Chapter 43

2 0 0
                                    

Chapter 43







"Ano ako internet?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Hahaha takte, hindi mo talaga alam?" Tanong niyang muli hindi ako sinagot.

Napabuntong hininga naman ako saka tiningnan isa isa ang barkada. At mukhang lahat sila may alam na. At akong nakahalata na may problema ang Mayora ay walang kaalam alam kung ano ang problema nito.

'My gosh! I feel out of place. Wika ko pa sa sarili ko. Naiinis.

"Edi sabihin niyo sa akin. May alam pala kayo hindi niyo sinasabi sa akin!"

Mataray kong wika sa kanila.

Kaya naman nabago na naman ang atmosphere at lahat ay nagsitahimikan.

"Yan mga madamot kayo!" Asik ko sa kanila nang walang umimik.

"A-anong madamot bakit?" Takhang tanong ni Ronnel.

Inirapan ko naman ito.

"Hindi kayo nag share sa akin. Yung isa dyan tinext ko pa tapos may alam na pala hindi pa sinabi sa akin--- "

"Aba't ngayon ko lang naman na---"

"May kabit si Egen at si Rachelle yun!" Bigla ay wika ni Quenay kasabay ang malakas na pag bagsak ng kamay niya sa lamesa.

At dahil doon ay literal akong natahimik at nadurog ang puso para sa kaibigan ko. Napanganga at the same time hindi makapaniwala sa narinig dahil knowing Elgen he's kind of a man na sobrang bait as in. Kaya nga nagustuhan ko at ipinilit ito para sa kaibigan ko.

I should be the one to blame I guess.

Nanlamig ako sa isiping iyon.

"I-im sorry I didn't know." Nauutal kong wika dahil sa awa sa kaniya.

Pero at the same time nanggigigil ako kay Egen because of what he did to my bestfriend.

'Masasapak ko siya. Gigil na wika ko pa sarili ko. 

Kaya naman kumilos agad ako at akma ng aalis ng pigilan ako ni Ethan sa may pinto ng resto. Hindi ko hahayaan na si Quennie lang ang magdusa hindi niya deserve iyon si Egen ang dapat magdusa.

"Saan ka pupunta?" Takhang tanong ni Ethan habang ang mga kamay ay nakahawak sa kaliwang kamay ko.

"Kay Egen sasapakin ko!" Mataray kong wika sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay ngunit malakas siya.

"Ano?" Hindi niya makapaniwalang wika. "Hindi mo dapat gawin iyan. Si Quennie ang dapat gumawa niyan! No.. I mean is.. walang sapakang mangyayari. Ang kailangan lang magkaayos sila okay. Labas kana sa problema nila at hindi mo na dapat pakialaman iyon!" Mahina niyang wika sa akin.

Makikita mo ang pag aalala sa mukha niya.

"Ano gagawin ko?" Bigla ay malambing kong sagot sa kaniya.

"Ang icomfort ang kaibigan mo." Nakangiti na nitong wika sa akin.

Nang tingnan ko si Quenay ay tahimik itong humihikbi habang pinapatahan nina Sore at Nathan.

"Gusto ko munang lumabas." Wika ko sa kaniya at muling binalak na kunin ang kamay ko sa kaniya. Ngunit ayaw pa rin niya itong pakawalan.

"Sasama ako." Seryosong aniya saka binuksan ang pinto ng resto.

Hindi na kami nakapagpaalam sa kabarkada namin dahil kinikilig ako hahaha takte kasi kanina pa niya hawak kamay ko kahit pinagpapawisan na.

Ang childish na diba?

You and MeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ