Chapter 1

4 0 0
                                    

Chapter 1





"Ma punta na ho ako kina tita!" Sigaw ko pa habang pababa ng hagdan.

"Linggo ngayon kala ko sa resto ka pupunta?" Takhang tanong nito na lumabas pa mula sa kusina.

"Eh sa may bagong customer daw po doon kelangan daw po niya ako doon." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"O sya mag iingat!" Paalala niya saka ako lumapit at bumeso dito.

"Si papa ho?" Tanong ko rito dahil tahimik ang bahay mukhang kaming dalawa lang ang andito.

"Ah pinabibili ko ng mauulam para sa tanghalian, dito kaba kakain?" Aniya.

"Ahh. Hindi na ho 'Ma dun na lang ho kayna tita." Wika ko pa rito.

Pagkatapos kong mag paalam ay pinaandar ko na ang motor ko patungo sa shop ng tita ko.

Habang nagda drive ako ay naalala ko ang pinag-usapan namin ni Quennie. Bigla ko tuloy naalala ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Yung lalaking binalewala ko ang pag -ibig para saken. Yung lalaking hiniwalayan ko sa walang kwentang rason at higit sa lahat sya yung lalaking sinayang at pinagsisihan ko ng lubusan kung bakit ko hiniwalayan.

Nang maramdaman kong namamasa na ang mata ko ay agad akong tumingala saglit upang di maglabo ang paningin ko baka maaksidente pa ako.

Imbes na mag isip ay pumasok na ako sa shop ng tita ko. Kung saan ay bubungad agad sa iyo ang naggagandahang mga gowns at tuxedo pati na rin ang iba't ibang uri ng formal dress. Kaya naman dumiretso pa ako sa working area nang mapansing wala ni isang tao rito.

"Good morning!" Bati ko pa sa mga eto.

"Good morning, Magna!"

"Good morning, ineng!"

"Good morning Mg!

"Good morning bae!"

Balik na bati saken ng mga nagtatrabaho dito kahit na busy. Well, close ko naman sila lahat kaya ganun na lang kung batiin nila ako.

Ngumiti naman ako sa mga eto saka dumiretso sa table ni tita.

"Hey tita. What can I do for you?" Nakangiti ko pang tanong rito. Tiningnan naman ako neto saglit saka nagtipa sa cp niya.

"Kanina pa kita tinatawagan di kita macontact." Masungit na aniya. Ganyan sya kapag diko nasasagot agad ang tawag niya.

"Nagsusulat ho kasi ako ng lesson plan ko, kaya yun na-isilent ko ang cellphone ko. Sorry tita!" Nakangiti kong paumanhin dito with peace sign pa.

"After a few minutes darating na ang bisita. I ready mo na yung brochures ng mga pangkasal at mga pang abay. Pagkatapos ay ilagay mo sa table dun sa visitor's area. At isama mo si Daniella sa kusina at magtimpla kayo ng juice at gumawa ng sandwich." Mahabang aniya. Napatango tango na lang naman ako sa sinabing iyon ng tita ko.

'Designer/maid. Wika ko pa sa isip ko.

After kong i-prepare ang mga brochure sa lamesa ay nagtungo na ako kasama si Daniella sa kusina.

"Napakarami naman nito, marami bang darating?" Tanong ko kay Daniella na siyang pinaka close ko rito lalo pa at parehas kami ng age neto.

"Oo eh marami." Aniya habang busy sa pagpalaman ng sandwich.

"Mukhang marami tayong tatrabahuhin ngayon ah!" Wika ko pa rito.

"Oo nga eh, kaso sabi saken ni ma'am eh hindi daw kasama ang bride." Aniya. At napakunot naman ang noo ko.

"Bakit daw?" Usisa ko pa rito.

"Ewan hindi na ako nagtanong eh, alam mo naman ang tita mo may pagkamasungit. Ayaw ng maraming tanong." Natatawang aniya.

"Sus takot ka dun, mabait yun. May pagkamataray lang talaga mana ako dun eh hahaha." Natatawang wika ko rin.

"Oo nga manang mana hahaha. Pero narinig ko pa sa tita mo na engineer daw yung magpapakasal na yun!" Aniya at nakangiti pang kumindat saken.

"Mayaman, engineer eh. Tagasaan ba?" Usisa ko pa.

May lalaki kasing sumagi sa isip ko at sana ay mali ako at hindi sya ang bisita dito. At lalong sana ay hindi sya yung groom.

Ano ba naman 'tong isip na 'to. Sinabi lang ni quennie saken na umuwe na si Ethan at ikakasal na yun na agad ang naiisip ko pupunta rito. My gosh!

"Yun lang ang diko alam." Kibit balikat niyang aniya.

"Magna dalhin mo na dito ang meryenda andito na sila!" Malakas na sabi ng tita ko mula sa labas ng kusina.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba at kasabay niyon ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas kinakabahan ako eh.

Paglabas ko ay nakita ko ang mga pamilyar na mukha ng karamihan na hindi man lang nag alinlangang ngumiti saken.

"Akala ko naman kung sinong mga bisita ni isa wala man lang nag dm saken." Biro ko pa sa mga eto saka binaba ang sandwiches sa lamesa.

Pamilyar ang karamihan saken dahil mga kaklase at kaibigan ko ito nung junior high kami. Ang iba naman ay hindi.

"Para surprise!" Tumatawang ani Daniel.

"Psh sya magmeryenda na muna kayo." Nakangiti kong wika sa mga eto. Nagkuhaan naman sila ng juice.

"Mg parang gumaganda ka lalo." Bola pa saken ni Jericho nginiwian ko naman eto dahil sa hindi pa rin nagbago eto. Palabiro pa rin.

"Ikoy talaga. Pero ganun talaga maganda talaga ako noon pa man." Pagsabay ko sa biro niya kahit totoo naman ang sinabi ko hahaha charot.

Nagkikita naman kami nung college kasi schoolmate kami kaso nga lang bihira dahil nagkikita lang kami at nakakapag usap kapag may events sa school. Pag normal naman ang pasok at nagkikita kami ay nagpapalitan lang kami ng hi at hello.

At ngayon mga graduate na kami at may sari sarili ng buhay at yung iba nga ay may sarili na ring pamilya kaya bihira na talaga sa bihira kung magkamustahan. Konti na lang kaming wala hahaha.

"Mga kilala mo pala Magna eh." Singit pa ni tita. Kaya binalingan ko naman eto.

"Ah opo tita mga kaibigan ko po yan, at mga kaklase ko po nung junior high kami." Paliwanag ko kay tita.

" Ahh. Eh kilala mo kung sinong ikakasal dyan?" Tanong pa saken ng tita ko. Agad naman akong napailing rito.

"H-hindi ho eh. Oo nga sino bang ikakasal sa inyo?" Kunot noo kong tanong sa mga eto.

Napansin ko naman na hindi sila mapakali at nakita ko pang nagsikuhan si Daniel at Nathan.

"Darating na yun, mag intay ka lang." Pinagpapawisang ani Ronnel.

Napakunot ang noo ko sa sinagot niyang iyon.

"Bakit sino ba?" Natatawa ko pang tanong sa mga eto.

"Good morning ho." Isang pamilyar na tinig ang nakapagpalaki ng mata ko.

'I know his voice.

'I knew it.

'Sya ba?

Dahan dahan akong napaharap dahil sa nakatalikod ako rito. Gusto ko mang pigilan ang sarili ko na hindi humarap dahil sa kutob kong sya ang groom ay hindi ko nagawa.

Agad na tumama ang paningin niya saken, hindi ko na inintindi ang mga nagsasalita dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Parang manghihina ako, my gosh!

Diko inexpect na ngayon ko siya makikita.

"Isium andito ka pala." Nakangiting aniya saken.







To be continued.......

You and MeWhere stories live. Discover now