Chapter 55

0 0 0
                                    

Chapter 55





Nang iwan kami ni Jude ay nakangiti ko lang itong tinitigan.

"Oh mata mo, susungkitin ko yan!" Natatawa niyang wika habang dinuro duro pa ang mata ko saka naupo na sa tabi ko.

"Napakabrutal mo talaga ano?" Iiling iling na wika ko habang  tumatawa. "Kinikilig ka lang kaya ka ganyan hahaha." Asar ko pa sa kaniya.

"Hindi 'no!" Pagtanggi na naman niya.

"Oo 'no!" Pag salungat ko sa kaniya.

"Hindi talaga ha!" Angil niyang muli.

"Oo na. Uuwi na 'ko hindi ka pala kinikilig sa presensya ko." Kunware ay nagtatampo kong wika saka natayo na.

"Oyyy...oyy..." Aniya habang hinihigit ang braso ko pinpaupo ulit ako. "Oo na kinikilig na ako, eh bakit naman kasi hindi...eh sobrang gwapo mong makangiti halos matunaw na ako sa mga titig mo!" At napangiti na rin naman ako dun saka naupo na ulit sa tabi niya. "Psh! Parang bata may pakilig kilig pang nalalaman eh kung kuryentehen kaya kita dyan." Aniya biglang nagbago na naman ang mood.

'Brutal talaga ang bunganga parang hindi ako mahal eh huhu.

"Basta kuryente mo eh. Alam ko naman na sa ating dalawa mas malakas ang voltahe mo kaya tuwing hahawak ka saken kinikilig ako ng sobra." Banat ko pa sa kaniya habang nakatitig sa kaniya with matching ngiti and kindat pa.

Nakita ko namang sumilay ang ngiti sa kaniya at ang kilig na namutawi sa mga mata niya.

"Hahaha. Ayos ka rin bumanat eh ano?" Nakangiti niyang wika.

"Diba kinilig ka?" Tanong ko pa ng nangaasar.

"Hindi 'no!" Pagtanggi na naman niya. O diyos ko bakit ba kasi napaka ng babaeng 'to. Hindi man lang ipakita na kinikilig sya ganun din nung junior high kami sabihan ko ng I love you ayaw pa mag I love you too pero kita naman sa expression niya gusto niyang sabihin iyon. Ang hirap niyang pakiligin kaya hindi mo malaman kung kinikilig ba talaga sa sinasabi ko o hindi. "Sobra lang." Bigla ay seryoso niyang wika.

'Sa wakas.

"Kumain kana?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Ikaw ba?" Tanong din niya saken na tinanguan ko.

At sa pagtango kong iyon ay naalala ko ang napag usapan namin ni Daniel. Pero agad kong binago ang timplada ng pakiramdam na iyon. Hindi iyon maganda at mas mabuti pang wag na muna sabihin sa kaniya dahil alam ko mag iisip lang sya sa bagay na iyon.

"Ah...ah ....oo kumain na ako bago pumunta rito." Nautal man sa una ay naayos ko rin iyon sa huli. Pinili ko pa ring sagutin iyon kahit na tinanguan ko na para di halata na may iniisip ako.

"Nate tense ka ata. May sasabihin ka ano?" Nagtataka nitong tanong saken.

Napabuntong hininga naman ako. Magaling talaga 'to manghula eh alam niya kapag may tinatago o may bumabagabag sa loob ng isang tao. Hindi ka makakapagtago ng feelings rito.

Bagaman hindi niya nahulaan na nagpapanggap ako marahil ay ginalingan ko lang talaga.

"Wala ah." Sagot ko pa. Pilit pa ring itinatago ang napag usapan namin ni Daniel.

"Sus. Hulaan ko." Aniya saka tumitig sya saken na nilabanan ko naman.

"Ano?" Panghahamon ko pa at ginawang blangko ang isip.

Tho wala syang kakayahan na bumasa ng isip ng tao magaling naman ito makiramdam kaya niya nahuhulaan ito.

"Kay Daniel at Erika?" Nakangiting aniya na napatango na lang ako ng wala sa anuman.

You and MeWhere stories live. Discover now