Chapter 51

1 0 0
                                    

Chapter 51









Ethan's POV



Matapos ang lunch ay nakabalik na sina tita, pero sina Daniel ay hindi pa.

Kaya naman imbes na mag alala ay tinawagan ko na lang ito.

"Sino yan?" Mahinang tanong saken ni Isium. Bumulong naman ako sa kaniya na si Daniel iyon tumango tango na lang naman ito saka ako sumenyas na lalabas muna ako.

"Oy Morong asan kayo?" Bungad ko ng sagutin nito ang tawag ko.

"Sakto bilisan mo pupunta tayo sa resto. Katatawag lang saken ni Nico Paulo. Tatawagan pa lang kita eh naunahan mo lang ako." Mahabang aniya mula sa kabilang linya.

"O sige sige." Mabilis kong sagot saka pinatay ang tawag at Muling pumasok sa loob.

"Tita, Ma, Isium, punta lang ho ako sa resto nina Isium." Wika ko pa sa kanila.

"B-bakit?" Tanong ni Isium saken.

"Tumawag na si Nico Paulo kay Daniel." Sagot ko rito.

"Sama kami." Wika pa ng mga barkada.

Napatango na lang naman ako.

"Okay ka lang ba kung sina tita at mama ang magbabantay sa iyo rito?" Malambing na wika ko sa kaniya.

"Hmm. Mag ingat kayo." Nakangiting aniya.

Kaya naman hinalikan ko muna ang noo ni Isium saka tumunghay kayna tita at mama.

"Tita, ma aalis na po kami kayo na ho bahala muna kay Isium." Pakiusap ko pa sa kanila.

Alam kong hindi na dapat ipaalala iyon lalo na kay tita. Pero iba ang epekto sa iyo kapag naging sa iyo na ang babaeng mahal mo. Gusto mo maiingatan sya lagi.

"Mag ingat kayo, ha?" Nakangiting paalala samen ni Tita.

"Opo tita." Nakangiti kong sagot.

"Ma?" Tawag pansin ko sa kaniya.

"Babalik kapa naman eh, lumakad na kayo." Aniya.

Napakamot naman ako bago humalik sa pisngi niya.

'Mama talaga napaka! Hayst!

"Tara na!" Aya ko sa kanila.

Kaya naman halos mag unahan pa silang lumabas ng pinto.

"Hoy Mayor ako paunahin niyo ako!" Wika ni Quenay na nastuck na sa pinto dahil sa apat silang hindi makalabas doon nagdidikdikan eh.

"Konsehal ako wag niyo akong ipitin! Putcha kayo!" Humihiyaw na wika ni Nathan.

Natawa na lang naman ako sa kanilang apat.

"Ano na kayong mga bata kayo! Isa isa lang kasi!" Malakas na wika ni Tita na iiling iling samantalang si mama at Isium ay impit na tumatawa.

"Ah, ako--hmmm. Congressman ako!" Wika naman ni Ronnel sa kanila.

'Nagpapayabangan na nga  inunahan kasi nung dalawang may pwesto sa bayan. Sinabayan tuloy.

Napahawak naman ako sa bibig ko at pinigil ang tawanin gawa kasi kay Ronnel kaya hindi makalabas yung tatlo. May katabaan eh hahaha.

"Takte naiipit ako dito oh! Senador ako may laban kayo?" Ngumingiwing wika ni Ikoy hahaha hindi ko alam kung maaawa na ba ako o tatawa na lang dahil naririnig ko na rin ang impit na tawa nung tatlong nasa likod namin kanina pa.

Napabuntong hininga ako saka lumapit sa kanila.

"Presidente ako ng bansang ito magsitigil kayo!" Wika ko sa mga ito saka hinigit ang dalawang nasa gitna which is si Nathan at Ronnel.

You and MeWhere stories live. Discover now