Chapter 58

0 0 0
                                    

Chapter 58



Lunes



Isium's POV




"ONE TEAM! ONE LEAGUE! ONE HEART! IS ROAD TO CHAMPION!" Sigaw naming lahat kasama ang mga players saka itinaas ang mga kamay na kanina lang ay magkakapatong.

"Goodluck sa atin lahat!" Nakangiti kong sambit saka sila isa isang inapiran. "Goodluck Coach Sir." Mahinang sambit ko dahilan upang maghiwayan ang players namin.

"Yown goodluck hahaha."

"Yieéeee."

"Ang sweeeeeeet!"

Parang mga baklang wika nila na ikinatawa namin.

"Goodluck Coach Ma'am!" Nakangiti rin niyang sambit saken.

Nakangiti ko lang itong nginitian. Kinikilig syempre.

'Yieeeeee.

"Let's go team!" Yaya ni Ethan sa kanila.

"Let's go!"

"Tara!" Sagot nila saka naglabasan na.

Nandito kami sa Deluna Highschool at una naming makakalaban sila. Kinakabahan nga ako eh kasi sila talaga yung may magagaling na players pagdating sa basketball.

"Kinakabahan ka 'no? Magtiwala ka mananalo tayo." Pagpapalakas loob niya saken saka hinawakan ang kamay ko.

"Alisin mo ang kaba ko." Hamon ko pa sa kaniya.

"Sure ikaw pa. Halika na. Kaya natin 'to pero wag magtatalon at magtatatakbo ha?" Paalala pa niya saken.

"Naku po umiral na naman eh. Opo na. Tara na." Aya ko rin sa kaniya. Saka kami sabay na umalis na sa designated room namin dito sa eskwelahan na ito.

Nang makapasok kami ng gym ay punong puno ito at sobrang ingay as in!

Ngunit hindi na lang namin pinansin iyon at nakangiti na umentrada.

"Good morning and welcome to Deluna's Gymnasium Coach Ethan Jay Fullido and Coach Magnesium Sales soon to be Mrs. Fullido! Congratulations in advance!" Malakas na wika ng announcer my gosh! Nakakahiya hahaha inanounce pa talaga.

Naghiyawan tuloy halos ang lahat lalo na ang mga galing sa school namin.

"Bakit alam ng announcer?" Takha ko pang tanong kay Ethan.

"Kaklase ko yan ng senior high." Bulong niya saken.

"Alam niya?" Tanong ko pa.

"Oo naman, nakapost diba sa lahat ng platforms sa social media ko. Friend ko siya sa mga iyon kaya alam niya. " Nakangiti niyang sambit kaya naman tumango tango na lang ako.

"Sus proud na proud saken ah!" Asar ko pa habang naglalakad kami papunta sa bleachers namin.

"Syempre naman ikaw pa. Ikaw lang naman 'tong hindi." Aniya. At parang tinusok niyon ang puso ko.

'Oo nga. Pagdating sa social media active sya pag tungkol saken, pero pag ako hindi ako makapag post ng mga pictures namin. Unfair ba ako? Hindi naman kasi talaga ako showy.

"Bilisan na natin." Hila pa niya saken.

Tahimik lang naman akong nagpatianod sa kaniya papunta sa bleachers ng makarating kami ay naupo na ako.

"Nasaktan ka sa sinabi ko?" Tanong pa niya saken.

'Alam niya agad eh. Tumango tango naman ako.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon