Chapter 48

1 0 0
                                    

Chapter 48





Ethan's POV


"Ma bilisan mo!" Tawag ko pa kay mama sa labas ng bahay. Eh kasi naman gustong gusto sumama.

Gusto daw niya makita si Isium!

Nakapag desisyon na ako na oras na nga siguro para sabihin ko kay Mg ang totoong nararamdaman ko pati na rin ang tungkol sa pagpapanggap namin ni Patricia Nicole.

Tinext ko na rin ang barkada at lahat sila ay gusto na rin mangyari iyon.

"Ma!" Muling tawag ko dahil naka pag kwento na ako lahat lahat eh wala pa rin siya.

"Ma dadaan pa tayo kayna Tita Jane!" Sigaw kong muli.

"Oo andyan na! At wag kang mag-alala sinabi ko na kay Tita Jane mo---"

"Ano ma?" Gulat kong tanong kaya naputol ko ang sinasabi niya. Kasabay ang pagpasok muli sa bahay upang salubungin siya.

At talagang nagpaganda pa. Sa hospital kaya kami pupunta hindi sa mall. Kaya natatagalan eh mga babae talaga.

"Ma bakit mo sinabi?" Tanong ko. Habang bumababa ito sa hagdan.

"Hindi mo kasi magawa eh. Kaya ako na lang." Nakangiti nitong wika.

"Eh ano pong sabi ni Tita?" Kinakabahan kong wika.

"Ayun as usual reaction para sa mga taong nakakasagap ng masamang balita. Nagulat, kabado at hindi alam ang gagawin katulad ko, natin kanina parang wala kana nga sa sarili eh." Ngumingiwing aniya.

Ang mama talaga kung magsalita.

"Ano hong sabi niyo?" Tanong kong muli. At huminto naman ito sa paglalakad ng makalapit sya saken.

"Sabi ko susunduin natin sila dun. Kaya yung isang sasakyan mo ang gamitin natin." Aniya tinutukoy ang isang Van na nabili ko. "Tara na! Gusto ko na makita ang daughter in law ko." Nakangiting aniya. Saka nanguna ng lumabas ng bahay.

Napakamot na lang naman ako ng ulo dahil sa tinuran nito kala mo kasi isang party ang pupuntahan o date.

At Isium's house

"Balae!" Sigaw pa ni Mama ng makababa ng sasakyan.

"Balae! Kamusta na ang anak ko?" Tumatakbong aniya habang nagpupunas ng luha saka yumakap kay Mama ng makalapit ito.

"Shhhh. Tahan na Jane. Ayos na ang anak natin sinigurado na ni EJ na okay si Isium bago niya iwan sa mga kaibigan nila." Pagpapatahan ni Mama habang hinahagod ang likod nito.

"A-ano bang nangyari kay Magna, anak? Ethan?" Tanong ni Tita habang nakayakap pa rin kay Mama.

"Naabutan na lang ho namin tita na wala na yung nanaksak kay Isium. Alam niyo po bang naabutan ko pa siyang nakatayo bago bumagsak. Takot na takot na nga ho ako nun eh." Kwento ko pa. Pilit na hindi dinadagdagan ng tubig ang namamasa ko ng mata dahil sa naalala ko ang mga luhang pumatak mula sa mga mata niya para kasing bitbit ng luhang iyon ang mga pasakit na dinadala niya.

At siguro ay isa na ako dun.

Sa hospital (kwarto ni Magnesium)

"Magna!" Hiyaw ni Tita ng makarating kami sa kwarto ni Isium. Agad niya itong niyakap.

"Anak ko!" Hiyaw din naman ni Mama.

"Ano na kayo. Buhay pa yang anak niyo iniiyakan niyo na ng ganiyan." Awat pa ni Tito Joey ang papa ni Isium.

Totoo naman iyon kung makaiyak nga naman sila ay parang hindi na magigising si Isium pero supla naman. Siguro ay ganun lang talaga ang mga nanay takot na takot sila kapag nasaktan na ang anak nila at nalagay sa kapahamakan.

You and MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt