Chapter 76

0 0 0
                                    

Chapter 76

"Ano kaba, basta mahal mo ang anak ko at hindi mo sasaktan." Ganti niya.

"Opo naman tita, physically, I will surely not to hurt her. Pero tita sa pag-ibig naman po diba? Kaakibat niyon ang sakit kaya hindi ko po maipapangako sa inyo na hindi ko siya masasaktan emotionally kahit diko sadyain." Mahaba kong saad sa kaniya.

"Alam ko...alam ko anak. Kapag nagmamahal talaga kahit hindi mo sadyain ang mga bagay at kapag may pagkakataong pwede siyang masaktan dun eh masasaktan talaga siya. Tulad ng selos." Pagpapaintindi rin niya saken.

"Pero gagawin ko po ang best ko wag lang siyang masaktan talaga." Sinsero kong wika kay Tita.

"Dahil ako ang makakalaban mo kapag nasaktan ang anak namin." Singit ni mama.

"Mama hindi mangyayari yun." Natatawa kong sagot sa kaniya. Basta basta na lang kasi sumisingit pero gayunpaman ay seryoso naman ako sa sinabi ko.

"Tito.." Baleng ko sa Papa ni Isium na siyang katabi lang ni Tita Jane.

"Papa, hindi Tito." Agad na wika niya. "Ibinibigay ko na sa iyo ang permiso na pwedeng pwede mo ng kunin ang kamay ng anak ko. Una pa lang naman eh boto na ako sa iyo." Dagdag pa niya na ikinatuwa ng puso ko.

"Salamat T-- P-papa Papa." Halos mautal ko pang sagot.

"At saken? Mama na rin ang itatawag mo saken ha?" Singit ni Tita Jane.

"O-opo M-ma." Nautal ko ring sagot.

"Oh eto ang bulaklak ibigay mo na, nangangawit na ang payatot mong mapapangasawa." Aniya natawa na lang naman ako dahil nakuha pang magbito ni Tita kahit na kitang kita naman na sa mga mata niya na namamasa na ang mga ito.


Matapos kong makapag-paalam at nang makuha ko kay Tita Jane este Mama Jane ang bulaklak ay agad akong bumalik kay Isium upang ibigay sa kaniya.

"Ano pa bang susunod dito? Panay ang sorpresa ah......napakaganda naman ng mga pulang rosas na 'to." Na aamazed niyang wika.

"Baby hahaha." Biro ko sa kaniya, kahit ang totoo ay gusto ko talaga iyon.

"Haduy ka hahaha. Soon." Sagot niya na ikinangiti ko pa.

"Maupo na kita, baka nangangalay kana eh." Aya ko sa kaniya dahil kanina pa nga kami nakatayo.

Tuloy pa rin naman sa pagkanta sina Daniel. Umupo kami sa mesang nakahanda para sa buong barkada.

"May itatanong ako." Aniya nang makaupo na.

"Ano yun?" Sagot ko.

"Nagplano kayo diba na kidnappin ako?" Tanong niya at tinanguan namin iyon. "Eh sino yung nasipa ko sa sikmura?" Natatawang tanong niya.

"Yung bokalista ng banda." Si Erika ang sumagot, saka kami nagpigil ng tawa.

Hindi ko kasi maimagine ang mukha ni Daniel kanina pagkauwi. Siya pala ang bukod tanging napuruhan hahaha. Buti nga at guminhawa na ang pakiramdam kani-kanina eh kaya nakakanta na.

"S-si Daniel?" Natatawa niyang tanong. "Sorry." Paumanhin niya.

"Naku wag kang mag sorry, karma niya yun kasi nagsalita siya ng hindi maganda sa iyo. Kami ang dapat mag sorry sa iyo, Mg. Pasensya kana kung nasisi ka pa ni Daniel sa muntik kong pagkatanggal sa trabaho." Mahabang saad niya kay Isium.

"Naku. Okay lang saken yun. Magbabarkada tayo 'no. At forgiveness is everywhere!" Masayang tugon niya rito.

"Eeeeeeey, anong pinag uusapan niyo?" Sulpot ni Daniel at umakbay sa girlfriend nito. Ngunit hindi naman nahinto ang pagtugtog sa paglisan niya sa banda, bagkus ay may pumalit sa kaniya.

You and MeWhere stories live. Discover now