Chapter 50

1 0 0
                                    

Chapter 50






"Kapatid pwede bang pakisamahan sina SPO1 Fidelino sa resto pakita mo sa kanila ang nilalaman ng CCTV footage kagabi." Wika ko pa sa kaniya ng ipatawag ko siya mula sa labas.

"Sige kapatid. Ako na tatawag kay Mayora baka gusto sumama eh." Nakangiting wika niya tinanguan ko naman siya. "Magpahinga ka dyan. Hindi na namin isasama si Ethan kami na bahala. Wag kana sumama bumawi ka sa walong taon na nawala ka sa buhay ng kapatid ko." Nanlalaki ang mata niyang wika Kay Ethan. Nananakot.

"Oo naman. Basta siguraduhin niyo na mahuhuli ang mga lalaking iyon." Seryosong wika ni Ethan sa kanila.

"Opo Sir." Ani Nico Paulo saka sila nagpaalam.

"Kamusta na anak?" Sina Mama naman ang pumalit sa mga ito.

"Okay lang po Ma. Si papa po pala nakausap niyo na? Kamusta si Shea?" Tanong ko sa kaniya dahil naalala ko bigla si Shea.

Naupo naman ito saka hinawakan ang kamay ko.

"Ayos lang sila dun anak. Hindi sila umaalis ng bahay para mabantayan si Shea." Seryoso niyang wika saken. "Alam mo 'nak gusto man kitang sisihin kasi kung hinayaan mo na laang sana ang mga pulis na magpunta sa bahay nina Shea upang mahuli ang nanay at kabit nito  ay hindi nila malalaman na ikaw ang nagpakulong... Edi sana walang mangyayaring ganito sa iyo ngayon." Mahabang wika ni Mama na mangiyak ngiyak pa.

"S-sorry po gusto ko lang naman pong tumulong eh." Paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang anak, yun ka eh. Nasa pagkatao mo na ang tumulong." Nakangiting aniya na siyang nginitian ko ko rin. "Ayos na ba kayo ni Ethan?" Tanong niya saka nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Ayos yan balae kung hindi edi sana nagwalk out na yang anak ko." Confident na wika ni Tita.

"Oo nga naman. Tara na uwi na tayo balae magluluto tayo ng tanghalian nila." Ani mama habang iginaya palabas si tita.

Nagsipagkawayan lang ang dalawa sa amin bago lumabas.

"Ehem!" Tighim pa niya nang maiwan na kaming dalawa rito.

Tiningnan ko naman ito ng nagtatanong look.

"A-ahm na-nagugutom ka ba?" Medyo nahihiya pa niyang wika.

Natawa naman ako sa reaction ng mukha niya. Kinakabahan pa rin kasi ang itsura.

"Oo eh tanghalian ang pinoproblema nila eh hindi pa ako nakakakain ng umagahan." Diretsa kong wika sa kaniya.

"Bibili ako----

"Wag!" Sigaw ko pero kapagkwan ay napaisip ako sa reaction kong iyon dahil masyadong malakas at nakakabigla. "A-ano pwede bang dito ka lang?" Nag aalangan kong tanong sa kaniya. "Natatakot pa rin ako." May takot ko ng wika.

Feeling ko tuloy anumang oras ay bubukas ang pintong iyan at iluluwa ang mga loko lokong lalaki. Ayoko ng maranasan ulit iyon.

"Wag ka ng matakot hindi ako aalis sa tabi mo." Sinserong aniya saka humawak sa mga kamay ko. "Sige magpapadeliver na lang ako. Ano ba gusto mo?" Tanong niya.

"Gusto ko yung may sabaw." Request ko pa.

"Sige ako na bahala." Nakangiting aniya saka nagpindot pindot sa cellphone niya. "Okay na." Maya maya ay aniya at nakangiti lang akong tinitigan nito. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang dahil sa titig niyang iyon.

"Wag mo akong titigan!" Asik ko sa kaniya na ikinatuwa niya.

"Bakit?" Natatawa niyang aniya.

"Psh. Paano bukas mag isa ka lang mag coach?" Pag iiba ko ng usapan.

You and MeWhere stories live. Discover now