Chapter 66

0 0 0
                                    

Chapter 66

Isium's POV

"Oo nga, para kang timang!" Natatawa kong sambit sa kaniya, saka siya nilagpasan.

Para kasing t*nga kung makangiti eh.

Nagpasya akong sa kanila matulog kasi ewan hahaha gusto ko siyang makasama pa.

Feeling ko kasi maghihiwalay din kami hahaha joke. Hindi, seryoso...gusto ko lang na sa kanila matulog, walang ibang rason. For sure hindi aapila dun sina Mama.

Gusto na nga nila ng apo eh, ang weird niya ano? Gustong gusto mag ka apo saken. Palibhasa nasa Maynila ang kaniyang mga apo sa mga Kuya at bihira niya ito mapuntahan, kaya siguro ay gusto sa malapit hahaha.

Nang makarating kami sa canteen ay mga nakaupo na ang buong team.

"Kumpleto na ba kayo?" Tanong ko pa.

"Opo Ma'am." Sagot ni Kristoff.

"Okaaaaay.... Ano ba gusto niyo?" Masaya kong tanong sa kanila.

Maraming tao ang andito at nandito rin ang mga player ng basketball ng De Luna. Pero hindi namin pinapansin ang mga tingin nilang kulang na lang eh tunawin kami.

"Kahit ano Ma'am basta galing sa iyo eh." Ani Paul at kinindatan pa ako.

"Huy, loko ka ah! Wag mo kindatan Ma'am mo, saken na 'to!" Angil niya rito na ikinatawa ko pati na rin ng mga players namin. "Sige tawa pa kayo. Tara na Isium!" Hila saken ni EJ patungong counter.

"Hahaha nagselos pa si Coach Sir." Rinig naming wika ni Paul.

Nilingon naman ito ni EJ at muli ay nagtawanan lang ulit ang buong team.

"Huy, wag mo na nga patulan yung bata. Para kumindat lang eh." Todo ang ngiti kong sambit habang tinuturo kay ate ang inoorder ko inaasar siya, napabuntong hininga na lang naman siya at hindi na nagsalita. "14 pieces po niyan.... Saka po eto... At eto po." Turo ko pa sa cheese burger, fries at carbonara.

"Drinks po?" Magalang na tanong samen ni ate.

"Ice tea na lang po." Nakangiti kong sambit. Matapos kong ibigay ang bayad ay bumalik na kami ni EJ sa pwestong inilaan samen ng mga players.

"Coach Ma'am, thank you po." Ani Paul at muli ay kinindatan ako. Ang lakas ng tama ng batang ito ngayon hahaha.

"Mr. Serrano akin 'to!" Angil na naman ng katabi ko.

"Coach Sir naman, binibigyan mo po ng meaning wala lang yun saken. Selos na selos, coach?" Biro niya sa Coach niya.

"Selos? Of course....not." Aniya at medyo natagalan pa sa huling sinabi. At ikinatawa ng mga players namin iyon. Gayundin ako, napailing pa nga ako eh.

"Tumatawa kayo?" Masungit niyang tanong sa mga ito tuloy ay nagsipagtahimikan ang buong team.

Gusto kong batukan 'to, nag iba ang mood eh. Parang dinaig pa ang babae.

"May regla ka?" Tanong ko pa.

"I'm just kidding, gusto niyong ice cream?" Alok niya sa mga ito. Takteng 'to.

"Hahaha of course...Sir." Ani Kristoff at ginaya pa ang Sir niya kanina sa pagsambit ng mga katagang iyon.

"Yown. Paul okay tayo ha?" Aniya at nakipag apiran pa, nakangiti naman siyang inapiran ni Paul.

"Oo naman Sir. Hindi ka naman ganiyan eh kaya alam kong nagbibiro ka lang hahaha kaya nga wala akong kakaba kaba sa dibdib eh." Matapang niyang wika.

"Hahaha." Natutuwang aniya at nagpatuloy pa ang kwentuhan hanggang sa dumating ang order namin at masaya naming pinagsaluhan iyon.

You and MeWhere stories live. Discover now