Chapter 56

0 0 0
                                    

Chapter 56



At iyan siguro ang dahilan kung bakit feeling ko ngayon ay isa pa rin akong teenager.



Kinabukasan




"Shea halika na sa baba!" Tawag ko pa sa kaniya kagigising lang eh.

"Bakit ho? Madilim dilim pa ho Ate Ma'am eh. Hay!" Aniya saka naghakay at nag unat unat ng mga braso.

Nilapitan ko naman ito saka hinila na pababa.

"May papakita ako sa iyo sa sala." Wika ko pa.

"Ho?" Aniya. Ngunit di na lang ako umimik baka kasi maisabi ko pa.

"Good morning, Shea." Bati pa ni mama sa kaniya. Nang makarating kami sa sala namin at nadatnan namin doon ang nakatalikod na lalaki na siyang nakapag pangiti saken dahil napakaganda ng tagpuang ito.

"Good morning po tita." Masayang bati nito saka naupo na sa kaharap na upuan na inuupuan ng tatay niya.

Sa pagkaupo niyang iyon ay agad siyang napatayo nang makita ang kaharap at lumapit agad dito saka ito niyakap.

"Daddy!" Aniya saka humagulhol na.  

"Shhhh tahan na andito na si Daddy." Pag aalo sa kaniya ng tatay niya.

"'Ma masaya ako dahil nandito na ang papa niya." Mahinang wika ko pa saka ito niyakap. Niyakap rin naman ako nito.

"Masaya din ako para sa kanilang mag-ama hindi na siya malulungkot." Wika pa niya. "At lalong masaya ako dahil mag aasawa kana, kayna Ethan kana tumira para mag ka apo na kami ng Papa mo sa inyo." Dagdag na aniya na siyang ikinalaki ng mata ko sa gulat sa winika niya. At dahilan din iyon para umalis ako sa pagakakayakap sa kaniya.

"Alam niyo sinasabi niyo 'Ma?" Paninigurado ko pa sa kaniya. Kasi noong teenager ako ni ayaw ako papatungin sa bahay ng mga magiging boyfriend ko maliban lang kay Ethan kasi kaklase ko siya at madalas groupmates kami at sa kanila kami gumagawa ng group project hahaha kaya nga may kiss sa pisngi eh hahaha.

'Ang ikat diba?

"Oo naman sa kasalan din naman ang punta niyo diba atsaka para tumaba kana rin. Simula pagkabata pa yang katawan mo na yan eh." Aniya pa na ikinatawa ko naman at hindi na lang sinagot si Mama dahil sa naagaw muli ng mag ama ang atensyon namin.

"Ms. Isium." Tawag pa saken ng papa ni Shea.

"Po?" Magalang kong sagot with matching smile pa.

"Salamat kasi inalagaan niyo anak ko, Mrs. Sales." Nakangiting wika niya samen ni mama.

"Ayos lang samen iyon. Estudyante sya ni Magna siya ang pangalawang ina ni Shea kaya anuman ang mangyari sa kaniya tutulungan at tutulungan namin siya, kayo." Masayang wika ni mama.

"Sobra ho ang pasasalamat namin sa inyo. Lalo na ang pagligtas sa buhay ng anak ko." Mangiyak ngiyak na wika niya kaya naman lumapit ako dito at hinagod ang likod nito para I comfort.

"Wag na po kayo mag alala. Nararapat lang ho ang ginawa namin." Nakangiti kong sambit saka tumapik tapik pa ng konti sa balikat niya.

Napahid na lang naman nito ang luha.




***





Days had passed at last day na ng training ng school namin.

"Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok, Magna?" Paninigurado pa ni Mama matapos kong bumaba ng nakabihis at naka pang coach uniform.

You and MeWhere stories live. Discover now