Chapter 35

1 0 0
                                    

Chapter 35








Quennie's POV

"Mayor naka settle na po ang lahat. The opening will be on Monday." Wika saken ng assistant ko na si Andie.

"Okay thanks. By the way yung mga rasyon ba sa nasunugan nabigay niyo na?" Tanong ko pa rito.

Kasi kahapon ay may sampung bahay na nasunog sa isa sa barangay sa bayan namin.

"On the way na po Mayor!" Mabilis na sagot nito sa akin. Tumayo naman ako at kinuha ang ibang papeles sa isang table ko.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Tanong ko pa. Hindi kasi makapunta roon kasi ang dami ko pang aasikasuhin.

"Eh baka kasi po kailanganin niyo ho ang tulong ko. Atsaka nandun naman po si Konsehal Nathan." Nakangiting aniya.

Tumingin naman ako rito.

"Oh eh dapat andun ka man lang Ms. Andie." Wika ko pa rin rito.

"Mayor sasama na ho sana ako eh kaso sabi ni konsehal Nathan dito na lang daw ako para kapag kailangan mo ng tulong andito ako." Nakangiti at masaya nitong wika sa akin.

"O sya hala. Mamayang lunch pupuntahan ko ang anak ko at kakain kami sa labas." Sambit ko pa rito.

"Ah sige po Mayor." Sagot naman nito sa akin.








Isium's POV 

"Partner kayo ni Mr. Fullido ah!" Nakangiti pang wika sa akin ni Ma'am nang saglit akong pumunta sa classroom niya para magtanong.

"Oo nga Ma'am eh." Tamad na sagot ko rito.

"Parang hindi ka masaya?" Tanong pa nito sa akin.

Lumapit naman ako ng bahagya rito para walang makarinig kahit na kaming dalawa laang ang nandirito.

"Ma'am sa totoo lang po eh ayokong makasama si Ethan sa kahit saang event, pinipilit ko na lang ngang maging komportable ako pag nandyan siya sa paligid ko. Kung pwede nga lang ho ay huwag ko na siyang makita kaso imposible po kasi nasa iisang lugar lang po kami." Seryoso kong wika rito.

Gusto kong may makaalam ng nararamdaman ko kahit isa man lang. Pero ayoko sabihin kayna Quenay at Erika kasi sigurado akong madudulas at madudulas yung mga yun na sabihin kay Ethan once na nagkasama na naman kami lahat at isang kahihiyan yun para sa akin hindi na dapat pa akong magmahal ng taong may mahal ng iba. Pero hindi ko rin naman magawang pigilan ang puso ko.

May kakayahang dumikta ang isip pero ang puso walang kakayahang sumunod dito lalo na kapag tungkol sa pagmamahal.

"Eh paano yan gusto mo ba magpapalit?" Nag aalalang tanong niya.

Umiling naman ako at ngumiti rito bago magsalita.

"No Ma'am, I'll take the risk po." Nakangiti kong sambit. "Atsaka po malay natin once na magkasama kami doon marealize ko na talaga na hindi ko na dapat pang mahalin siyang muli." Natatawa ko pang sambit pero deep inside nasasaktan ako kasi simula bukas magkasama na kami.

My gosh!

------

A few hours has passed

(Lunch time)






Quenay's POV

"Mommy can I tell you something?" Tanong pa sa akin ng anak ko. Matapos ko itong puntahan sa ballet school niya.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng magsalita ito.

"Yes tell it to me." Nakangiti kong sagot rito.

You and MeWhere stories live. Discover now