Chapter 26

1 0 0
                                    

Chapter 26






Lunch break.



Nakapila kami ni ma'am Annie para umorder ng kakainin namin nang kausapin ako nito.

"Ma'am ano ba gusto niyo?" Tanong pa nito saken dahil nasa unahan ko ito.

Tiningnan ko naman ang mga putahe sa harap namin. May adobo, menudo, kaldereta, dinuguan, kare kare chapseuy at ampalaya.

"Ampalaya lang saken saka Isang cup lang ng kanin." Sagot ko rito.

"Ang konti naman tipid ka?" Tanong pa nito saken.

Napabuntong hininga naman ako rito.

"Eh sa kailangan ng mga kuya ko ang pera eh." Sagot ko rito dahil bago matapos ang klase ko sa umaga ay nakatanggap ako ng text sa dalawa kong kuya.

Yung isa kailangan kasi na short sa budget. Yung pangalawa kailangan kasi may panibagong requirements na aasikasuhin kasi mag iiba na sya ng place na pagtatrabahuhan.

Ang hirap na nga eh. Hindi ko sila mahindian kasi sila rin ang tumulong sa akin noon. Hindi ko sila kayang sukuan, hindi ko sila masumbatan kahit na sinasabi ng iba na sobra sobra na sila sa paghingi kasi naman po dalawang beses sa Isang buwan kung sila ay padalhan ko. Tapos ang gastusin po ng kapatid kong nag aaral sa Manila ay saken din nakadepende kasama na ang bayad sa apartment at linggo linggo ko ito pinapadalhan.

"Ms. Isium ako na magbabayad ng order mo dagdagan mo na pati." Bigla ay sulpot ni Ethan sa tabi namin ni Ma'am. Annie.

"Ay wew sana all!" Mapang asar na wika sa amin ni Ma'am Annie at talagang binigyan pa kami ng animong nakakakilig na tingin.

Pero iniwasan ko namang tingnan ang lalaking nasa gilid namin.

"Wag na Sir Ethan sakto lang saken yan." Sagot ko rito nang hindi tumitingin dito.

"Naku sir ayaw ni Ma'am Mg wag mo ng pilitin sa akin na lang bayaran mo, wala po sa mood yan Sir." Nakangiting wika nito.

Laking pasalamat ko naman kay Ma'am Mallo dahil sa pagliligtas nito saken. Marunong siyang makiramdam.

Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na tiningnan ako ni Ethan.

"Okay. Okay lang ba sya?" Baling pa nito kay Ma'am Annie.

"Okay lang yan. Wag mo problemahin." Sagot niya kay Ethan napatango tango naman ito.

"Sige dito na lang ako sa kabilang table mukhang ayaw akong kasama ni Ma'am Isium eh." Aniya mahihimigan mo dito ang disappointment.

Nang makaalis siya ay nag order na kami agad, naantala na ang ibang nakapila.

"Bakit di niyo paupuin dito si Sir Fullido?" Tanong samen ni Sir Aaron nang makaupo kami.

Tiningnan ko naman ito sa kabilang side sa may entrada ng canteen kung saan ay nag iisa lang ito.

Napalunok naman ako dahil nakaramdam ako ng awa rito.

"Hayaan niyo na." Wika ko pa sa mga eto.

"Naku sabi pa mandin ni Sir Fidelino hindi dapat nating I out of place si Sir Ethan, Ma'am Mg!" Ani Ma'am Annie.

Tiningnan ko naman ito saka sumubo ng kanin.

"Edi papuntahin niyo dito." Tipid kong sagot.

"Wag na nga Sir she's not in the mood." Mahinang aniya pero rinig ko naman.

Nagpatuloy lang naman kami sa pagkain, yung dalawa lang ang nag uusap at tahimik lang akong kumakain.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam ako sa mga eto at pupunta akong bayan kung saan pupunta ako sa padalahan ng pera. Pero bago iyon ay nag cash out muna ako saka nagpadala na sa tatlo kong kapatid.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon