Chapter 20

1 0 0
                                    

Chapter 20




"Good morning!" Bati ni Mr. Fidelino matapos ang flag ceremony.

"Good morning rin ho!" Balik na bati namin kasama ang mga estudyante.

"Okay by Monday may bago na tayong mathematics teacher." Anunsyo pa niya.

"Sino ho?" Usisa pa ni Mrs. Beltran.

"Secret. Ito clue. Engineer sya." Tumatawa pang aniya. Kaya naman disappointed ang iba. At isa na ako dun baka kasi kilala ko eh. Marami kasi akong kaklase na nag engineer.

Pero hindi na niya iyon sinabi pa at pinabalik na kami sa room. Habang naglalakad ay sumabay naman saken si Mrs. Llave.

"Huy babae ikaw ha? Nakita kita kanina pangiti ngiti ka pa sa bintana!" Aniya.

"My gosh ma'am nakita niyo ako kanina?" Tanong ko rito.

Ito na nga ba eh may nakakita na nga sa pagbalik tanaw ko.

"Oo eh kinakawayan nga kita wala ka namang pakialam!" Asik nito saken.

"Hahaha sorry Ma'am!" Natatawa kong paghingi ng paumanhin rito.

"Sorry ka dyan! May boyfriend kana ware eh." Panghuhuli pa nito saken pero nakangiti ko naman itong inilingan.

"Hahaha wala man Ma'am masaya lang ako kanina." Sagot ko na lang rito.

"Luka!" Malakas nitong sabi saken inaasar ako.

"Hahahah naku ma'am!" Tawa ko rin rito.

Matapos ang tawanang iyon ay pumasok na ako sa classroom ko at nagsimula nang magturo pagkatapos niyon ay nagbigay ako ng quiz sa mga eto gayundin sa ibang section at year level na hinahandle ko.

Nang matapos ako sa pagtuturo ay maaga akong nag out dahil tinext ako ni May na kulang ng tao sa resto.

Kaya naman nagtungo na ako doon upang makatulong. Nang makarating nga ako ay dagsa ang mga tao. Agad naman akong nag apron upang tulungan ang mga waiter.

"May kapag dika busy, mag print out ka ha? Mag ha hire tayo ng waiter!" Utos ko pa kay May.

"Waiter!" Ani customer na agad ko namang nilapitan.

"What's your order sir?" Tanong ko rito.

"Give me a cup of rice and sinigang. I want maasim." Slang nitong wika saken.

"Okay sir. Just wait for a few minutes." Sabi ko rito at nakangiti naman ako netong tinanguan.

Nang makaalis ako ay lumapit pa ako sa ibang customer at hiningi ang mga order neto. Hindi naman kami masyadong hagard no? Psh.

Napakarami na naming tauhan kulang pa rin. Kailangan pa nga siguro silang dagdagan.

"Ma'am kami na po bahala rito. Marami po kasing papeles ang dumating." Ani Arjay nang makalapit ito saken.

"Ano ba yun?" Tanong ko pa rito.

"Bill ho ma'am." Magaling na sagot neto saken.

"Dadalhin ko na lang sa bahay mamaya. Kailangan niyo ang tulong ko. Baka gusto mo magpasok ng part timer hiring tayo." Sabi ko pa rito.

"Ah sige po maghahanap ako samen kung sinong willing magtrabaho dito." Nakangiting aniya.

"Yan goods tayo dyan " nakangiti ko ring sabi rito.

"Dapat nga ho ma'am eh hindi niyo na ginagawa ito kasi alam naman naming pagod kayo sa pagtuturo." Seryosong aniya.

"Ayos lang yun ayokong makita kayong hindi na magkaundagaga sa paggawa rito tuwing maraming customer katulad ngayon." Tukoy ko pa sa sitwasyon namin ngayon.

"Napakabait niyo naman talaga ma'am eh. Sige na ho ma'am linisin ko na po muna ang table nila." Aniya saka nagtungo sa mesang bakante na.

Pinanooran ko naman itong magtungo roon at tiningnan kung paano siya kumilos.

Si Arjay kasi sya yung napapansin kong napakasipag kung magtrabaho tho masipag naman lahat ay sya yung napapansin kong napaka.
Sa pagkakaalam ko kasi pagkatapos niya magtrabaho rito ay pupunta naman siya sa bar para kumanta. Isa rin kasi itong vocalist ng banda.

Nang matapos ang nakakapagod na gawaing iyon ay naupo ako saglit sa isa sa mga upuan doon.

"Ano ma'am pagod?" Tanong pa saken ni Ken. Nagbibiro, nginitian ko naman ito.

"Oo eh pagod hahaha, napakarami naman atang customer ngayon?" Tanong ko pa sa mga eto.

"Oo nga po Ma'am eh, unexpected pero sabagay maganda naman talaga dito sa resto niyo!" Masayang aniya.

"Syempre masayahin ang may ari eh hahaha." Tumatawa kong sabi.

"Hahaha ganun ho ba yun Ma'am?" Usisa niya pa.

"Oo ganun yun!" Natatawa kong sagot rito. "Ako na lang mag sasara rito." Sabi ko pa sa mga eto na sinang ayunan naman nila. Nang makaalis sila ay nagtungo ako sa opisina at kinuha ang bill ng resto at nilagay iyon sa bag pack ko. Pagkatapos ay lumabas na rin ako at sinara ang resto.

"Miss sarado na ba yan?" Tanong ng lalaking sa tingin ko ay nakainom.

"Opo eh." Sagot ko rito.

"Sayang order pa naman ako." Nanghihinayang na aniya.

"Ah bukas na lang ho kayo umorder, Wala na po dito yung magluluto eh." Sagot ko ulit saka bumaba ako at nagtungo sa motor ko at hinawakan ang helmet ko.

"Alis na ho ako. Balik na lang ho kayo bukas kuya." Magalang kong sabi rito. Ngumiti naman ito saken at nilagpasan na ako.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa kabang naramdaman ko kanina lang. Ayoko kasi maka encounter ng stranger na lasing.

My gosh! Gabi pa naman na at wala na halos taong dumadaan dito sa tapat ng resto. Kaya naman nang makalayo na ito ay agad kong sinuot ang helmet ko at pinaandar na ito.

Narinig ko pang sinigawan ako nito pero hindi ko na iyon pinansin.

Nang makauwe ako ay bagsak ang katawan kong naupo sa sofa.

"Pagod na pagod ka ata Isium?" Tanong saken ni Mama na nanonood ng drama sa tv.

"Sobra Ma. Kulang kami sa tauhan." Tamad kong wika rito.

"Ako na lang." Suggestion niya pa.

"Hindi Ma, iba na lang. Mapapagod pa kayo dun!" Mabilis kong sagot rito.

"Naiinip na ako dito." Nakangising aniya.

"Edi magsayaw ka Ma. Goodnight!" Paalam ko rito saka siya hinalikan sa pisngi at tinalikuran na narinig ko naman ang pag goodnight niya.






To be continued...












You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon