ito saka ako nagpatuloy sa pag design sa gown.

Matapos kong mag design ay nagpasya na rin akong umuwe nine na rin kasi eh.

"Tita uwe na po Ako." Paalam ko pa rito.

"Sige Isium mag iingat ka ha?" Paalala nito saken.

"Opo tita. Salamat. Ingat rin po kayo." Sabi ko rito ng nakangiti saka nag babye na rito at tuluyan ng lumabas ng shop niya.

Nang makasakay ako sa motor ko ay pinaandar ko ito ng ayos. Pero sa kamalasan ko ay na traffic ako my gosh!

Kaya naman no choice ako kundi maghintay sa gitna ng lumbay hahaha charot.

Naka cross arm akong naghintay ng usad. Naghikab na ako lahat lahat pero dipa rin umuusad.

9:30 na uusad pa ba ito? My gosh!

Nabigla naman ako ng mag vibrate ang cp ko kaya naman kinuha ko iyon sa bulsa ng pants ko.

"Hello?" Tanong ko pa sa caller.

"Mg!" Masayang bungad ni Sore.

"Oh bakit?" Tanong ko rito.

"Wala ka sa mood?" Tanong nito.

"Oo na traffic ako dito eh. For the first time." Mataray kong ani kahit na alam kong hindi niya makikita iyon.

"Hahaha kaya pala. Enjoy na enjoy kapa naman kapag nakatahan lang eh no?" Natatawa pa nitong tanong dahilan upang mapabuntong hininga ako.

"Super. Oh bakit nga?" Usisa ko pa rito. Nilihis ang usapan tungkol sa traffic naba badtrip ako eh.

"Wala naman. Kamusta kana?" Tanong niya.

Magmula kasi nung nangyari sa outing eh hindi na ako nagsalita pa.

"Okay lang, ganun pa rin sa araw ay turo sa gabi ay trabaho." Malumanay kong sambit rito.

"Wag puro trabaho Mg! Baka bumagsak katawan mo niyan mag over fatigue kana!" Pag aalala niya pa.

"Hay naku hindi man! Inaalagaan ko naman ang sarili ko eh. Ikaw kamusta?" Tanong ko rito.

"Okay lang din kapatid." Sagot nito. Narinig ko naman ang mga busina ng mga sasakyan kaya naman mabilis akong nagpaalam kay Sore at mabilis na pinaandar ang motor.






To be continued....










You and MeWhere stories live. Discover now